Chapter 26

1183 Words
Biglang naging atentibo naman ang Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 nang marinig ang mga salitang ito. Alam niyang expected na nito na magtatanong sa kaniya ang binatang pinuno nila na si Valc Grego. "Opo Pinunong Valc, ang Dark Neo Bird na iyong ipinapahanap ay nasa lugar na malapit lamang dito ngunit mahihirapan akong hulihin iyon o masugatan lamang dahil ang bahay nito ay napakataas at puno ng mga matutulis na bagay ang nasa ilalim ng mga kalupaan ng teritoryo Kung saan naroroon ang dambuhalang pugad nito." Sambit ng Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Pansin kasi nito na ang bahay ng halimaw na ito ay sobrang taas ngunit hindi lamang iyon ang problema niya dahil napakatuso talaga ng halimaw na ito dahil ang buong paligid sa ilalim ng mataas nitong pugad sa mismong malaking puno ay puno ng mga nagtatalalimang mga bagay katulad na lamang ng mga Thorning Grass na sobrang ang tatalas ng mga dahon nito na maikukumpara sa mga espada at napakanipis pa ng halamng ito at dambuhala at napakahaba pa ng dahon nito na aakalain mong hindi d**o. Hindi lamang iyon dahil mayroon pang mga nagtatalimang baging ang nakakalat sa paligid na walang iba kundi ang coiling metal plant. Hindi man ito maikukumpara sa dambuhalang mga Thorning Grass ay buhay na tanim naman ito. Yung tipong naghahanap itong masisila at nakakamatay ang coiling metal plant na ito na kayang humaba at puluputin ng buhay ang mabibikita nito at tila maikukumpara sa isang metal ang tibay ng baging na ito. Tuso din ito at gagamitin ang nakakamatay na talim ng Thorning Grass upang paslangin ka. Nakakalat lang ito sa paligid ng mataas na pugad ng Dark Neo Bird pero it doesn't mean na magkaibigan ang Dark Neo Bird at ang buhay na halaman katulad ng Coiling Metal Plants dahil ginagawa lanang nitong pamain ang ibon para mayroon itong masilang biktima lalo na ang gustong umakyat sa punong Dark Neo Bird. Para mabuhay at patuloy na lumaki o lumakas ang Coiling Metal Plants ay kailangan nilang msmbiktima ng mga nilalang para mas maging malakas hanggang sila na mismo ang kakain ngmga pamain nila at paslangin ang kalaban nila. "Hahaha... Hindi mo na kailangan pang gawin iyon dahil ako na mismo ang huhuli sa nilalang na iyon. Sa kakayahan mong yan sa kasalukuyan ay baka mapaslang ka lamang ng mga buhay na halamang pumapatay sa ilalim ng pugad na iyon." Sambit ng binatang si Valc Grego habang makikitang ikinokonsidera niya ang kasalukuyang limitasyon nang nasabing halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Tila naintindihan naman ng halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 ang gustong sabihin ng binatang pinuno nila na si Valc Grego ay alam niyang tama naman ito. Kahit siya ay alam niyang may pag-aalinlangan sa kaniyang ariling kaisipan. Alam niya ang kasalukuyang limitasyon niya. Mabuti sana kung Aerial Beasts siya eh hindi naman talaga. Maaari lamang siyang lumipad at bumalik sa tunay nitong anyo kapag nakamit niya na ang Cultivation Boundary na Martial God Realm. Ang kasalukuyang lebel ng Cultivation niya ay nasa 6 Star Martial Ancestor Realm Expert. Kung lalabanan niya ang halimaw sa mismong pugad nito o teritoryo nito ay matatalo lamang siya. Isa ring 5 Star Martial Ancestor Realm ang nasabing Dark Neo Bird na iyon at mali talagang labanan ito dahil kasama pa ang environmental factors ay malaki ang tsanang matalo siya. Less than 50% kasi ang succession rate niya kung sakaling gawin niya ito. "Talaga po ba Pinunong Valc?! Maraming salamat po!" Magalang na sambit ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 