Nagising na lamang ang binatang lalaking si Van Grego sa isang silid. Napakapamilyar sa kaniya ang nakikita niya sa kwarto. Sigurado siyang nandito pa rin siya sa silid na kinaroroonan niya. Masasabi niyang nakakapagtaka ito. "Bakit ako nandito. Sa pagkakaalala ko ay nasa Alchemy Room. Wait, did I just passed out? Not again..." Nagugulumihanang sambit ng binatang lalaking si Van Grego habang hinihilot pa nito ang knaiyang sentido. Isa lang kasi ang alam niyang dahilan kung bakit wala siyang maalala sa buong pangyayaring ito lalo na at nawalan siya ng malay, yun lang ang rason. Mabilis siyang tumayo pero medyo nanghihina pa siya. Hindi niya alam at wala siyang alam lalo pa't tingin niya ay ilang oras din siyang nawalan ng malay, didn't he?! "Arghhh! Kung minamalas ka nga naman o! Tingin

