Gamit ang mga kapiraso ng buto ng namatay na halimaw na nakalutang sa katubigan ay siyang ginamit nilang panggaod sa kanilang bangka. Upang umabante ang kanilang sariling sinasakyang bungong ginawang parang bangka sa paglalakbay ay sina Ginoong Rain at Van Grego mismo ang nagsagwan ng tubig gamit ang kanilang alternatibong paddle o sagwan sa magkabilang gilid. Si Prinsesa Nova Celestine naman ang nasa duluhang bahagi ng sinasakyan nila habang ang magkapatid ay nasa unahan lalo na si Gail. Hindi maipagkakailang ang kanilang ginawang ito ay mabilis na silang nakaabante patungo sa malalim na parte ng Black Swamp. Nakakatakot pagmasdan ang katubigan lalo pa at halos lahat ng naririto ay parang walang buhay. Tanghaling tapat kung tutuusin silang naglalakbay ngunit dahil sa tila usok na nak

