Napatigil bigla ang magandang dalagang taong ahas na si Elaina na siyang ikinabigla nilang lahat lalo na ang magandang dalagang si Prinsesa Nova Celestine na siyang lumingon sa direksyon ng nasabing dalaga. "Bakit tila nakakita ka ng di namin nakikita Elaina?!" Tanong ng magandang dalagang si Prinsesa Nova Celestine nang makita nitong tila natigilan ang dalagang taong ahas na si Elaina. Makikita ang labis na pagtataka sa mukha nito. "May paparating sa atin na mga nilalang. Nasa Martial Precognitor ang lebel ng cultivation nila." Nababahalang sambit ng magandang dalagang si Elaina habang tila namumutla ang mga labi nitong nakatingin sa kaliwang bahagi nila na direksyon lung saan tila ay nagbigay kilabot sa buong katauhan nito. "Hmmm... Binibining Gail, maaari bang baguhin ang ruta natin?

