BLAIR Inis kong tinanggal ang unan sa aking mukha dahil sa sunod-sunod na boses na naririnig ko sa labas. “Umaga na pala,” sabi ko sa sarili ko at bumangon sa kama, humarap sa salamin para tignan ang aking sarili. “Sabi ko na eh,” sunod kong sinabi nang makita ko ang eyebag sa aking mata. Hindi kasi ako sanay na mapuyat dahil morning person ako sa totoo lang, kaso ngayon, hindi ko alam ano ang nangyayari sa akin. Pumunta ako sa bandang bintana para ibukas ng todo ang kurtina para pumasok ng maayos ang sinag ng araw tsaka ako lumabas para tignan kung sino ang nagtatalo sa sala, dahil rinig sila mula sa loob ng aking kwarto ko. Pagkabukas ko ng pinto ay bumukas din ang pinto sa kwarto ni ate kaya una ko ‘tong nilingunan dahil gusto kong malaman kung ano na ang lagay niya. Nakita kong m

