Nasa kalagitnaan na sila ng Black Swamp kung saan ay masasabing isa sa pinakadelikado at pinakamalalim na parte ng Black Swamp. Ang lalim nito ay wala pang sinumang naitalang nakapunta rito liban lalo pa't pinamumugaran ito ng mababangis na halimaw na alam naman ng karamihan. Maituturing na ang Black Swamp noon ay nag-eexist na noon pa bago maganap ang digmaan ngunit walang makakapagsabi kung bakit dito pa mismo sa mismong tila malawak na lawa ito nangyari dahilan upang ang mga mababangis na nilalang ay biniyayaan ng kakaibang mga abilidad at kapangyarihang natatangi lamang sa kanila halimbawa na lamang ay ang Mutated Black Swamp Snake na nasagupa nila kanina. Sa totoo lang ay masasabing masuwerte pa rin sila lung tutuusin dahil nasa mababaw pa solang parte kanina ngunit ngayon ay hind

