Masaya ulit ako nang bumalik na si Carissa sa penthouse. Hinatid siya ng kanyang mga grandparents na nakilala ko at bahagya silang nagulat na tinawag ako na mommy ng bata. Pinaliwanag na lang ni Jibi na pinagbigyan namin ang bata. Mababait naman sila at kinukwento pala ako ni Carissa sa kanyang grandparents. I made them some tea, in-offer ko sa kanila ang cheese bread na ginawa ko na nagustuhan naman nila. Hindi na sila nagtagal pa and with a few goodbyes, umalis na sila. Excited akong hinila ng bata papasok sa kanyang kwarto para tulungan ko siya na magbihis dahil nga magkikita kami ni Liam sa park. Hindi maitago ng bata ang tuwa kaya mabilis kaming nagpaalam kay Jibi at Kloss at naglakad kami papunta sa park. May point din naman ang mga daddies ko na kailangan kong pakinggan ang plaiwana

