"Wala namang masama kung susundin ko ang mga nakasulat sa scroll na ito upang maisagawa ko ang pambihirang Body Skill na ito na tinatawag na Body of Fires na isang unang skill sa konsepto ng apoy. Maisasagawa ko kaya ito ng tama?!" Nasambit na lamang ng binatang lalaking si Van Grego sa kaniyang sariling isipan habang maingat ngunit may kabilisan pa rin ang kaniyang paglalakad mula sa tila maladagat na bilang ng mga halimaw na naririto. Kahit na mabilis na naglalakad ang binatang lalaking si Van Grego ay paminsan-minsan pa rin siyang nilalalpitan ng mga halimaw lalo na sa nadadaanan niyang parte kung saan ay halos higit na marami ang mga halimaw na naririto kumpara sa kaninang nadaraanan niya. Psh! Psh! Psh! *Burning sound Squueeakkk! Squueeeaakkk! Squueeeaakkk! Naghihiyawan naman sa

