GEN'S POV
CLICHE. That's the first word that sprung to mind when I opened my eyes.
My mind aimlessly wander, wondering what time did I slept last night. Tanda ko kasi alas-kwatro na ng madaling araw, gising na gising pa rin ang diwa ko't tila baliw na nakatitig sa kisame. Paulit-ulit na mukha ni Prince Liam ang umuukilkil sa utak ko't ang naging sagutan namin.
Regrets fiiled my head to the point na gusto kong iumpog iyon sa pader.Ba't ba pinairal ko na naman ang kagagahan ko? Ang kapal ng apog kong sagut-sagutin siya, 'di ko man lang naisip ang magiging consequence noon. My job is literally on the line. Paano kung pagpasok ko bukas, sa gates pa lang ng palsyo may eviction notice na ako? Terminated. Cause, matabil ang dila.
Told you, cliché.
"f**k. Heto na naman ako," inihilamos ko ang palad sa mukha't pilit na kinalma ang sarili.
I've made peace with this turmoil last night. Ano nga ulit ang sabi ko? That he's known to be fair and I'll cross the freaking bridge when I get there. Spoiler, I'm the one who burns that proverbial bridge using a matchstick.
I sigh and opened my eyes.
"s**t," mabilis akong napatalon sa kama nang makitang mag alas nueve na pasado.
May lakad nga pala ako ngayong araw. Mabilis akong nag-ayos ng sarili't kinuha ang unang summer dress na nakita ko sa loob ng closet. I applied a light makeup, mascarra and lip gloss then I'm good to go. Snatching my old Chuck Taylors, I head down stairs.
Nadatnan kong nasa komedor si Ate Ading, ang kasambahay namin for almost eleven years. Ngumiti agad ito sa 'kin at inilapag ang hawak na tinapay na mukhang kabibili lang sa bakery sa kanto.
"Hi ate, kanina pa umalis sila Mama?" tanong ko't kumuha ng pan de coco na dala niya. Normal na schedule kasi ng parents ko na maagang umaalis para buksan ang maliit na negosyo namin sa U-belt.
"Oo mga 8:30. May delivery daw. Nagbilin pala si Kuya na dalhin mo raw iyong kahon na nasa may terrace," inginuso ang bandang labas ng bahay.
"Okay, ate. Salamat," sagot ko't nagsimulang mag almusal. I need to be quick kung ayaw kung maipit ng traffic sa daan.
Sinamantala ko ang pagkakataong day-offko ngayong araw, I'll visit Hospicio de San Lorenzo in Manila. Naging yearly tradition na iyon dito sa bahay at ngayon nga'y ako ang naatasang magdala ng mga libro at baked goodies para sa mga bata. Saktong foundation day ngayon ng ampunan kaya excited ako.
"Thanks sa kape, ate. Alis na ako," paalam ko habang kinakarga ang may kalakihang karton. Puno iyon ng libro at mga damit na maaari pang magamit ng mga bata sa ampunan. Galing ang iba roon sa mga kaibigan at kapitbahay namin.
After settling at the driver's seat, I typed the address of Mindy's Nook—our café, on Waze. Nag-text kasi ang papa ko na may ilang books pa ang nandoon galing sa mga customers namin, isasabay ko na kasama ang mga bagong bake cookies na favorite ng mga bata sa ampunan.
"Sana lang 'di mo ako itirik sa gitna ng daan," parang timang na kausap ko sa kotse nang nasa may Edsa na ako.
Hindi ko maintindihan sa tatay ko kung bakit 'di pa ibenta itong Toyota Corolla 2013, isang piyesa na lang yata ang kumakapit rito. Kapag ipinapaalala ko iyon sa kanya ang laging sagot ay gumagana pa naman daw. Dahil 'di masyadong masikip ang daloy ng traffic, wala pang trenta minutos nasa harapan na ako ng Mindy's. Hindi pa naman ganoon kapuno ang café, may ilang tables pa ang bakante. Binati ako ng nakatokang cashier, I just nod at her. Sa kusina ako dumiretso kung saan alam kong naroon ang aking papa.
"Hi, pa!" bati ko sa ama. Mabilis akong lumapit at nagmano rito.
He smiled at me, signalled me to go to the counter. May isa kasing group ng edtudyante ang dumating. Abala pa kasi ang kahera namin sa pag-aasikaso sa order ng naunang customers. Mabilis kong dinaluhan ang kakawang kahera na ang tanda ko'y Pat ang pangalan. Nang matapos asikasuhin ang grupo, bumalik ako sa kusina. Nadatnan kong inaayos ng papa ko ang ilang cakes at isinisilid iyon sa mga kahon.
"You should hire some help here," I told him. Sumandal ako sa hamba ng pinto't humalukipkip.
