Chapter 5

2056 Words
"Kayo na lamang ang natitira kong anak kung kaya't dapat lamang na patayin niyo ang binatang iyan. Pinatay niya ang mga kapatid niyo kaya dapat lang na paslangin niyo ang binatang mula sa lahing tao na pumatay sa mga kapatid niyo!" Sambit ng babaeng halimaw na Hunger Dark Wolf habang animo'y mababakas sa boses nito ang labis na paghihinagpis sa mga anak nitong pinatay ng binatang tao na walang iba kundi si Van Grego. "Hmmmp! Kung maaari ay paslangin niyo ang binatang mula sa lahi ng taong iyan. Hindi maaaring makaligtas siya sa lugar na ito. Masuwerte na ring pinaslang niya ang mga pipitsugi kong mga anak dahil ako rin ang makikinabang sa mga ito upang magbreakthrough ako sa susunod na lebel ng Cultivation ko hehehe...!" Sambit ng babaeng halimaw na Hunger Dark Wolf sa kaniyang isipan. Ito ang gusto niyang sabihin ngunit hindi niya pa handang sabihin ang mga katagang ito. Nasa proseso pa lamang siya ng pamamaraan kung paano niya mapapaslang ang dalawang magkapatid na natitira. Hindi niya mapigilang palihim na mapangisi habang iniisip ang mga bagay na ito. "Ipaghigante niyo ang mga kapatid niyo. Hindi maaaring mawalan ng saysay ang pagkamatay nila. Hindi maaaring mangyaring hindi magbayad ang binatang mula sa lahi ng tao na iyan!" Galit na galit na sambit ng lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf na siyang asawa ng babaeng halimaw na Hunger Dark Wolf din. Ngunit sa totoo lamang ay mayroon pa itong naiisip na mga bagay-bagay. "Hmmp! Sakal na sakal na ako sa babaeng asawa kong ito. Hindi ko hahayaang masayang lamang ang mga pagtitiis at paghihirap na dinaranas ko mula pa noon. Hindi ako makakapayag na mawala at mauwi lamang ang lahat ng mga sakripisyo sa wala. Kung kailangan kong paslangin ang sinumang mga hahadlang sa plano ko ay maaaring kong gawin iyon." Sambit naman ng lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf sa kaniyang isipan lamang kung saan ay makikita ang labis na nais nitong maisakatapuran ang kaniyang plano at nalalapit na tagumpay niya. Nang marinig naman ng magkapatid na fighter duo na ito ang sinabi ng kanilang mga magulang na Hunger Dark Wolf kung saan ay nakaramdam sila ng determinasyon na paslangin ang binatang mula sa lahi ng tao na siyang magpapasaya sa kanilang mga magulang. "Wag kayong mag-alala ama at ina, hindi namin kayo bibiguin. Sisiguraduhin naming mamamatay ang binatang tao sa kamay naming dalawa. Hindi namin hahayaang mabigo kami, hindi ba kapatid ko?!" Sambit ng lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf sa kaniyang natitirang kapatid na puno ng determinasyon na paslangin ang binatang tao na ilang daang metro lamang ang layo sa kanila. Agad namang nilingon siya ng Kaniyang sariling kapatid na kapwa niya halimaw na Hunger Dark Wolf. "Tama ka ng sinabi aking kapatid. Hindi ko aakalaing mayroong ganitong lakas ng loob ang binatang mula sa lahi ng tao. Sisiguraduhin kong mapapaslang namin siya sa brutal na pamamaraan. Sino'ng hindi matatakot sa kakaibang lakas na taglay namin hehe...!" Puno ng kumpiyansang sambit ng kapatid nito habang makahulugang napangisi. Hindi niya aakalaing darating ang panahong na ito na darating ang malakas na kalaban nila. Hindi sila kailanman natalo ninuman at walang may kakayahang gawin iyon sa kanila. Sinong tinakot ng mga kalaban nila dahil hanggang salita lamang ang mga ito at mayabang ngunit hindi naman nila magawang mapabagsak sila. Nang marinig ito ng mag-asawang halimaw na Hunger Dark Wolves ay napatingin sila sa isa't-isa habang makikita ang kakaibang tinginan ng mga ito at kapwa napangiti sa sinabi ng dalawang magkapatid. Kapwa mayroong mga bagay-bagay na iniisip ang mga ito. "Magaling, dahil hindi kailanman tumatanggap ng pagkatalo ang ating lahi. Tayo ang pinakamalakas na halimaw at kailanman ay hindi tayo umaatras sa anumang laban hehehe!" Sambit ng lalaking asawa ng babaeng halimaw na Hunger Dark Wolf. "Tama ang inyong ama, hindi maaaring matalo lamang tayo ng sinuman lalo na ng mahinang lahi ng tao. Siguradong magiging bakas na lamang ng nakaraan ang binatang taong iyan sa buhay natin hehehe...!" Sambit ng babaeng halimaw na Hunger Dark Wolves. "Oo Ama at Ina, hindi maaaring mabigo kami! Hindi kami isang malakas na Hunger Dark Wolves ng aking kapatid kung hindi namin matalo ang binatang mula sa lahing tao na ito!" Sambit ng lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf. "Oo nga po, tama ang aking kapatid. Hayaan niyo ama dahil tatapusin namin ang binatang ito sa lalong madaling panahon!" Sambit ng isang pang lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf. Hindi sila maaaring magkamali o matalo rito. Agad namang napatungo ang mag-asawang halimaw na Hunger Dark Wolves na siyang namang tinanguan ng magkapatid na Fighter Duo. Mabilis nilang sinugod ang binatang si Van Grego sa pamamagitan ng kanilang naunang taktika. Gamit ang kanilang mga natural na abilidad ay mabilis na narating nila ang kinaroonan mismo ng binatang si Van Grego na nakatayo lamang sa pwestong iyon. "Katapusan mo na binatang tao Hyaahhhhh!!!!!" Sigaw ng isa sa mga fighter duo na Hunger Dark Wolves habang mabilis na lumitaw ito sa kinatatayuan na mismo ng binatang si Van Grego. "Hmmp! Kung kaya niyo!" Sambit ng binatang si Van Grego sa marahas na tono ng pananalita. Mabilis na paggalaw ng kamay ng halimaw habang kinakalmot niya ang binatang si Van Grego sa iba't-ibang parte ng katawan niyo. Bago pa tamaan ang binatang si Van Grego nang unang umatake sa kaniya ay naiwasan niya ito mabilis at walang pagkakamali. "Hindi pa rin nagbabago ang taktika ng mga ito, sinong niloko nila!" Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang mabilis nitong iniwasan ang atake ng naunang halimaw na Hunger Dark Wolf sa pamamagitan ng pag-iwas rito sa iba't ibang pamamaraan na alam niya lalo pa't ginagamit niyang pangsangga ang God Slaying Gauntlet na nasa kaliwang kamay niya. Ngunit hindi hinayaan ng isa pang lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf na siyang kapatid ng naunang umatake ang pag-iwas ng binata at hindi niya ito ikinasaya bagkos ay ikinayamot niya ito. "Mabilis ang binatang mula sa lahi ng taong ito. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang pinakamalakas na nilalang mula sa tao. Sa oras na matalo namin ito ay maitatanghal kaming pinakamalakas na nilalang sa buong mundo!" Sambit ng isa sa mga fighter duo ng lahi nila. Hindi maaaring matalo sila rito sa lahi ng tao. Sila ang pinakamahinang lahi na kinikuwento sa kanila ng kanilang mga magulang. Patuloy pa ring umiiwas ang binatang si Van Grego ngunit naramdaman niyang may paparating na atake papunta sa kaniya kung kaya't mabilis siyang nagbackflip para iwas ang paparating na atake. BANGGGGG!!!!!! Hindi nga nagkamali ang binatang si Van Grego ng kaniyang sariling instinct at naiwasan niya ang malakas na pag-atake ng pangalawang fighter duo na kinakalaban niya ngayon. Malakas ang naging impact ng nasabing pag-atake kung saan ay mabilis na nabungkal at sumabog ang parte ng lupang tinamaan ng pag-atake ng pangalawa sa fighter duo na magkapatid. Tiyak siyang masakit kung natamaan siya nito. Ngunit hindi nakapante ang binatang si Van Grego dahil mabilis siyang sinundan ng umatake sa kaniya kung saan ay mabilis ito lumundag papunta sa kaniya na nagbabackflip pa hanggang ngayon. BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! ...! Hindi mabilang na pagsabog ang naganap sa dinaanan ng binatang si Van Grego habang mabilis itong nagbabackflip palayo sa kinaroroonan niya kanina ngunit sinundan siya ng sinundan ng pangalawang fighter duo sa magkapatid na halimaw na Hunger Dark Wolves. Nagngingitngit naman sa galit ang pangalawa sa fighter duo dahil sa ginawa ng binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego dahil mabilis itong nakaiwas sa lahat ng ginawa niyang pag-atake gamit ang pagkalmot sa binatang si Van Grego ngunit ang kaniyang sariling atake ay pawang lupa lamang ang natatamaan niya na siyang naglilikha ng pagsabog ng kalupaang dinaraan ng binatang tao. "Hmmmp! Hindi ako papayag na mawala lamang sa wala ang pinaghirapan naming pag-atake sa'yo binatang tao! Ako mismo ang papaslang sa'yo." Sambit ng lalaking halimaw na Hunger Dark Wolves sa kaniyang isipan lamang na siyang umaatake pa kanina pa sa kinaroroonan ng binatang si Van Grego ngunit bigo siya. "Hunger Dark Wolf Skill: Dark s***h!" Agad na nararamdaman ang pag-ipon ng enerhiya sa nagtatalimang mga kuko ng halimaw na kung saan ay bigla nitong