Rings and Red Flags

624 Words
SAM’S POV “Hey Sam, you’re already here. Clyde was waiting for you because you two will have dinner together,” salubong ni Mom. Nagkatinginan pa sila ng Prof. kong halimaw. Close kayo? Seriously? Ang bilis ata maging “friend” ng halimaw na ’to sa parents ko. “Wow, ang lakas naman ng loob mo para pumunta dito.” Pinataasan ko pa siya ng kilay, but he just smiled at me and casually shoved his hands into his pockets. Parang wala lang sa kanya kahit halos umusok na ang ilong ko sa inis. “Excuse muna, ha, I think I’ll let you talk with him alone,” sabi ni Mommy. Buti nga at umalis si Mommy. Kung hindi, baka hindi ko magawang sakalin tong isang ’to kahit pa naka-neck tie siya. “Sorry to say this, Mr. Diaz, I won’t go with you!” singhal ko agad. Hinila niya ang kamay ko at bumulong, halos dikit na ang labi niya sa tenga ko. “Hindi ka sasama? Or… sasabihin ko sa university that we have a relationship para ma-expelled ka. Or else, I’ll tell your parents about your attitude in class. Alam mo naman, madali silang madisappoint sa’yo.” Nanginginig ako sa galit, pero tinakpan ko ng taas-kilay. “Hmpp! Ulol! Hindi ko hahayaan yan, noh?” He smirked, parang siya pa yung nanalo. “So? You’ll go with me… or you’ll say goodbye to campus?” Napasigaw ako. “Fine!” Nakakainis ka! Kung hindi lang ako takot sa consequences, hindi ako papayag! Bakit ba kasi ang kapal ng mukha mo?! Umakyat ako para magbihis, at narinig ko pa ang pagtawa niya ng mahina. Lalo akong nainis. Kung hindi lang ako natatakot kay Mom and Dad, matagal na kitang binato ng unan sa mukha mo! Mabilis akong pumili ng damit—nagsuot ako ng jumper at rubber shoes. Walang effort, walang pak. “Yan yung susuotin mo?” tanong niya, parang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. “Yes, and why?” He just laughed. What’s wrong with my attire? Comfortable naman ah! Baliw talaga siya! Tahimik lang ang biyahe namin. Ni hindi siya nagbukas ng radyo o nagtanong kung kumain na ba ako. Para kaming dalawang estatwa na nagpipilit magmukhang okay, pero deep inside, gusto ko nang tumalon palabas ng sasakyan. Pagdating sa restaurant na pinareserve niya, nauna pa siyang umupo na parang siya lang ang tao sa mundo. Hindi man lang ako inalalayan. Ungentleman alert! Maya-maya, may kinuha siya sa bulsa niya. Inabot niya sa akin, seryosong nakatitig. “Wear that ring. It was our engagement ring,” sabi niya. Napasinghap ako. Wow, ganon lang? Hindi ba dapat may kneeling, may speech, may konting kilig man lang? Eto, parang binigyan lang ako ng resibo sa palengke! Pero sinuot ko rin, pilit. Kahit ramdam ko, parang bigat ng singsing—hindi lang sa daliri ko, kundi pati sa dibdib ko. After we ate (na parang business meeting lang at hindi dinner date), umuwi na rin kami agad. Hindi ito ang dream date na iniimagine ko since bata pa ako—yung may fairy lights, flowers, o kahit simpleng sweet gesture man lang. Eto, para kaming nag-meeting ng mortal enemy ko. Kanina ko pa gustong umuwi, kaya halos sumabog sa saya ang mukha ko nang makarating sa bahay. “Bye, Tita,” paalam niya kay Mom. “Bye, Clyde. You don’t have to call me Tita, just call me Mom,” sagot ni Mommy. “Okay, Mom,” medyo nahihiya niyang sabi. Umuwi siya pagkatapos no’n—ni hindi man lang nagpaalam o nagpasalamat sa akin. Ang kapal! Nakakainis ka! Sana ginawa ko na lang yung projects ko—at least may makukuha pa akong grade kaysa sa nonsense date na ’to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD