The First Night Gamble

710 Words
Author’s POV Excited na ako sa wedding nila! Invited ba kayo? Syempre HINDI! Si Sam, naghanda na. Pati si Clyde. Ang ganda ni Sam sa suot niyang gown! Pero alam niyo naman ‘to, hindi mahilig magporma kaya madalas hindi siya mukhang attractive sa suot niya. (“What did you say?!”) Ay, nakikinig ka pala, Sam? Uy, ‘wag kang echosera! Part ko ‘to noh… Ayan na, ikukwento ko na! Habang naglalakad si Sam sa aisle, nakaalalay sa kanya ang parents niya. Kita sa mukha niya ang kaba at takot, pero nagawa pa rin niyang ngumiti. Yung mga bisita? Aba, abala rin. Yung iba, nagpi-picture, yung iba, umiiyak kuno, at meron ding nagchi-chismisan sa gilid. Ang background music? "Kung mawawala ka, hindi ko makakaya—" (“Hoy! Hindi yan noh?") Ay sorry, Clyde! Joke lang! "Born for You" pala. "That I was born for you, it was written in the stars…" At sa sobrang drama ng kanta, muntik pang matapilok si Sam sa gown niya. FAST FORWARD… "Do you, Clyde Perfect Diaz, take Samantha Yvonne Buenavista as your lawfully wedded wife?" Clyde: "I do." "Do you, Samantha Yvonne Buenavista, take Clyde Perfect Diaz as your lawfully wedded husband?" … Walang sumagot. … Cough. … "I… do." (Ayun naman pala!) "You may now kiss the bride." Hinawakan ni Clyde ang kamay ni Sam at inilapit ang mukha niya… Sam’s POV Hindi ko maintindihan ‘yung nararamdaman ko ngayon. Para akong maiiyak, pero hindi ko alam kung sa kaba ba o dahil gusto ko talagang tumakbo palabas ng simbahan. Muntik na nga akong hindi makasagot sa vow! "You may now kiss the bride." Wait—may ganun pa pala?! Lumapit si Clyde sa akin at hinawakan ang kamay ko. Kinabahan ako. First kiss ko ‘to! Pero sa gulat ko, sa left side lang ng labi ko dumampi ang halik niya—parang nag-kiss lang kami for formality, pero hindi talaga. Nagpalakpakan ‘yung mga tao. Ang daming kinikilig, ang daming nagpi-picture. Akalain mong napaniwala namin sila… pati si Author! After the wedding, dumiretso kami sa reception. Ang daming speeches, ang daming toasts, at syempre ang daming pagkain na hindi ko naman halos nalasahan kasi lutang pa rin ako. Lahat sila masaya… except ako at si Clyde. Pareho kaming tahimik sa table, parang may sariling iniisip. Yung mga ninang at tita ko pa, ang kulit! "Sam, ang blooming mo naman!" "Clyde, alagaan mo ‘yang pamangkin ko ah!" Kung alam lang nila… Pagkatapos ng event, umuwi na kami. At oo, sa bahay na ni Clyde ako titira. Nasa kasunduan na kasi ‘yon. Honeymoon? Asa kayo! (Hindi! Asa ka, Sam!) Hoy, Author! Mind your own business! Pagdating sa bahay ni Clyde, napansin kong sobrang laki nito kumpara sa amin. Pero mag-isa lang pala siya dito? Ang lungkot naman. Walang kasambahay, walang aso, walang goldfish. Malinis lahat pero parang walang buhay. Sa room niya muna ako matutulog kasi hindi pa raw malinis ‘yung ibang kwarto. Nakakainis kasi obvious na plano niya ‘yon. Pero sige na nga. Nag-shower muna ako at nagbihis bago humiga. Ang lamig ng kwarto, pero mas malamig yung kaba ko. Nakapikit na ako nang biglang may bumukas na pinto… Clyde’s POV Nakakapagod ‘tong araw na ‘to. Tsk. Hindi ko type ang mga speeches at mga bisita kanina. Mas nakakapagod pa kaysa sa actual wedding. Pagkatapos kong maligo, dumiretso ako sa room ko—kung saan natutulog si Sam. Pagpasok ko, bigla siyang bumangon. Mukhang naalimpungatan siya, o baka kinakabahan lang. Kita ko pa yung gulat sa mata niya. Heh. Oras na para lokohin si Mrs. Diaz. Lumapit ako sa kama, dahan-dahang umakyat, at nakatitig lang ako sa kanya. Para siyang nag-freeze. Yung kamay niya, kinakalikot yung kumot, at parang gusto niyang magtago pero wala siyang mapagtataguan. Nang magtama ‘yung mga mata namin, agad niyang ipinikit ang mata niya—parang may inaasahan. …Tinulak ko siya. Para kumuha ng unan. "What do you expect?" Kinuha ko ang unan at nakita ko pa rin si Sam na nakapikit, parang naghihintay ng kung ano. Napangiti ako. Lumapit ako sa tenga niya at mahina kong bumulong bago ko pinatay ang ilaw: "Huwag kang magpapa-relax masyado… dahil hindi mo alam kung kailan ako seryoso."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD