BLAIR Matapos kong makakuha ng tubig ay syempre umakyat na agad ako, pero bago ako dumaan sa A.D 2 ay dadaan muna ko ng A.D 1. Saktong lumabas si Blaze sa A.D 1 kaya napahinto ako sa tapat ng A.D 1 habang magkatinginan kami. Lumapit siya sa akin, sa tapat ko mismo habang hawak ng dalawang kamay ko ang water bottle ko. “Number mo?” diretsong tanong niya kaya napatingala ako sa kanya at ginilid ko ang katawan ko. “Bakit ko naman ibibigay sa ‘yo?” mataray kong tanong, hindi niya ba alam na maaari akong mapagalitan nila mommy at daddy sa ginagawa niyang hingi number, hingi number? “Anong bakit?” binabalik niya lang ang tanong sa akin para mas makuha talaga ang number ko pero hindi ako papayag. “Bilisan mo.” Pagmamadali niyang sabi pero hindi ko pa rin binigay at naglakad muli, umiwas ako ku

