"Buwiset na buhay to oh. Kakagising ko lang mula sa mahimbing kong pagkakatulog tapos itong pesteng heavenly thunder ang makakasagupa ko?! Hmmp!" Nakabusangot na sambit ng matandang lalaking si Master Gorrie habang tila hinahamon pa ang nasabing kidlat. "Oh no! Hindi nga pala ako maaaring mangialam sa heavenly tribulation na ito. Siguro ay di pa tuluyang natutunaw sa katawan ng binatang lalaking ito ang foundation pill nito. Kung di lang ako naaawa sa kalagayan niya ay di ko to tutulungan!" Tila nanghihimutok na sambit muli ng matandang lalaking si Master Gorrie. Halatang hindi naman siya ganoon kasamang tao para hayaan na lamang mapaslang ang binatang lalaking nakasuot ng kulay asul na roba na ito na tila natutulog ngunit slam niyang nahimatay ito lalo na at bakas ang natuyong dugo sa d