iwinasiwas ang mga kamay nito sa direksyon ng binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego nang dalawang beses lamang. Naramdaman naman ng binatang si Van Grego ang ginawang pag-atake ng pangalawang fighter duo na umatake sa kaniya. Napatigil siya sa pagbackflip at mabilis na sumugod siya sa paparating na atake sa pamamagitan ng pagtalon papunta mismo sa kakaibang atake ng isa sa halimaw na Hunger Dark Wolf. Gamit ang kaliwang kamao ng binatang si Van Grego ay mabilis niyang pinatama ito sa mga atakeng papunta mismo sa kaniya. BANG! BANG! Sumabog man ang atake nang pangalawang fighter duo sa ere bago pa tamaan mismo ang binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego. Hindi maipagkakailang hindi maaaring baliwalain ang presensya ng binatang si Van Grego dahil sa taglay nitong kakaibang husay sa pakikipaglaban. Nanlaki naman ang mata ng mag-asawang halimaw na Hunger Dark Wolf sa nasaksihan nila kung kaya't madali silang naglaho sa lugar na ito. Tatawagin pa sana ng magkapatid ang mga magulang nilang mga halimaw ay alam nilang wala na ang presensya ng mga ito. Tila umuusok pa ang God Slaying Gauntlet ng binatang si Van Grego nang obserbahan niya ito at mabilis na nagwika. "Paano ba yan, iniwan kayo ng mga pipitsuging mga nilalang na iyon hehehe...!" Makahulugang sambit ng binatang si Van Grego habang hindi ito nakatingin sa direksyon ng magkapatid na maituturing na fighter duo. Mistulang napanting ang pares na mga tenga ng fighter duo sa sinabi ng binatang tao na si Van Grego. Ang hindi nila matanggap ang sinabi nito. "Hindi kami iniwan ni Ama at Ina. Talagang nauna lamang silang umalis. Tama yun nga, siguradong alam nilang matatalo ka namin ng kami lang hahahaha!!!!!" Sambit ng lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf. Tiyak siyang iyon ang ginawa ng kaniyang sariling ina at ama nila. Maaaring mayroon lamang silang pupuntahan o gagawin kung kaya't ganon lamang ang tiwala sa kanila ng kanilang mga magulang. "Hmmmp! Talagang napakadaya mo lamang binatang tao. Hindi namin aakalaing napakatuso mo! Ngunit tama ang aking kapatid na hindi kami iniwan nila ama at ina dahil alam nilang matatalo ka namin ng kami lang. Isa pa ay kayo ang pinakamahinang lahi sa mundong ito Hahaha!!!!" Sambit ng isa sa magkapatid na lalaking halimaw na Hunger Dark Wolves. Hindi sila maaaring magkamali at magpatalo sa binatang tao na ito. Nakatatak na sa kanilang sariling isipan ang sinabi ng kanilang mga magulang na ang mga lahing tao ay siyang nasa pinakamababang hierarchical system at pinakamarami ang bilang ngunit likas na ordinaryo at mahina ang mga ito. "Kung yan ang gusto niyong paniwalaan ay wala na akong pakialam pa. Laban na!" Sambit ng binatang si Van Grego habang hinahawakan pa ang kaliwang braso nito habang nagpe-flex pa ito ng kaniyang katawan na animo'y nag-eexercise. "Kung yan ang gusto mo ay pagbibigyan ka namin hahaha!" Sambit ng isa sa magkapatid na fighter duo. Nagkatinginan pa siya ng kaniyang kapatid habang mabilis na napatungo ang mga ito. Magkasabay na umatake ang fighter duo na pawang halimaw na Hunger Dark Wolves ito na siyang magkapatid. Mabilis ang mga itong tumakbo papunta sa direksyon ng binatang si Van Grego. Gamit ang kanilang mga katawan ay mabilis na narating nila ang kanilang target o pakay na walang iba kundi ang binatang si Van Grego. Mabilis silang nagbackflip ng magkasabay papunta sa direksyon ng binatang si Van Grego kung saan ay mabilis silang umatake rito. Ang isa sa mga ito ay sa itaas mismo umatake habang ang isa ay nasa ibabang bahagi ng katawan ng binatang si Van Grego lalo na at target nito ang tuhod ng binatang si Van Grego. BANGGGGG!!!!! Mabilis na umalis ang binatang si Van Grego sa kinaroroonan niya dahil sa accuracy ng atake ng magkapatid na fighter duo. Liban sa napakapangit at nakakatakot na anyo ng mga ito ay napakatalentado nila pagdating sa sabayang pag-ataken nangangahulugan lamang na hindi basta-bastang ensayo at pakikipaglaban ang naranasan ng mga ito. Maaari namang iwasan ng binatang si Van Grego ang atake ng mga ito nang hindi umaatras ngunit hindi niya maaaring baliwalain na baka makorner siya ng mga ito dahil baka matalo lamang siya ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD