Chapter 4

2011 Words
Walang inaksayang oras ang anim na magkakapatid na Hunger Dark Wolves at mabilis na sinugod ang kinaroroonan ng binata. Agad namang hinanda ng binatang si Van Grego ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng fighting stance. Seryoso na ang labanang ito at masasabing tumalino nga ang mga ito. Namangha rin ang binatang si Van Grego sa kakaiba ngunit napakapambihirang skill ng Halimaw na Hunger Dark Wolves dahil nakakapagsalita at nakakapag-isip ang mga ito. Ano pa ba ang aasahan ng binata, sinabihan na siya ng mag-asawang halimaw na One-Horned White Tiger Python na hindi basta-bastang panganib ang naghihintay sa kaniya sa loob ng bulubunduking lugar na ito lalo na sa mismong pagsuong ng lugar at pagtahak ng daan rito. Ang lahat ng bagay o buhay na nasa loob ng lugar na ito ay pawang kakaiba at nakakamangha. Naunang nakapunta sa pwesto ng binata ang babaeng halimaw na Hunger Dark Wolves. "Hindi ko aakalaing ako ang mauunang pumaslang sa iyo binatang tao hyahhhh!!!!" Sambit ng babaeng halimaw na Hunger Dark Wolves habang nakalahad ang mahahaba at matutulis na mga kuko nito sa ere. Walang itong inaksayang oras pa at mabilis nitong sinugod ang binatang si Van Grego. Rrrr... Tila bang parang napunit naman ang hangin at mabilis na lumitaw sa mukha ng binatang si Van Grego ang nagtutulisang mga kuko ng babaeng halimaw na Hunger Dark Wolves ngunit mabilis namang inilagan ito ng binatnag si Van Grego sa pamamagitan ng pagbend ng katawan nito upang siya madali ng babaeng halimaw na umaatake sa kaniya. "Hmmmp! Hindi ko aakalaing ang lakas ng loob mong atakehin ako ng simpleng pagkalmot mo." Sambit ng binatang si Van Grego habang may mapanghamak na tingin sa babaeng halimaw na Hunger Wolves na nakalampas sa pwesto nito kanina dahil sa pag-ilag ng binatang si Van Grego. Maya-maya pa ay naramdaman ng binatang si Van Grego na mayroong panganib sa kaniyang likurang bahagikung kaya't mabilis siyang lumundag paitaas. Sakto namang titisurin siya ng halimaw sa pamamagitan ng pagsipa nito ng paa ng binata ngunit nahuli na ito sapagkat hindi na nito inaasahang lumundag paitaas ang binatang si Van Grego. "Kainis kang binatang tao ka, hindi ko aakalaing mararamdaman mo ang aking pasimpleng atake." Inis na sambit ng lalaking halimaw na Hunger Dark Wolves kung saan ay nakatingala ito sa ere. Imbes na pakinggan siya ng binatang si Van Grego ay hindi siya nito tiningnan. Nagulat na lamang kasi ang binatang si Van Grego nang biglang lumitaw ang isa pang babaeng halimaw na Hunger Dark Wolves sa kaniyang harapan habang nakaposisyon na pala itong sipain siya. Ang tanging nagawa na lamang ng binatang si Van Grego ay ipag-ekis ang kaniyang sariling dalawang braso para pigilan ang nasabing pag-atake. Ngunit dahil sa bilis ng pangyayari ay mabilis na tumalsik ang binatang si Van Grego pailalim. Nagpaikot-ikot naman ang binatang si Van Grego habang nakita niyang nakahanda na ang isang lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf sa kaniyang pagbabagsakan. Agad na naglaho ang binatang si Van Grego at lumitaw siya sa harapan ng nasabing halimaw at mabilis niyang hinigpitang mabuti ang leeg ng lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf. "Mamaalam ka na sa mundong ito!" Sambit ng binatang si Van Grego habang nakatingin sa lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf. Bago pa makareact ang iba pang mga halimaw ay mabilis na pinilipit ng binatang si Van Grego ang leeg ng nasabing halimaw. Creackkk! Isang malutong na tunog ng pagkabali ng leeg ang maririnig sa kinaroroonan ng biantang si Van Grego. BOGGSSHHH! Malakas na bumagsak ang katawan ng lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf na kapatid ng iba pang halimaw na Hunger Dark Wolves. Wala na itong buhay o hininga pagkabagsak pa laamng nito sa lupa. Nangangahulugan lamang na binigyan ng madaliang pagkamatay o kamatayan ang nasbaing halimaw. "Pangahas na binatang Tao. Magbabayad ka!" Sambit ng isang lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf. Nakaramdam ito ng galit ngunit paghihinayang? Hindi siya nakakaramdam nito kundi saya at tuwa. Panganay na kapatid nila iyon at masasabi niyang mabuti ngang pinatay siya ng binatang tao na ito. Isa pa ay blessing in disguise ito para sa kaniya. "Siguradong ako na ang magiging susunod na pinuno ng aming pamilya. Hindi ko aakalaing hindi ko na kailangang dungisan ang aking kamay. Ang maaari ko lamang gawin ngayon ay paslangin ang binatang tao na ito!" Sambit ng lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf sa kaniyang isipan lamang. Siya ang pangalawa sa anim nilang magkakapatid at matagal na siyang nagkikimkim ng glait mula sa kaniyang kapatid mismo. Hindi niya hahayaang matalo lamang siya. Palagi na lamang siyang nasa anino ng kaniyang panganay na kapatid na ayaw na ayaw niya. Mabilis nitong inatake ang binatang si Van Grego sa pamamagitan ng mabilis nitong paggalaw nito. Agad itong nakahanap ng tiyempo habang nakatalikod ang binatang si Van Grego. Napangisi siya sa kaniyang nakikita sapagkat parnag hindi siya pinagtuunan ng pansin ng binata. "Patay ka ngayon sa akin pesteng tao ka! Talagang napakaarogante mo para di man lang ako pagtuunan ng pansin hahahaha!!!!" Sambit muli ng lalaking halimaw na Hunger na parang baliw habang mabilis nito sanang kakalmutin angbandang kaliwang dibdib ng binatang si Van Grego. Habang nasa ere pa lamang ay lubos na ang antisipasyon sa lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf na paslangin ang binatang si Van Grego sa pamamagitan ng kaniyang taktika. Ngunit nagulat na lamang ang halimaw na ito nang humarap ang binatang si Van Grego sa direksyon nito sa mabilis na paraan. "Ito'ng sa'yo!" Kalmadong sambit ng binatang si Van Grego kasabay nito ang paglahad nito ng kaliwang kamao nito na suot-suot pa rin ang God Slaying Gauntlet nito. Kitang-kita kung paanong nagtagpo ang naghahabaang mga kuko ng lalaking halimaw na Hunger Dark Wolves at ang kamao ng binatang si Van Grego ung saan ay ang nagtutulisang mga kuko ng halimaw ay nangapudpod at nangabali nang magtagpo ito sa kamao ng binatang si Van Grego na mayroong God Slaying Gauntlet sa kamao nito mismo. BAAAAAANNNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!!!!! Bigla na lamang tumalsik ang lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf sa malayo dulot ng malakas na impact. Ang tanging naalala niya lamang ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng napakabigat na pwersa sa kamay nito hanggang sa may kakaibang pwersang tumama sa kamay niya mismo na siyang nagdulot ng malakas na pagtalsik nito. Bigla na lamang nawalan ng malay ang halimaw na ito na siyang umatake sa binatang si Van Grego. Ngunit hindi rason iyon para mamampante na ang binatang si Van Grego dahil bigla na lamang naramdaman ng binatang si Van Grego na mayroong dalawang nilalang ng papasugod sa kinaroroonan niya. Nakita niya ang dalawang magkapatid na halimaw na Hunger Dark Wolves ang papasugod sa magkabilaang direksyon papunta sa kinaroroonan niya kung saan ay kitang-kita ng binatang si Van Grego na pamilyar sa kaniya ang dalawang ito. "Hmmmm... Hindi ko aakalaing malakas ang dalawang ito. Isang fighting duo pala ang mga ito. Nakakamangha!" Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita sa kaniya ang mangha. Napansin niya ring hindi makakagamit ang mga halimaw na Hunger Dark Wolves sa kasalukuyang lagay nila dahil nasa kasalukuyang skill pa rin sila na tinatawag na Human Morphing. Hindi kasi maaaring ipagsabay ang dalawang skill habang gumagana pa ang unang skill dahil magkakaroon ng draw back o pinsala ito sa kanilang katawan. Para magkaroon ng fighting duo ay talaga namang nakakamangha. Pinangarap na labanan o makalaban ng binatang si Van Grego ang mga fighter duo dahil sila mismo ay maituturing na tunay na kayamanan. Kailangan kasi ng special bonding ang dalawang nilalang para magawa ito. Mabilis na tumalon ang dalawa sa ere habang magkasabay na pasipang umatake sa kinaroroonan ng binatang si Van Grego kung saan ay hindi maaaring baliwalain ng binatang si Van Grego. Bago pa matamaan ang binatang si Van Grego ay mabilis siyang tumalon paatras. Magiging kampante na sana ang binatang si Van Grego ngunit nagulat na lamang siya sa ginawa ng dalawang magkapatid na maituturing na fighter duo. Naunang lumapag sa lupa ang isang halimaw na Hunger Dark Wolves habang ang isa naman ay papalapag pa lamang. Mabilis nitong hinawakan ang paa ng kapatid nito at mabilis nitong inihagis sa direksyon niya. "Akala mo ay makakatakas ka sa bagsik namin hehe..." Malademonyong sambit ng lalaking halimaw na humagis sa kapatid niya papunta sa direksyon ng binatang mula sa lahi ng mga tao. Nakita na lamang nang binatang si Van Grego na mabilis na bumubulusok sa direksyon niya ang lalaking halimaw na siyang isa sa mga fighter duo. "Hmmmp! Malakas ang dalawang magkapatid na halimaw na ito pero hindi ako papatalo!" Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang determinasyon sa pares na mata nito. Walang nagawa ang binatang si Van Grego kundi ang iwasan ang direct confrontation sa dalawang halimaw na ito. Agad na nagsagawa ng skill ang binatang si Van Grego gamit ang kaniyang sariling konsepto ng space. Agad na nawala ang presensya ng binatang si Van Grego maging ang aura nito. Walang nagawa ang dalawang magkapatid kundi ang magmatyag sa paligid. Ngunit nagulat na lamang ang fighter duo nang bigla na lamang bumagsak ang dalawang kapatid nilang babae habang dilat ang mata habang wala na itong buhay. May bahid ng sariwang dugo ang kaliwang dibdib ng mga ito. Maya-maya pa ay ang isang lalaking kapatid nila ang bumagsak habang halos bumuka pa ang leeg nito sa laki ng pagkakahiwa nito habang umaagos ang sariwang dugo nito sa leeg papunta sa lupa. Ang tanging natitirang buhay dito ay ang dalawang magkapatid na halimaw na maituturing na Fighter Duo at ang dalawang mag-asawang halimaw na Hunger Dark Wolves na siyang magulang ng mga ito. Nagulat na lamang sila nang biglang nagsalita ang binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego sa ere. "Hindi ko aakalaing marami na kong oras na naaksaya sa inyo mga halimaw kung kaya't napagdesisyunan kong tatapusin ko na kayo!" Malakas na pagkakasabi ng binatang si Van Grego habang nakatingin sa ibang direksyon kung saan naroroon ang apat na natitirang buhay na halimaw na Hunger Dark Wolves. Bakas ang kalmadong boses nito habang nakatingin sa mga halimaw na Hunger Dark Wolves. Nang marinig naman ito ng mga halimaw na Hunger Dark Wolves ay tila nanlisik ang mga pares na mga mata ng mga ito dahil sa sinabing kataga ng binatang mula sa lahi ng mga tao. Halos mapanting ang mga tenga nila sa sinabi nito lalo na ang mag-asawang halimaw na Hunger Dark Wolves. "Hmmp! Hindi ko aakalaing napakalakas naman ng loob mo binata upang hamunin kami. Isa ka lamang hamak na nilalang na mula sa mababng uri ng lahi. Nakakasuka ang iyong mga salitang iyong sinasabi!" Sambit ng babaeng halimaw na Hunger Dark Wolf na siyang nanay ng dalawang fighter duo. "Oo nga honey, isa lamang siyang pesteng nilalang na maaaring maging pataba lamang natin. Hindi ko aakalaing ang lakas ng loob niyang hamakin tayo hahhahaha!!!" Parang baliw namang sambit ng lalaking halimaw na Hunger Dark Wolves na bakas ang pagsang-ayon sa sinabi ng kaniyang asawang halimaw. "Kami na ang bahala Ama at Ina sa pipitsuging binatang tao na yan. Matitikman niyang ang bagsik namin sa pakikipaglaban!" Sambit ng lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf habang nakatingin sa mga magulang nito. Mabilis naman niyang tiningnan ang binatang mula sa lahi ng tao dahil sa sinabi nito. "Oo nga po ama, hindi ko hahayaang mabastos lamang tayo ng mahinang nilalang na katulad ng tao na iyan. Tayo ay napakalakas at dapat kong ipaghigante ang ginawa nitong pagpaslang sa aking mga kapatid!" Puno ng determinasyong sambit ng isa pang lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf. Hindi niya hahayaang mangyari ang gustong mangyari ng binatang mula sa lahi ng tao na ito. Hindi sila maaaring magpatalo. Nakatanim na sa kanilang isip na ang tao ay likas na masasama at silang mga Hunger Dark Wolves ay malalakas. Walang dudang totoo ito at kahit kailanman ay hindi nila bibiguin ang kanilang mga magulang dahil lamang sa pesteng binatang mula sa lahi ng tao na ito. Pagkatapos nito ay pupurihin sila ng kanilang mga magulang dahil sa kanilang ginawa. Isa iyong masayang pangyayari para sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD