Thunder’s POV It’s been two days simula nung pumunta si Sam dito. I miss her — sobra — pero wala akong magagawa dahil bantay-sarado siya ni Clyde. Habang naglalakad ako papunta sa building ng company, may nakasalubong ako. “Nicole? Is that you?” tanong ko, bahagyang nagulat. “Oh! Thunder, right?” ngumiti siya pero halatang mayabang pa rin ang dating. “Yes. Do you remember me? I’m Clyde’s cousin,” sagot ko nang medyo malamig. “Ah oo nga pala,” sagot niya, sabay flip ng buhok. “By the way, mauna na ako. Pupunta pa kasi ako sa office ni Clyde.” “Tsk! Hindi ka pa rin natuto, Nicole,” napailing ako. “Alam mo bang nag-away silang mag-asawa dahil sa pinaggagawa mo?” “Of course I know that,” sagot niya sabay ngisi. “And why should I care kung nag-away sila? I came here para maibalik si Cly

