Gising na gising ako pero nakahiga pa rin ako sa kama kahit tirik na tirik na ang araw. Nakatingin ako sa aking phone, nagi-scroll at baka may lumabas na picture or videos sa mga nangyari kagabi. Ilang oras akong nanatili na nakatingin lang rito at wala naman akong nakikita. Ilang beses na rin akong tinatawagan at mine-message ni Liam pero hindi ko siya sinasagot. Masama pa rin ang loob ko dahil hindi niya sinabi sa akin na kilala niya si Parisian, na nandoon siya mismo sa cruise ship kung nasaan ako. Naalala ako nang tinanong niya ako noong nakaraang bakasyon, alam pala niya at kasama ko sina Kloss at Jibi. Totoo kaya na may pictures at videos siya? Malakas ako na bumuntong hininga at tinabunan ko ang aking phone ng unan. Tumingin ako sa kisame, at tulala akong tumitig doon. Dahil sa mga

