FLASHBACK Clyde’s POV Nagpaiwan muna ako sa bahay dahil may inasikaso pa. Akala ko mabilis lang, pero hindi ko namalayan na 9:30 na pala. Nagmadali akong nagbihis para humabol sa graduation ni Sam. I was about to leave nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Message from the company: Clyde, you have to come here if you don’t want to lose it. Napasinghap ako. Lose it? Ito na ‘yun. Yung pinaka-importanteng position na inaantay ko. Pero… paano si Sam? “Hays…” I rubbed my temples. “Kung aalis ako ngayon baka hindi na maulit ‘to.” Pinilit kong i-console ang sarili ko na baka maabutan ko pa rin siya after. Kaya nagdesisyon akong dumaan muna sa kumpanya. Pagdating ko doon, pinapirma nila ako ng napakaraming papeles, plus orientation. Ang bilis ng oras—hindi ko namalayang 4:00 na. “Sh*t,”