Inikot ko ang mata ko sa loob ng café and I couldn't be proud of my parents achievement over the years. Dati maliit lang ang inuukopa naming pwesto pero dahil sa nagiging popular na ang café namin, thanks to my mother's baking skills and the brilliant concept I've contributed when I was in college, dinadagsa na ang establisyemento.
Simple lang naman ang concept ng café, we have empty shelves where you can leave and borrow books from strangers. Sugal lang iyon noon, hindi kami confident na kakagatin ng mga estudyante at parokyano but lo and behold, wala pang isang taon ang nasabing kapehan dinudumog na ito. Ngayon, dalawang palapag na iyon at may balak pang magtayo ng branch ang tatay ko sa may bandang Katipunan.
"No. Kaya naman namin ng mama mo, Gen. Isa pa may mga part timers namang nag apply ngayong buwan. Don't worry," pukaw ng papa ko habang nilalapag sa counter ang ilang slice ng cakes na agad kinuha ng isang estudyante. "Nasa likod na pala yung mga cookies at cake na dadalhin mo sa ampunan.Paki sabi kay Sister Marie na kung 'di lang busy dito ay pupunta kami ni Mindy," tukoy nito sa pinsang madre na naka- assign sa ampunan.
"Don't worry, Pa. Maiintindihan iyon ni Sister Marie."
I stayed a little longer to help our understaff cafe. After lunch, umalis na rin ako papuntang orphanage dala ang ilang boxes ng cookies, cakes at books.Napangiti ako nang maisip na siguradong magtatatalon sa tuwa ang mga bata kapag nakita ang mga baked goodies na gawa ni Mama. Kumusta na kaya si Erika at Ten-ten?
"What the F? Seriously? Kung kailan naman ilang kembot na lang saka ka tumirik. Ugh!"
Iritadong sinabunutan ko ang sariling buhok at iniumpog iyon sa manibela. Sa lahat ng pagkakataon na pwedeng tumirik ngayon pa talaga pinili ng kotseng ‘to.In the middle of the busy EDSA, sa katirikan ng araw.
“f**k!”
After a few beats, I rolled down the window on my side just to be greeted by an angry motorist and their deafening honks.
Jerks.
"Miss, dalhin mo ng junk shop mas may pakinabang 'yan. Hindi 'yung nakaharang ka sa kalsada."
Matalim ang tingin na ipinukol ko sa gagong lalakeng sadyang huminto sa tapat ko para lang mang alaska. I flipped him the bird.
"Itirik ka sana ng sasakyan mo. Ungas. Akala mo ikina-gwapo mo 'yang fuckboy tint mo. Chaka!"
Ilang mga saskayan pa ang bumusina sa 'kin habang hinahagilap ko ang bag at cellphone. Medyo nagko-cause ng traffic ang sasakyan ko, kaya't para akong timang na panay peace sign at bow ang ginagawa habang kausap ang operator ng towing company.
Kailangan ko ng makaalis dahil magsisimula na ang program para sa mga bata, nanlalagkit na rin ako. Mabuti't mabilis lang daw darating ang tow truck sabi ng operator na nakausap ko.
"Taxi!" Panay ang kaway ko pero panay mga puno ang dumaraan sa harapan ko. Hindi rin ako makapag book ng Grab dahil down ang system nila.
"Universe ang totoo? Ba't naman sa lahat ng araw na ise-s*x ako ni Kamalasan, today pa talaga. Seriously?"
Frustrated, sinipa ko ang gulong ng kawawang kotse.
"Kung tao lang 'yan kanina pa umaray iyan."
"Jaques! What are you doing here?" Sapo ang dibdib na bulalas ko.
"Work. I guess I don't need to ask you why are you here. You need a lift. Tara,” he jerked his head towards the right.
Relief wash through me upon hearing his offer. Hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa. Umikot ako sa likod ng kotse para kunin ang mga kahon pero pinigilan ako nito at sinabing mauna na ako sa loob ng sasakyan.
"Wow! Hummer. Yours?" Turo ko sa nakaparadang magarang kotse.
"Yup."
Even before, alam ko ng galing sa mayamang angkan si Jaques ngayon ko lang napagtanto kung gaano kayaman. He's freaking loaded.
"Backseat," maikling anito habang inilalagay ang mga kahon sa likod ng Hummer.
Tahimik akong sumunod para lang matigilan nang bumungad sa akin ang kahuli-hulihang taong gusto kong makita ngayong araw.
"Y-your Royal Highness," anxiety coated my tongue when I see his serious patrician face.
"Get in," umusog ito't tinapik ang space sa tabi nito.
"Ahm..." alanganing napa atras ako. "I can take the cab."
"No one's taking a cab. Sakay, Genessia. I won't eat you," his jaw clenched and I'm subjected to his signature I take no prisoner look.
