BLAZE Tatlong oras lang ako nagpatraining sa bagong girl group at dumiretso na agad ako sa practice namin sa A.D 1, nabago ang schedule ko dahil kay papa. Pinakiusapan niya kasi ako na ako muna ang pumalit kay Ms. Jane dahil ako lang naman daw ang nakakapantay sa galing niya sa sayaw. Tinanggihan ko pa no’ng simula si papa pero naisip kong minsan lang siya manghingi ng pabor, kaya naisip ko na tanggapin na ang gusto niyang mangyari hanggang matapos lang naman daw ang buwan na ‘to. dahil may kailangan ipagawa si papa kay Ms. Jane na kailangan sa Starfield. Pinag-isipan ko ng mabuti ang magiging desisyon ko ng buong araw at sa Lunes na mismo ang simula ng training nila, ibig sabihin bukas na kaagad. Nung nag gabi ay pumunta ako sa kwarto ni papa at mama. Sinabi ko na payag na ako pero sa i

