"Mabuti na lamang at hindi ko ginamit ang Moon Qi ko sa pamamagitan ng Black Elephant Breathing Technique dahil baka kung ano na ang nangyari sa akin. Kung ito kasi ang ginamit ko ay baka hindi ko alam kung mabubuhay pa ako o hindi." Sambit ng binatang si Van Grego habang tila gulong-g**o siya at may sigh of relief din dahil medyo tama ang kaniyang desisyon. Hindi niya pa alam kung ano ang iba pang epekto nito sa katawan niya at kung sakaling dumami pa ang maipon sa kaniyang sariling katawan. Alam niyang mas malakas ito kumpara sa Essence Energy at sa Astral energy na karaniwang pino-produce ng dantian ng sinuman. Nakakatakot lamang isipin na hindi maaaring baliwalain ang magiging epekto ng Moon Qi kapag hindi niya ito makontrol sa loob ng kaniyang dantian. Kung tutuusin ay hindi ito active sa kaniyang katawan at remain dormant lamang kapag hindi niya ginagamit. There's no way na sususbukan nitong humalo sa Essence Energy at Astral energy na nasa kaniyang katawan. Ang Spiritual Qi niya naman ay mas lalong mailap ito sa ibang mga enerhiya at hindi ito nagpapasakop kahit kanino. Isa itong boss kung tutuusin sa kaniyang pamamaraan at katangian and there's no way na magiging mabait ito once na sususbukan ng Essence Energy o Astral energy na dominahin ito.
Akala pa ng binatang si Van Grego na okay na ang lahat ngunit bigla niyang naramdaman na tila biglang nag-vibrate ant loob ng kaniyang sariling dantian kung saan ay nagrerelease ito ng ibayong presyur.
"Hmmm... There's no way na magkakabreakthrough ako nito ulit dahil hindi sapat ang enerhiya ko. Ano na naman ito. Ang sakit!" Sambit ng binatang si Van Grego na hanggang ngayon ay nakapikit pa rin ngunit ramdam ng binatang si Van Grego na tila kakaiba ang nangyayaring ito. Tila ba mayroong namumuong sakit sa kaniyang dantian na bigla nitong pinipiga ang bandang tiyan niya.
Ramdam ng binatang si Van Grego ang ibayong sakit at habang lumilipas ang bawat segundo ay sumasakit ang kaniyang tiyan sa parte ng kaniyang dantian. Gustong mamilipit sa sakit ang binatang si Van Grego ngunit hindi niya magawa. Kailangan niyang magingmatatag dahil kung hindi ay baka kung anong masamang pangyayari ang mangyayari sa kaniyang sariling katawan.
Lumipas ang limang minuto at Ramdam na ramdam ng binatang si Van Grego ang ibayong pagbalatay o paggapang ng mga nakakakilabot na sakit na nararamdaman niya. Tila ba ang nangyayari sa loob ng kaniyang sariling dantian ay may malaking kaugnayan ito sa kaniyang kasalukuyang kalagayan. Ramdam na ng binatang si Van Grego ang sigaw ng ibayong panganib at kamatayan. Alam na kasi niyang ang pangyayaring ito ay out of control na. Ramdam na ng binatang si Van Grego na tila lumulubo na at hindi na controllable ang mga enerhiya sa kaniyang kalooban. Tila ba ang Purest Essence Energy ay kinakain nito ang mismo ang natural Essence Energy ng kaniyang katawan. Hindi naman kasi magkakaganito ang kaniyang sariling katawan if hindi ganon kadami ang pinoproduce niyang essence energy at ginamit sa pagtunaw ng Purest essence energy dahil hindi niya maaaring iderektang i-absorb ng katawan niya ang labinglimang maliliit na liwanag na walang ib kundi ang Purest essence energy. Isa pa ay bagong enerhiya lamang ito o foreign energy pa ito sa kaniya.
Kung sakaling malamon kasi ng purest essence energy niya ang lahat ng sarili niyang essence energy ay magiging pataba niya ito at mahihirapan na siyang magbreakthrough sa susunod na mga lebel ng Essence Gathering System. Saan naman siya makakahanap ng Purest Essence Energy diba? Tsaka magiging toxin lamang ito kapag dumami ito ng dumami at hindi niya mapigilan ang paglobo ng mga enerhiya na ito.
BAAAAAAAAAAANNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!
8 Star Martial Ancestor Realm
Tila kahit namimilipit na ang binatang si Van Grego ay mabilis pa rin siyang nagbreakthrough sa susunod na Cultivation Level niya na 8 Star Martial Ancestor Realm dulot ng napakaraming Purest Essence Energy. Kapag kasi nagpatuloy pa ang pagrami ng mga ito ay tuluyan ng malalaman na malapit na siyang sumabog kapag mas naging agresibo ito.
"Ano'ng gagawin ko sa sitwasyong ito. Hindi ko naman maaaring gamitin ang Moon Qi at Spiritual Qi na meron ako dahil baka mas lumala ang sitwasyon. Kailangang ikalma ko ang aking sariling isipan at wag magpadaig sa ganitong klaseng problema lamang." Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang sarili upang palakasin ang kaniyang sariling kalooban. Hindi kasi makakatulong sa kanya ang ganitong klaseng pagsubok. Mahirap daigin ang mga bagay na ito kung maging siya ay nagpapanic na rin.
Agad na binura lahat ng binatang si Van Grego ang kaniyang alalahanin maging ang kaniyang mga ambisyon o gusto ng kaniyang puso't isipan. Tila ba nasa isa siyang misteryosong dimensyon kung saan ay walang makikitang mga bagay-bagay, napakapayapa at walang anumang iniisip na bagay.
[Ang buong katawan ng binatang si Van Grego ay masasabing nasa malalang kalagayan na at makikitang ang bawat kaugatan nito sa kaniyang sariling katawan maging sa mukha ay kulay pula, kulay ube, kulay berde na nakakatakot pagmasdan. Tila ba ang kalagayan nito ay masasabing napakadelikado at masasabing isa itong sign na overflowing energy at maaaring sumabog ang katawan niya anytime dulot ng maling pagproseso ng enerhiya o foreign energies sa kaniyang sariling katawan lalo na ang sarili nitong dantian mismo ang may problema. Kahit sino ay hindi maiimagine ang naranasan nitong hirap at sakit bago ito tuluyang sumabog o magkapira-piraso.
Hindi kasi maipagkakailang ang kalagayan niyang ito ay hindi na masusulusyunan pa o kaya ay magagawan man lang ng paraan dahil nasa critical stage lamang unless lung mayroong eksperto sa enerhiya ng Purest essence energy ay kayang tulungan siya nito ngunit imposible namang mangyari iyon dahil hindi ganon kadaling mangyari ang nais na mangyari ito.
Kung makikita man ito ng mga Alchemist at lalo na ang mga Healers ay wala na silang magagawa pa rito. Ang alchemist ay oo nanggamot sila pero through making pills pero kung ang problema ay ganito na walang sign ng pagcontrol sa enerhiya ay baka mas lumala lamang ang magiging kalagayan ng binatang si Van Grego dahil ang ginawa nilang mga gamot (Pill, Elixirs etc.) ay may lamang mga pambihirang enerhiya ngunit ang energy stabilization ay hindi maaaring gamutin. Ika nga nila, dapat ay nasa tamang kondisyon ka bago ka magtake ng mga Martial Pill, Elixirs at iba pa para mas maging epektibo ang lahat, this is the greatest downside ng mga Alchemist liban na lamang siguro kung isa silang pambihirang Alchemist na kayang gumawa ng mga Miracle pills, Miracle Elixirs at iba pa upang baliktarin ang sitwasyon ng kanilang naghihingalo o nasa bingit na ng kamatayan na pasyente.
Sa mga Healer naman ay hindi naman sila ganon kahasa sa mga sitwasyong ganito dahil karaniwan ay mga ordinaryong mga sakit o mga nararamdaman ng pasyente physically at hindi ganoon kalala o kalubhang mga sakit. That's really a sad facts about this profession. Isa lamang sa sampong libong mga healers ang maaaring maging pambihirang manggagamot at sad to say na hindi nito matutulungan ang binatang si Van Grego. Kaya nilang mag-inject ng enerhiya ngunit paano nila ito magagawa kung ang bawat enerhiyang ipapasok nila sa loob ng katawan ng binata ay magiging fatal at mas lalong lalala ang sitwasyon nito. The mere fact na hindi maaaaring isagawa ito without proper finding and uncontrollable situations like this will not be suitable for a healer. Konting-konti lamang ang mga healers sa bawat kontinente at masasabing ang iba ay wala nga eh maging ng mga Alchemist. Talagang nagsasayang lamang ng oras ang sinumang humanap ng pambihirang healer dito na hindi naman pala makakatulong sa binatang si Van Grego.]
Ngunit hindi papayag ang binatang si Van Grego na masayang ang lahat ng meron siya. Hindi niya maaatim na mabigo pa ng tuluyan. Marami na siyang napagdaan, nilakbay at sinuong na mga panganib. Bata pa lamang siya ay alam niyang walang karapatan ang mga sa tingin ng mga ito na mahihinang nilalang na mabuhay na maging malakas upang ipagtanggol ang kanikang sarili. Hindi niya naman layuning maging bayani at maging osang huwarang indibiduwal para lamang maipakita na malakas siya kundi ginagawa niya ito upang maging maayos at mapayapa ang mundong ito. Marami na siyang nasaksihang mga pangyayaring wala siyang magawa o makontrol lamang. Yung tipong siya nga ay litong-lito kong saan siya patutungo o kung saan ba talaga siya nararapat. Tila ba ang kakaibang trance na kinaroroonan niya ay hinahayaan siyang mag-isip hindi ng sarili niyang kagustuhan kundi yung mismong gusto niyang mangyari. Hindi naman masamang maghangad ng mabuti para sa iba hindi ba? Yung tipong Maraming mga namamatay dahil lang sa mga walang kabuluhang prinsipyo ng malalakas. Porket malakas lamang sila ay dapat ng ituring na basura ang mahihina. Yung pakiramdam ng binatang si Van Grego ay pawang pinaglalaruan lamang siya ng tadhana. Gusto niyang putulin lahat ng mga shackles na pilit na kinukulong ang mundong ito pero napakahina niya. Gusto niyang ang sarili niyang mahanap ang katotohanan sa likod ng maskarang ikinukubli ng kung sinumang mga indibiduwal na gustong wasakin ang mundong ito. Alam ng binatang si Van Grego na nasa bingit na ng kawakasan ang mundong ito na kinalalagyan nila. Yung tipong nawawalan na siya ng oras dito.
