"Tama si Ate Gail, Ginoong Rain. Naka-lock na ang pambihirang halimaw sa pwesto natin. Even our Essence Energy na nasa loob ng katawan natin ay hindi tayo matutulungan nito upang matalo ang nilalang na iyon. Mataas ang depensa ng katawan nang mga ito kaya ang tanging makakatalo lamang ay ang mga bagay na may kaugnayan sa Body Transformation System." Sambit ng magandang babaeng hybrid na si Elaina habang pinapaliwanag niya ng mabuti ang mga bagay-bagay na alam niya. Nagulat naman ang binatang lalaking si Van Grego sa mataas na kaalaman at obserbasyon ng dalawang magkapatid na taong ahas na sina Gail at Elaina lalo na at alam niyang konti lamang ang nakakaalam sa patuloy na existence o pag-exist ng Body Transformation System lalo na ang mataas na ranggo liban sa Diamond Rank. "Paano nilan

