An unexpected fiancé, a hot new professor, and a first day full of surprises—Sam’s life just got a whole lot more complicated.
SAM’S POV
Trahedya talaga ang nangyari last week. Akalain mo ba naman—instant marriage?!
“Good morning, dear,” bati ni Dad habang nagbabasa ng diyaryo.
By the way, okay na kami ng parents ko since nag-usap na kami ng maayos. Pero hindi pa kami nagkakaayos ng fiancé kong iyon.
“Ija, kumain ka na. May pasok ka pa,” anyaya ni Mom.
“Okay, Mom,” sabi ko sabay upo at nagmamadaling kumain.
Maaga akong umalis ng bahay papuntang campus. Ilang linggo na lang, graduate na ako! Kaya dapat good vibes lang… pero hindi ko alam kung kaya kong makuha ’yon.
Pagdating ko sa pintuan ng classroom, dinig na dinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko.
“Sino kaya yung new prof natin?”
“Siguro gwapo yun!” kinikilig pang sabi ng isa.
Hay naku. Simula pa lang, kinikilig na agad. Hmp! Wala akong pake.
“Bess! Miracle, hindi ka late!” salubong ng lokaloka kong best friend na si Mary. “Excited ka siguro sa new prof natin, noh?”
“Tsk! Excited? Ayaw ko lang mapagalitan dahil late ako sa first day niya dito. Sigurado akong masungit yun—katulad ni Mr. Alejandro!”
“Excuse me, is this the Business Administration class?”
Pareho kaming napalingon ni Mary. At ang nakita ko…
“Oh my God.”
Napamulagat ako.
Sino pa nga ba—siya lang naman ang fiancé ko. Ang halimaw kong fiancé!
At ang kapal ng mukha, ngumiti pa siya sa akin nang nakakaasar bago pumasok sa loob ng classroom.
“Good morning, class,” bati niya nang may confidence.
“Good morning, sir,” sabay-sabay at pabebe pang sagot ng mga kaklase ko.
Tsk. Ang lalandi!
“Ang gwapo niya, grabe! At hot pa,” bulungan pa ng mga palaka sa likod.
“Nice to meet you, class. I’m your new professor, Mr. Clyde Perfect Diaz,” pakilala niya.
“Wow, what a nice name, sir!” may sumigaw pa talaga.
Che! Pangit. Baduy. Next!
“Class, introduce yourself, then give your first impression and expectation of me. Except to Ms.—” sabay turo sa’kin.
Kunwari hindi ako kilala? Ulol!
“Ms. Buenavista, sir,” sabat ng mga sipsep kong classmates.
“Yes, Ms. Buenavista. You don’t need to tell your expectations, kasi narinig ko na kanina.” He smirked. “Anong sabi mo? Masama daw ugali ko? Wow. Thank you for those kind words, Ms. Buenavista.”
At ayun, nagtawanan lahat ng classmates ko.
Hindi ko akalaing narinig niya ’yon! Nakakahiya!