Yuko ang ulo na sumunod ako. Naupo ako sa tabi nito't inilagay ang bag ko sa pagitan namin. Parang may mga dagang nagma-marathon sa loob ng dibdib ko.
"Last time I check, I took a bath."
Namumula ang mukhang pasimple kong inalis ang bag at ipinatong iyon sa lap ko. I'm well aware of the tension that's been swirling around us kaya't mas lalo kong pilit pinaliit ang sarili. Ngayon na ba niya ako ite-terminate sa work? Mag a-alsa balutan na ba ‘ko bukas sa trabahong napamahal na rin sa 'kin?
"Where are you heading with that er–car?" Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagkadisguto sa boses niya nang magtanong.
Nilingon ko ang prinsipe't lihim akong napasinghap nang ganap na mabistahan ang ayos nito. Today he's out of his element, no cameras around, no custom made suits and less royal guards. He's wearing a simple faded jeans and slim fit gray polo shirt that perfectly hugged his biceps and torso. Bukas ang dalawang butones nito kaya't kita ko ang sexy nitong leeg. Fresh, neat and immaculately handsome equals the crown prince.
When my eyes moved down and landed on his veiny forearms, I couldn't help but gulp.
Ano nga ulit ang sabi ni Donna? Turn on sa mga lalakeng maugat. Iyong kay Kamahalan super mega turn on. Nang nagsabog si Lord ng mga ugat, sinalo yatang lahat n g royal na 'to. I'm wondering saang part pa kaya siya maugat–
"Genessia?"
"Ho? H-hospiscio de San Lorenzo, Sir," nag iwas ako ng tingin. Did he notice that I’m shamelessly fantasizing about him?
Hormones please, kumalma ka. Ang bango-bango niya, tapos ikaw amoy araw. Turn off.
"Jaques."
"Got it, Your Highness," mabilis na sagot ni Jaques na kapapasok lang sa driver's seat.
"Kung maa-out of the way kayo ay–"
"We're heading that way. Period."
Naalarma 'ko nang makitang umaangat ang glass partition sa pagitan namin at ng driver. Hindi ko alam saan ibabaling ang tingin ko.
"Relax will you?"
Fidgeting, I let out a heavy sigh then I wear my big girl pants. Itinaas ko ang baba’t pilit inalala ang mga mine-memorize kong lines kagabi.
"About yester–"
"Tungkol sa nangyari ka–"
Natigilan ako. Palms up, I motioned him to continue.
"Ahm...sorry, Your Highness. Sige ho, kayo muna."
"No. Ladies first."
Alumpihit ako't hindi malaman kung paano muli magsasalita. Walang point kung patatagalin ko pa ito. Kung matatanggal, so be it. Nagpakawala ko nang malalim na buntong-hininga saka matapang na sinalubong ang mga mata ng amo.
"I'll pass the resignation letter to the Royal Secretariat and HR after a week or two. Alam ko hong kailangan n'yo munang makahanap–"
"Hold up. Who's resigning? You? No. Hindi ko tatanggapin 'yan," galit na pumihit ito para tuluyang humarap sa akin. Nose flaring. I could see his knucles turned white.
"At bakit ka mag re-resign?"
"I thought, sesesantihin n'yo ho ako."
"Ako? Sesesantihin ka? Why would I do that?"
"I go against your order.Ahm...the other day, medyo ang epal ng asal ko."
"Epal?"Lalong lumalim ang pagkaka-kunot ng noo nito. He scratched his chin still regarding me with that knowing eyes.
"Oh...you mean for having the balls to call me out."
Nag- iinit ang pisnging marahan akong tumango't kinagat ko ang pang-ibabang labi. His lips quirked up showing obvious dismay. Tumalim ang mga mata nito.
"You think, I'm that shallow? Dahil lang may tumangging tao sa 'kin, I'll go ballistic and fire them?"
"Your Highness, sorry. I don't want to insult you," sansala ko rito. Hindi ko tuloy malaman kung paano pahuhupain ang loob nito. "Ahm...hindi naman ho sa ganoon ang ibig kong ipakahulugan."
"That's exactly what I'm getting from you, Genessia."
"It's all semantics, Your Highness."
"Semantics? No. Those are the first words you blurted out, meaning it is how you perceived me."
"Goodness. For once, can you please listen to me? Hindi 'yong panay ka jump into conclusion, palaka ka ba?" Huli na para mapigilan ko ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.
"What the f**k?"
"s**t!" Nanlalaki ang mga matang kinalampag ko ang salamin, "Para! Jaques, itabi mo parang awa mo na."
Good Lord, lamunin n'yo na ako please! Iyong pag-asa kong maisalba ang sarili sa napipintong kapahamakan, ngayon poof! Tuluyan nang tinangay ng hangin. Kung may darating na alien sa earth, sasama na ako.