habang makikita ang sinseridad sa tono ng pananalita nito "O siya, umalis na muna tayo rito. Sa susunod na lamang nating balaking puntahan ang nasabing orakulo na iyon kapag nakumpleto na kayong nabuhay. Mahirap pa naman maghanap ng mga nararapat na nilalang na maaari niyong saniban at mas magandang paglagyan ng kaluluwa niyo ay ang mga Evil Beasts para madali kayong lumakas at mahirap kayong mapuksa ng sinumang kakalaban sa inyo hahahahahaha!!!!" Sambit ng binatang si Valc Grego habang makikita ang labis na kasiyahan sa tono ng pananalita nito kasama ang malakas nitong halakhak. Umayos naman ang pagkakalutang ang binatang si Valc Grego at Nag-umpisa ng lumutang ang katawan nito papunta sa lupa. Nag-umpisa namang maglakad palabas ng lugar na ito ng Black Swamp ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 habang nakasunod rito ang lumulutang na si Valc Grego. kalmado lamang silang parehong tinatahak ang labasan ng nasabing lugar na ito papunta sa mismong lokasyon o lugar na pupuntahan nila. Payapa namang tinahak nila ang lugar na iyon at wala naman silang naeencounter na sinuman nang tinahak na nila ang direksyong pupuntahan nila. Ngunit ang buong pangyayaring ito ay bigla na lamang nagbago ng papalabas na sila sa mismong malawak at napakataas na tarangkahan. Mayroon kasing nakaabang na maraming mga nilalang sa labas ng teritoryong ito na purong mga Cultivators. "May nilalang na papalabas!" Sambit ng isang matabang cultivator habang mabilis na pumalikod. May pagkaduwag din kasi ang isang to. "Malamang ay ang kasamahan iyan ng pesteng Evil Clan na ito!" Sambit ng isa pang cultivator habang itinaas nito ang hawak nitong mahabang espada. "Sinabi mo pa. Masyadong ganid ang Galley Clan para protektahan at angkinin ang lugar na ito!" Sambit ngi sa sabay hawak ng mahigpit sa sibat nito. "Sinabi mo pa, tila lumalabas ang totoong kulay ng nasabing Evil Clan na ito!" Sambit ng isa pang cultivator habang nakakuyom ng kamao. Hindi nito aakalaing napakalakas ng loob ng Evil Clan na pumarito sa lugar na ito. "Hahaha... Para lamang sa Black Swamp na iyon ay ginusto nilang kunin ito at hindi hayaang galugarin ng ibang mga malalakas na mga angkan. Nakakasuka ang kanilang layuning ito!" Maapangahas na sambit ng isang babaeng cultivator sabay hawak ng maliit na sandatang kunai nito. "Wala naman silang mapapala sa pagprotekta rito. Masyadong mahina na ang Galley Clan at masasabing gumagawa pa sila ng kademonyohan hahaha!!!!" Sambit ng isa pang cultivator habang hindi nito tinatago ang pagkamuhi at pangmamaliit nito sa nasabing angkang itinuring nilang isang Evil Clan. Napatawa naman ang ilan sa mga ito. Tila ba sang-ayon naman kasi sila na masama ang angkan ng Galley Clan. Ang kanilang pagtatago kasi ay masyado ng mahaba at pasikreto lamang ang mga kilos ng angkan nito matapos nilang bilhin sa malaking halaga ang nasabing Black Swamp na ito na tila ikinabutas ng pondo ng nasabing maunalad at malakas na angkan noon. Masyadong matagal na ang nasabing angkan na ito at malalim na rin ang kanilang ugat na nasimulan nila. Maayos naman at nasa normal naman ang pamumuhay nila noon kasama ang ibang mga mauunlad na angkan ngunit nasira lamang ito dulot ng masangkot sila sa Black Swamp na ito. Nakakadismaya lamang isipin ngunit nakakaalarma talaga ang pangyayaring ito. Kaya nilang sirain ang kanilang reputasyon para lamang sa simpleng bagay na ito? Nakakadismaya lang isipin na para lamang sa Black Swamp ay nagawa nilang magtago at ilihim ang lahat ng impormasyon patungkol sa lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD