Kung tama ang inaakala ng binatang lalaking si Van Grego ay isa na siyang apoy. He can be whatever form he wants. This will also allow him to fight back. Whoosh! Whoosh! Whoosh! Mabilis na nagbato ng naglalakihang mga bola ng apoy sa ere ang binatang lalaking si Van Grego. Nasa dalawampong mga nagbabagang bolang apoy iyon na siyang ikinangisi niya. Gaya ng inaasahan ay mabilis na bumulusok ito pailalim patungo sa iba't-ibang direksyon na nakapalibot sa kinaroroonan ng binatang lalaking si Van Grego. BANG! BANG! BANG! Malalakas na mga pagsabog ang nangyari kung saan-saan ay hindi mabilang ang tumalsik at napuruhang mga halimaw na Black Spider. Tila nakaramdam naman ng kasiyahan ang binatang lalaking si Van Grego dahil ito na ang pinakahinihintay niyang pagkakataon upang makatakas sa

