BLAIR Matapos kaming payagan ng doctor na palabasin na ng hospital si mommy, syempre dumiretso na kami sa bahay at sinalubong kami ni ate Rose sa gate. “Tapos na ba ang pinaluluto ko sa ‘yo?” tanong ni mommy habang tinutulungan kami ni ate Rose dalhin ang mga gamit ni mommy. Inalalayan ko naman si mommy sa paghakbang niya papasok sa bahay. Pagkapasok namin ay balak ko sana siyang dalhin sa kwarto niya pero tumanggi siya. “Dito muna ako sa sala, kakain pa ako,” aniya kaya tinulungan ko muna siyang makaupo sa sofa para ma-relax ang katawan niya matapos ang pangyayari sa kaniya. “Pakidalhan na lang ako rito ng pagkain, Rose.” Utos niya kay ate Rose matapos nitong lumabas sa kwarto ni mommy dahil diniretsong lagay na ni ate Rose ang mga gamit do’n. Pagkarinig niya ng sinabi ni mommy ay dumi

