Clyde’s POV Niyaya ko si Sam ng dinner date sa favorite kong restaurant. I was processing some papers in the office and after that, I decided to leave. “Clyde?” tawag ng isang babaeng nakasalubong ko. She looks familiar. Oh, kilala ko nga ’to! “Nicole?” tanong ko, medyo nagulat. “Yes, it’s me. Kamusta ka na?” bati niya, nakangiti. “Glad you’re here. Okay naman,” tipid kong sagot, medyo naiilang. “I heard na kinasal ka na daw?” tanong niya, parang may halong lungkot. “Yes,” sagot ko ulit, this time mas pormal. Nicole… my first love, my ex. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko seeing her again. “Is it okay if yayain kitang mag-dinner? Ang tagal na rin nating hindi nagkita,” she asked. “Hmmm pero…” medyo nag-alangan ako. “Tsk, wala nang pero-pero. Ngayon lang naman ulit ’to.”

