Sam’s POV
Malapit na ang wedding day, at sobrang kinakabahan ako. As in, parang anytime pwede akong atakihin ng asthma kahit wala naman akong asthma.
Si Clyde? Ayun, boring pa rin magturo. Math na nga ang subject niya, tapos parang wala pang kwenta kung mag-discuss. Para bang robot na walang emotion. Pero yung mga kaklase ko? Aba, gising na gising sa kakalandian nila. Nakakabwisit minsan kasi kahit hirap ako makisabay sa discussion, sila naman busy pa ring makipag-eyeball sa crush nila.
Si Mary naman, alam na niya tungkol sa kasal ko. Nagulat siya noong una, muntik pang mahulog yung iced coffee niya sa mesa. Pero ipinaliwanag ko nang maayos ang dahilan. Medyo nakonsensya rin ako kasi sa lahat ng tao, siya talaga dapat kasama ko sa mga ganitong moment. Sayang nga lang, kasi nasa vacation siya. Akalain mo, ngayon pa siya nagbakasyon, eh patapos na ang klase?
Baliw talaga! Pero kilala ko siya, kahit malayo, chismosa pa rin. Tatawag ‘yon anytime para manghingi ng update.
Na-excuse ako sa school para sa wedding preparations. Preparation daw? Haller! Ang daming nilalagay na bulaklak sa venue, ang daming fittings para sa gown, ang daming bisita na hindi ko naman kilala. Para saan pa, kung ayaw ko naman nito?
(Wait, alam na ba ng mga tao sa campus ang wedding mo?)
Baliw ka talaga, Author! Syempre hindi! Baka ma-expel ako! Gumawa lang ng ibang dahilan ang parents ko para makaliban ako. Pero si Clyde? Ayun, nasa school pa rin. Kunwari nagtuturo. Pero alam ko, malikot ang utak no’n. At syempre, baka may makahalata.
(Mahalata? Sure ka?)
Oo naman! Ako na lang palagi niyang napapansin sa klase, kaya baka may magduda. Bawal kasi ang teacher–student relationship, noh! Kahit hindi halata sa iba, ramdam ko yung titig niya minsan. Yung tipong kahit nakatalikod ako, parang may CCTV sa batok ko. Nakakailang!
Tapos eto pa—pati sa bahay, hindi ako makaiwas. Lahat ng kamag-anak ko busy na, as if excited sila para sa wedding. Ako lang yata ang hindi. Ang weird kasi… hindi ko alam kung dapat ba akong matakot kay Clyde, mainis, o… okay never mind, next topic.
Clyde’s POV
Nandito ako sa school, nagtuturo sa mga estudyante. Ewan ko ba kung bakit nabobore si Sam sa klase ko, eh enjoy na enjoy naman yung mga kaklase niya. Hindi ko kasalanan kung hindi niya gets ang lecture. Minsan, gusto ko nang ipitin siya ng chalk sa pisara para lang tumigil sa kakayawn.
Pero ngayong gabi, isa lang ang nasa isip ko—ang kasal namin bukas. Hindi ako makatulog. Hindi dahil kinakabahan ako, pero dahil may plano akong gawin pagkatapos ng kasal. Plano para turuan siyang maging responsable.
Ayoko kasi ng ugali niya—palaging late, walang respeto, parang wala lang sa kanya lahat ng bagay. Hindi puwede ‘yon. Hindi ko hahayaang maging asawa ko siya tapos ganun pa rin siya ka-rebelde. Tsk! Naiinis talaga ako sa mga ganyang asal!
(Ano na naman ‘yang plano mo, Clyde? Huwag mong sabihing—)
Ano pa nga ba! Pagkatapos ng kasal, magpapatupad ako ng mga patakaran na dapat niyang sundin. Magiging mahigpit ako sa kanya. Hindi puwedeng gawing laro ang buhay-asawa. Kung sa klase nga hindi siya marunong makinig, paano pa kaya sa bahay?
(Oh no… Sam, good luck!)
Hindi ko hahayaang dalhin niya ang masamang ugali niya sa bahay ko. Sa sandaling maging asawa ko siya, kailangan niyang matutong sumunod.
At sigurado ako—kung hindi siya magbabago, ako mismo ang gagawa ng paraan para magbago siya. Kahit hindi niya gusto.
(Wow, Mr. Dictator vibes… sure ka ba sa plano mo?)
Sigurado ako. Dahil bukas, magsisimula na ang bagong chapter ng buhay naming dalawa. At sa bagong chapter na ‘yon… ako ang magsusulat ng rules.