Napangiti na lamang ng palihim ang binatang lalaking si Van Grego nang makita niya kung paanong papalapit na tatama sa kaniya ang dambuhalang dulong parte ng buntot ng halimaw. BANG!!! Isang malakas na pagsabog ang naganap. Nakangangang nakatingin na lamang sina Prinsesa Nova Celestine at Ginoong Rain mula sa malayo sa mismong pwesto kung saan naganap ang pangyayaring hindi nila inaasahang mangyari. Tila litong-lito naman sina Prinsesa Nova Celestine kung ano ang kanilang gagawin. Masasabi nilang huli na upang mapansin nila ang pangahas na atakeng iyon nang nasabing halimaw na Mutated Black Swamp Snake. Kahit na isa silang Martial God Realm Expert at Martial Monarch Realm Expert ay alam nilang talo pa rin sila sa laki ng halimaw idagdag pang nagkaroon ng mutasyon ang buong katawan nito

