"Mabuti naman at nandito ka na Van, pinakaba mo talaga kami. Akala namin ay tuluyan ka ng pinaslang ng mga nilalang na iyon." Sambit ng lalaking si Ginoong Rain. Halatang may halong pag-aalala at pagkamangha sa tono ng pananalita nito. "At paano mo nalaman aber? Andun ka ba?! Ang drama mo!" Sambit ng magandang dalagang si Prinsesa Nova Celestine habang nakatingin sa lalaking si Ginoong Rain. Mabilis nitong tiningnan ang direksyon ng binatang lalaking si Van Grego. Nakita niya namang mayroong mga dumi at mantsa sa suot na roba nito ngunit masasabi niyang wala naman itong natamong malaking pinsala. "I'm just guessing..." Simpleng sambit ni Ginoong Rain sa harap ng magandang dalagang si Prinsesa Nova Celestine. Tila wala siyang masabi pa na kung ano mang bagay pa. "Tiwala naman akong makak

