"Napakaduwag niyo lang talaga. Natatakot lang kayo sa matandang hukluban na iyan!" Sambit ng magandang dalagang hybrid na si Morgana gamit ang kaniyang divine sense. Mabilis na tiningnan ng magandang babaeng si Morgana ang direksyon ng matandang lalaking si Master Gorrie at nagulat na lamang siya ng palihim itong nakangisi na nakatingin sa isang direksyon. Direksyon kung saan naroroon mismo ang kinaroroonan ni Agathon. "Agathon umalis ka sa lugar mo ngayon din!" Sambit ng magandang babaeng hybrid nang mapansin niyang tila kanina pa nakatingin ang matandang lalaking si Master Gorrie sa gawi nitongunit hindi nial napansin kaagad. BANG! Mabilis na sumabog ang pwestong kinaroroonan ng lalaking hybrid na si Agathon na siyang mas malapit ng di hamak kumpara sa pwesto ng magandang babaeng si

