Hindi naman nagpatinag ang mga False Hunters lalo na at napaslang ang isang kasamahan nila. Mas naging agresibo at naging mabagsik ang nakakatakot na mukha ng mga ito. Gamit ang nakakatakot na mga kuko ng mga ito ay bigla na lamang nagkaroon ng kulay itim na enerhiya habang ang mga mata ng mga ito ay nagbloodshot. Nakita ng binatang lalaking si Van Grego ang isa sa siyam na False Hunters na isang 4 Star Martial Ancestor Realm na naglalabas ng kakaibang enerhiya na siya palang pinagmumulan ng kakaibang penomena sa mga papasugod na mga False Hunters. Makikitang merong mga kakaibang ginagawa sa mga kasamahan nito. Shrriieeekkkkkk! ....! Maraming mga False Hunters ang mabilis na sumusugod sa direksyon ng binatang lalaking si Van Grego habang ang binata ay nakatayo lamang. Napangisi na la

