"Ano ba 'to Van, bakit napakabigat nitong martilyo mo. Nilagyan mo to ng pandikit sa lupa para di ko mabuhat?!" Tila naiiyak na sambit ng binatang lalaking si Ginoong Rain dahil parang wala siyang mukhang maihaharap sa mga kaibigan niya. Lahat ng pamamaraan sa pagbubuhat ay ginawa niya na ngunit wala talagang epekto. "Anong pandikit Rain? Edi sana nabungkal na yung lupang pinagdikitan niya. Diba sinabi ko na sayo hindi mo mabubuhat yan? Ayaw mo kasing maniwala eh!" Sambit ng magandang dalagang si Prinsesa Nova Celestine na tial nanlulumo. Ngayon lang talaga siya nakaramdam ng awa sa sarili niya. Biruin mo ha, isa siyang Martial God Realm Expert tapos simpleng pagbuhat lang ng maliit na martilyong pagmamay-ari ng binatang lalaking si Van Grego ay di man lang niya magawa. Hindi lang yun ha

