Nicole’s POV “Hi everyone! I am Kimberly Nicole Buenaventura, twenty-nine years old… at ako ang first love ni Clyde.” Nakatingin ako sa sarili ko sa salamin habang nakangisi. Hindi ako bumalik dito para lang magbakasyon o makasama ang pamilya. I came back here with a purpose. Anong purpose? Simple. I want Clyde back. Narinig ko na ikinasal na raw siya sa isang twenty-two years old na bata. Seryoso? Bata pa, immature, hindi pa siguro alam ang totoong pagmamahal. Perfect opportunity ito para bawiin ko siya. “Nicole, sigurado ka ba sa plano mo?” tanong ni Mommy, may halong kaba ang boses. I faced her confidently. “Of course, Mom. I’m sure. Mababalik ko siya sa’kin.” “Kasal ka na, Nicole! Bakit ka pa humahabol sa lalaking ‘yon?” “Mom!” singhal ko. “Don’t tell anyone about that, okay? I

