"Akala niyo ay aatrasan ko kayo?! Tikman niyo to!" Malakas na sambit ng binatang lalaking si Van Grego habang mabilis nitong iwinasiwas sa ere ang kaniyang malaking sibat sa kaniyang kaliwang kamay . Bigla na lamang nagliwanag ang nagbabagang malaking spear tanda na nag-uumpisa ng magcast ng martial skills ang binatang lalaking nakasuot ng kulay asul na roba na si Van Grego. Mabilis na lumakas ng lumakas ang apoy na inilalabas ng Spear habang mabilis din itong nagkaroon ng siyam na magkakaparehong mga sibat na hawak niyang armas. Tila ba isang makahulugang ngisi naman ang pinakawalan ng bibig ng binatang lalaking si Van Grego na palihim lamang. Walang inaksayang oras ang binatang lalaking si Van Grego kung saan ay mabilis niyang pinabulusok ito papunta sa direksyon ng siyam na False