"Hey! Calm down. Anong para? Genessia, umayos ka nga? Isa!" Singhal nito habang niyuyugyog ang magkabilang balikat ko.
Nanginginig ang mga labing tumitig ako rito. Pigil na pigil ko ang maiyak.
"You're not leaving this car. The palace or my lif–office. Intiende?"
I blinked rapidly. Confused with his words and the wariness that's painted on his face.
"Genessia, answer me. Damn it."
"Yes, Kamahalan!”
Mabilis ako nitong binitawan nang makuntento sa sagot ko.
“Good,” he raked his hair with his long fingers.
May ilang hibla tuloy na tumabing sa noo nito, nangangati ang kamay kong hawiin iyon. My brows furrowed. He’s gulping virtually, dark brown eyes swirling with nervousness. Did my presence make him anxious?
“About yesterday…”
“Ayos na ho ‘yon.”
“That’s not how you properly do it.”
It’s my turn to throw him a questioning and worried look.
“Ano hong ibig niyong sabihin?”
“Apologozing. I mean. Kung bawat sabihin ko, tatango’t tatanggapin mo lang. Magkakaroon ka ng resentment towards me. Or to any person for that matter.”
“Your Highness…”
He raised his right hand, cutting me mid-sentence.
“Just because you feel you are okay now, doesn’t mean na hindi mo dapat sabihin sa ‘kin ang mga bagay na ikina-inis mo. Or, me to you. Are you following me?”
Shit. Is he for real? Napipi ako. May mainit na kamay ang humaplos sa puso ko sa pagpapahalagang ipinapakita niya para sa nararamdaman ko. Sino ba naman ako para bigyan ng importansiya? I’m just an ordinary staff while he’s the crown prince of this country.
“Y-yes, Prince Liam.”
“My actions were uncalled for. I shouldn't act that way or say what I've told you. It's a first for me.”
“Na may nag-reject at humindi sa inyo?”
A small smile curved his lips.
“That I lose control. I pride my self for being patient…kahapon, hindi ko alam kung anong sumapi sa akin.”
Nalunok ko na yata nang tuluyan ang dila ko.
“It won’t happen again. Naka usap ko na rin si Lachlan about that. Nagka ayos na kami.”
“Pinalitan n’yo na ho ang fone n’ya?”
“No.”
Tinikom ko ang mga labi ko.
“Now. Your turn.”
I cleared my throat.
“I apologize…not for the things I said. No. I mean it, Your Highness.Every single thing na sinabi ko.”
“I know and I respect that.”
Tumango ako’t alanganing ngumiti.
“I’m just sorry for the way I said it. I forgot my place. Patawad ho, Sir.”
“Nonsense.”
Gumaan ang pakiramdam ko sa nakitang pagliliwanag ng mukha nito. He’s looking straight to my eyes intensely then it’ll go down to my lips and back to my eyes. Nag init ang magkabilang pisngi ko, ako ang unang bumawi ng tingin.
Is he thinking that kiss?
“So…we’re good?” Basag niya sa katahimikan.
“Of course, Prince Liam.”
“Perfect. What time ang start ng foundation day ng orphanage?”
“1 PM—” nanlalaki ang mga matang tumitig ako sa kanya. “How did you know, Sir?”
“Doon din ang punta ko. Panauhing pandangal ako.”
A small O formed in my lips.
“We still have time,” tinapik nito ang glass partition matapos sipatin ang Rolex.
“Sir?” Tanong ni Jaques matapos ibaba ni Kamahalan nang kaunti nag salamin.
“Stop here,” bumaling ito sa ‘kin. “Let’s have SEX.”
Holy s**t! Ngayon? Dito? Teka nga muna, hindi pa ako ready sa mga matured roles, Kamahalan.
“HO?! Ako? Prince Liam, mag hunos-dili muna kayo,” sapo ang dibdib na ngayon ay tila tambol sa bilis ng pagtahip niyon. Huwag nang isama ang tila kamatis kong mga pisngi.
“Alam ko hong pinatawad ko na kayo then na-mukbang n’yo ako pero it doesn’t mean na pakawala akong babae’t basta na papayag sa gust—”
“Ano bang nasa isip mo, Genessia?” He looked at me cluelessly.
“Sabi n‘yo SEX.”
“Si. Ayun oh,” sabay turo nito sa labas ng bintana. “s*x. Silog Express. I’m starving.”
Putsa naman. Sino bang naka isip ng kainan na iyan? Namatay na naman ako sa kahihiyan.
“Tara na ho’t mag-silog tayo,” nag peace sign ako sa prinsipe.
“After you. Oh, look. Lahat naka-69,” dagdag nito.
Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Gusto kong kainggitan ang pagiging literal at kawalan ng sense of humor ni Kamahalan but at the same timeI want to hug him too. He’s so adorable.