Nakalutang lamang ang binatang si Van Grego sa kawalan. Nang imulat nito ang kanityang mata ay Walang liwanag siyang naaaninag at purong kadiliman lamang. Imbes na matakot siya ay pawang wala naman siyang nararamdamang kahit anong takot. Isa ito sa nakakatakot na senaryo para sa iba ngunit alam ng binatang si Van Grego na isa lamang itong signus na malapit ng mamaalam ang sinumang makakakita nito.
Isa itong Martial Death Sign.
Parang bumalik ang lahat ng mga alaalang nagdaang panahon...
Hindi naman porket isa siyang successor ng isang Flood Dragon na si Stardust Envoy Silent Walker ay hindi na siya mamamatay hindi ba. Aaminin niyang may karuwagan siya at kahinaan na hindi makikita sa ibang mga naunang Stardust Envoy. Siya lang ata ang taong napakaduwag na nakatadhang maging successor nito. Yung tipong ang mundong ito ay tila ginawa lamang sa malalakas. Malalakas na lumalaban at mga mahihina ay pawang mga pain o pawns lamang ng mga ito. Yung tipong naiipit siya sa sitwasyon. Hindi niya naman ginustong maging bagong Stardust Envoy at hindi niya layuning maging bayani ng mundong ito. Unang-una niyang prayoridad ay ang kaligtasan ng Hyno Continent tapos ang pangyayaring ito ang mas nagpabukas pa sa kaniya ng mas malaking posibilidad na mayroong anomalya sa buong mundong ito. Nakakatakot man isipin ngunit naman talaga eh. Malalakas lamang ang nagtatagumpay at ang mga nangamatay ay masasabing mahihina. Ganon ba talaga kakitid ang mga utak ng mga nilalang na ito?
Dahil sa labis na pag-iisip ng binatang si Van Grego ay naramdaman niya lamang ang nakakapasong enerhiya na pumapasok sa katawan nito na tila ba hindi niya alam kung saan nagmumula. Tila ba pinipenetrate nito ang lahat ng bahagi ng kaniyang katawan ngunit ang lahat ng sobrang nakakapasong pakiramdam ay hindi nito kayang wasakin ang nag-aalab niyang puso at ayaw niyang huminto sa tinahak niyang daan. Tinahak niya ang pagcucultivate hindi dahil sa gusto niya lamang ito kundi ginawa niya ang desisyong ito upang isaalang-alang ang lahat ng kaniyang gustong mangyari. Ang kagustuhang malaman ang buong katotohanan sa mapanlinlang na mundong ito, ang tulungan ang mga mahihinang maging malakas at gawin ang mundong itong mapayapa. Tinahak niya ang daan ng Cultivation hindi lamang upang punan ang sariling pangangailangan kundi ang lumaban kasama ang mga mahal niya sa buhay, mga kaibigan niyang naghihintay sa kaniyang pagbabalik maging ang pinagmulan niyang lugar kung natuto siyang pahalagahan ang buhay ng bawat indibiduwal. Likas na mabuti ang bawat nilalang ngunit sa klase ng kapaligirang meron sila ay siyang nagpapabago sa kulay at pag-uugaling meron ang isang nilalang o indibiduwal.
"Ano'ng nangyayari? Mamamatay na ba talaga ako nito?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang biglang naramdaman nito ang labis na pagkapaso. Tila ba pakiramdam niya ay sinusunog siya ng buhay. Nakakapaso ang mga enerhiyang nararamdaman niya. Nakakakilabot ang pangyayaring ito para sa kaniya. Tila ba wala siyang kaalam-alam kung ano'ng nangyayari sa kaniya. Hindi lubos maisip ng binatang si Van Grego na daranasin niya muna ang kalunos-lunos na pangyayaring ito bago tuluyangn mamatay. Tila ba pakiramdam ng binatang si Van Grego aygusto niyang mamamatay na lamang siya bago pa siya pahirapan pa ng husto ng bagay na pumapaso sa buong katawan niyang pakiramdam niya ay tagos psti sa kaniyang kaluluwa.