Busy sa pagcucultivate ang nasabing masamang si Valc Grego kung saan ay nakalutang ito sa itaas ng napakaitim na katubigan. Wala naman siyang ginagawang hakbang at hindi pa naman siya nagsisismula ng ruckus sa buong lugar na ito. Gustong-gusto niya man ngunit alam niyang napakaraming mga martial artists ang kaya siyang pigilan sa mga gagawin niyang hakbang laban sa mundong ito. Magkagayon pa man ay tiwala siya sa kaniyang sarili na maisasakaturaparan niya din angga hangarin niya.
Napakabilis ng kaniyang pagtaas ng Cultivation Level dahil isa na siyang 8-Star Martial God Realm Expert at ang kabuuang lakas nito ay hindi maikukumpara sa mga kapantay niya ng Cultivation Boundary. Nakakatakot man isipin ngunit kayang-kaya niyang labanan ang sinumang Martial God Realm Expert ng harap-harapan lalo na ang mga talentadong mga Cultivators.
Agad naman itong napamulat ng mapansin niyang may nakamasid sa kaniya. Hindi nga nagkakamali ang binatang si Valc Grego nang makita niya sa di kalayuan ang halimaw na higanteng osong Veno na pagmamay-ari na ng katawan nito ni Dark 1.
"Ano'ng tinutunga-tunganga mo diyan Dark 1? Gusto mo bang paslangin kita?!" Paggalit na sambit ng binatang si Valc Grego habang matalim nitong tiningnan ang halimaw na si Dark 1.
Napayuko na lamang si Dark 1 upang mag-iwas ng tingin. Nakalimutan niyang ayaw pala nitong tinitingnan siya sa mata.
Pero mabilis naman nitong tiningnan sa mata ang binatang nakamaskarang nilalang na si Valc Grego kaya tila nagsusukatan sila ng tingin.
"Hindi ko aakalaing napakalakas mo na Valc Grego. Sa tingin ko ay hindi kapani-paniwala ang lakas at bilis ng Cultivation o pagcucultivate mo. Tingin ko ay may ginawa kang kabulastugan upang makamit mo ang titulo ng pagiging Martial God Realm Expert!" Nakangising sambit ng halimaw na si Dark 1 na nasa katawan ng mismong halimaw na osong nakalaban ng binatang si Van Grego.
Tila bigla na lamang pumutok ang mga nag-iitimang tubig sa ilalim ng kinaroroonan ng binatang si Valc Grego nang marinig niya ang sinabi ng halimaw na si Dark 1.
Tila nakaramdam naman ng panganib si Dark 1 ngunit hindi niya iyon ipinahalata.
"Hahahaha... Hindi ko alam na napakatabil pala ng dila mo Dark 1. Kinikwestiyon mo ba ang aking sariling kakayahan? Paano mong nasasabi iyan sa akin ng harap-harapan? Pagod ka na bang mabuhay at gusto mong paslangin kita ng tuluyan?!" Sambit ng binatang si Valc Grego habang matalim pa rin nitong tinitingnan ang dambuhalang nilalang na osong si Dark 1.
Tila hindi nagpatinag sa salita at tinging ibinibigay ng binatang si Valc Grego ang halimaw na osong si Dark 1.
" Hahaha nagpapatawa ka ba Valc Grego? Sa kasalukuyan mo kayang lakas ay kaya mo kaya akong puksain? Dapat ginawa mo pa noon yan ngunit kahit ano'ng gawin mo ay hindi magagawa iyan sa kasalukuyan mong lakas. Ang totoong lakas ko ay isang Peak Blood Awakening Realm kaya useless pa rin ang pagbabanta mong iyan. Para buhayin ako ay isang karangalan pero mong isusumbat sa akin ng ginagawa mo dahil kahit anong sabihin mo ay kinakailangan at kakailanganin mo ang tulong namin hindi ba?!" Sambit ng dambuhalang halimaw na osong si Dark 1 sa nakakatakot nitong boses. Tila ba hindi ito natinag sa tinging ipinupukol sa kaniya ng binatang si Valc Grego.
"Hahaha binibiro lamang kita pero wag mo kong kwestiyunin kung paaano ko nakamit ang ganitong klaseng kakayahan. Pasensya nalang sa kaniya dahil mas tuso ako kaysa sa kaniya at sa sinuman hahahahaha..." Makahulugang sambit ng binatang si Valc Grego habang malakas pa itong humalakhak sa huli.
Nakitawa na lamang si Dark 1 sa sinabing ito ng kanilang pinunong si Valc Grego.
"Niya? Tinutukoy mo ba ang munting binatang iyon? Napakahina niya kung tutuusin at tuso nga ang binatang iyon ngunit kahit anumang oras na magkita ang landas namin ay mapapaslang ko siya ilang segundo lamang hehehe..." Malademonyong sambit ng dambuhalang halimaw na osong si Dark 1 habang tila napakuyom pa ito ng kamao.
"May napagkasunduan tayong usapan Dark 1 kung ayaw mong kalabanin ako ay sumunod ka sa kondisyon ko. Magiging mabuti akong kakampi niyo ngunit masama akong kalaban. Naintindihan mo?!" Sambit ng binatang si Valc Grego habang mabilis nitong pinalabas ang kaniyang nakakatakot na awra o enerhiya sa buong paligid lalo na sa kinaroroonan mismo ng nasabing dambuhalang halimaw na osong si Dark 1.
"Hmmp! Patigilin mo nga a-ang aw-awra mo, nahi-hirap-hirapan ak-akong hu-humi-nga." Nahihirapang sambit ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 habang makikitang tila sinasakal o nasu-suffocate ito ng napakabigat na awrang inilalabas ng katawan ng binatang si Valc Grego. Napaluhod na lamang ito habang hawak-hawak nito ang leeg niya.
Agad namang binawi at iwinala ng binatang si Valc Grego ang napakabigat na awra at enerhiya sa paligid na siyang nakahinga ng maluwag ang Mutated Giant Black Bear na si Dark 1.
"Hmmp! Sa oras na magsalita kang muli ng hindi kanais-nais sa mga plano ko at laban sa akin ay hindi lamang ang aabutin mo Dark 1 maging ng mga kapatid mo. Isa lamang kayong hamak na Peak Blood Awakening Realm Expert noon ngunit hindi lamang iyan ang goal kong makamit na Lebel ng Cultivation kundi mas mataas na mga boundary kaya umayos-ayos kayo ng hindi kayo magsisi sa susunod na kakalabanin niyo ako dahil pupulbusin ko kayong lahat kung sakaling magrebelyon kayo o magtaksil sa akin!" Seryosong sambit ng binatang si Valc Grego habang makikitang hindi ito nagbibiro sa kaniyang pagbabantang sinabi.
Tila napayuko na lamang ang Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 sa kaniyang nasabing ito. Tila ba hindi niya aakalaing nagalit talaga ng husto sa kaniya ang nasabing binatang si Valc Grego. Gusto niya lang naman itong inisin ngunit nang sabihin nito ang huling sinabi nito at ang ginawa nito sa kaniya ay tila ba nag-skip ang kaniyang puso sa takot. Masasabing kakaiba ang misteryosong nilalang sa katauhan ng binatang si Valc Grego na mahirap malaman ang kabuuang plano nito o kung ano ang tumatakbo sa isipan nito.
"Siya nga pala, ang pinapahanap ko sa iyong dambuhalang halimaw na ibon ay nahanap mo na ba? Balak mo bang buhayin ang kapatid mo o hindi?" Pagtatanong ng binatang si Valc Grego habang makikita ang inip sa boses nito lalo na sa tanong nito.