Mabilis niyang nilingon ang kinaroonan ng pinanggagalingan ng boses na ito na walang iba kundi si Van Grego na siyang nagsalita sa kaniya gamit ang divine sense nito. Agad niya pinaningkitan ng mata. Halatang walang sinuman ang nakakaalam sa tumatakbo sa isipan nito. Bigla na lamang naging malamig ang tinging ipinupukol nito. "At bakit ko naman hindi sasabihin sa kanila? Kailangan ko bang itago ang nakita ko kanina?!" Malakas na pagkakasambit ni Elaina gamit ang kaniyang sariling divine sense na nakakonekta ngayon sa isipan ng binatang si Van Grego. "Una ay hindi sila maniniwala sa'yo. Pangalawa ay walang maidudulot na maganda ang sasabihin mo." Direktang sambit ng binatang si Van Grego sa isipan ng magandang babaeng taong ahas na si Elaina. Halatang walang kaabog-abog nitong pinaintind

