GEN'S POV
"YOW!"
My fingers automatically stopped from typing on my iPad's keyboard when I heard Donna's voice. Nag angat ako ng tingin at nakita itong umupo ng pa de-kwatro sa silyang nasa harapan ko.
"Uhm?" Maikling sagot ko at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
"It's 11:50 already. Anong uhm ka dyan?Lunch na tayo.You owe me tons of explanation."
"Oh,shocks. Sige wait lang patapos na 'ko dito. Are you starving? Or kaya pa naman?" Natatarantang inayos ko ang mga papeles sa harapan ko.
"Gutom? Keri pa. Pero kapeng-kape na ‘ko. I'm craving for that iced coffee of SB."
"Okay. Give me three minutes," I searched for my phone and purse. Ready to go to the newly opened Starbucks across the road with my caffeine-deprived BFF.
Kagabi pa ito nag aayang mag coffee shop kami mukhang may balak i-kwento dahil na rin siguro sa napaka imposibleng makapag usap kami nang maayos sa kwarto namin. Naroon kasi sila Maddie palagi.Napapansin ko rin na madalas tulala si Donna nitong mga nakaraang araw. Tila laging may malalim na iniisip.
Patayo na 'ko mula sa upuan ko ng biglang tumunog ang phone sa ibabaw ng table ko. Konektado iyon sa opisina ng prinsipe.
Nagkatinginan kami ng kaibigan. Umirap ako. I cleared my throat first before I picked up the receiver.
"Good afternoon, Your Royal Highness. What can I do for you?" I greeted him with the most business-like tone I can manage.
"It's lunch already, why are you still at your table?"
Kumunot ang noo ko sa narinig.
"We're about to have lunch, Your Highness. May kailangan ho ba kayo? I can go the–"
"We? Who's We?" Putol nito sa 'kin. May diin ang boses nito sa salitang 'we'.
Lalong nagsalubong ang kilay ko. Is he mad?
"Genessia?"
"Donna, Your Highness."
"Okay. Go and have your lunch. We'll have the briefing after, Genessia."
"Ahm...pwede akong sumaglit sa opisina niyo, Sir."
"No. Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom. Go. Now. That's an order."
I tucked my hair behind my ear and smile. Shuta. Kinilig na naman ako.
"Thank you, Kamahalan," wala sa loob na naisagot ko. Natutop ko ang bibig at napatingin kay Donna. She gave me a knowing look.
May hang over pa siguro ako ng nangyari noong isang araw matapos naming magsama ng halos buong isang araw sa ampunan. Hindi nga ba’t ialng beses ko rin siyang natawag na Kamahalan noon? It comes out naturally and he seemed to be please everytime I’m havinga slip if tongue just like now.
"Hmm. Better. Enjoy your lunch,” hindi nakaligtas sa pandinig ko ang saya sa tinig ng prinsipe bago ito nawala sa line.
Fudge kinilig ako. Parang noong nakaraang araw lang ang dami naming sweet moments tapos heto na naman, another one for the book.
"Genessia to earth! Yoho. Sana kaya today," pukaw ni Donna sa pag de-day dreaming ko. She waved her hands in front of me.
Namumula ang pisnging ngumiti ako.
"Okay. Let’s go.”
After grabbing my stuff, magka angkla kaming lumabas ng opisina. Bahagyang puno ang coffeeshop ng dumating kami palibhasa'y lunch break ng mga empleyado kaya madaming tao.
"Bakla here," sabay hila ko sa tulalang si Donna nang makakita ako ng isang table na bakante.Pinaupo ko kagad siya. "Ako na o-order.The usual?" marahang tango lang ang sagot niya sa kin.
Ilang minuto din akong pumila at nang bumalik na ko sa table namin ay dala ko ng ang dalawang baso ng iced barista coffee drink na parati naming ino-order at sinamahan ko iyon ng roasted chicken pesto sandwich.
"Here. Gusto mo ba ng pasta?" I asked her as I put down the tray on our table.
"No.Hati na lang tayo dito sa sandwich. Thanks,bakla.”
Tahimik nitong kinuha ang kape. I do the same. For a moment, we silently appreciate the coffee and have our fix.Pero ‘di ko na natiis ang pananahimik niya. Padabog kong inilapag ang baso ko sa mesa ngunit hindi man lang ito natinag.
What’s wrong with her?
"Okay. Enough of this silent mode s**t. Spill. Anong nakain mo? Kagabi ka pa ganyan sa quarters," taas-kilay na usisa ko. I folded my arms on my chest, impatiently waiting for her response.
There’s a pregnant silence between us. Donna keeps on fidgeting, toying her coffee. She let out a weary sigh after a scant second then looked at me. Tension and wariness were swirling in her big brown eyes.
"He's back…ginoo."
"WHAT?"
Medyo napalakas ‘ata ang pag kakatanong ko kay Donna dahil napansin kong ilang customers ang napatingin sa min.I smiled at them apologetically.Saka ko ulit hinarap ang kaibigan kong tulala pa din.
"Kelan pa? Did he send you letters again? Tell me anong sabi?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Ginoo or I dubbed 'him' as The Gentleman, masyadong Jurassic kasi pakinggan ang Ginoo, was the penpal of Donna way back in college. Yes, 21st century na pero nakipag-penpal pa ‘tong kaibigan ko sa isang Poncio Pilato na ‘di alam ang existence ng cellphone at internet. They've communicated through love letters and I have to admit, the guy's so sweet. He's like the amalgamation of Shakespeare and Balagtas.
"I received a book last week signed by my fave author pero walang note kung sino ang sender. I knew it was from him, siya lang naman ang mag papadala sa kin ng book ‘di ba? I want to return it, kasama ng lahat ng books at mga gifts na ipinadadala niya dati pa. But how? That man is a f*****g mystery. I'm starting to think he's not real. That he’s just a product of my imagination or worst he’s part of CIA.”
She sipped her coffee then stared blankly at me.
"Then last Saturday…again, I received a package containing a mega-expensive planner. This time it has a note saying that he's f*****g sorry for standing up on me years ago."
“Hold up! Mag me-meet kayo dapat? Bruha ka. Ba’t ‘di ko alam?”
She waved her hand flippantly in the air, hindi pansin ang inis ko.
“Saka ko an e-explain sa;yo. Nakaraan na ‘yon. Arabo yata nag hayup, inindiyan ako.”
I need to bite the insides of my cheeks para ‘di ako matawa sa kalokohan ng gaga.
“Okay. Next?”
"He wants to meet me, Gen. This time he said darating siya kahit anong mangyari,” patuloy nito’t malakas na inilapag ang baso sa lamesa. Mabuti na lang at kahoy ang center table kung hindi ay baka nagkalamat na iyon sa lakas ng pag lapag ni Donna sa iniinom.
I eyed her, worried was definitely painted on my face. Kung wala lang kaming pasok malaki ang chance na nasa isang bar na kami right now at nag papakalunod sa alak habang minumura niya si Ginoo o Gentleman.
"Ang kapal ng mukha niya! Gusto ko siyang bigwasan, bakla. Who the hell he thinks he is? He's playing God. f**k him. He'll just barge into my life again after all these years just like that, na parang walang nangyari? Ganon-ganon lang? Lakas maka gago!"
"Wait. Dahan-dahan, okay?" Pagkakalma ko sa nang gagalaiting kaibigan. I moved forward on my seat, "He sent you a planner? Don't tell me na its Lucrin. The one you're dying to have.”
Kagat ang pang-ibabang labing tumango ito.
“Damn it. Sabi ko na eh,” I let out a long breath. I’m half simping for him, the other half perplexed. That effin' Gentleman is loaded!
"I want to say that I'm jealous. Ang mahal no’n, bakla ka! Pero kahit dati pa naman alam na nating may pera ‘yang secret admirer mo." komento ko’t inabot ang sandwich. Tahimik akong kumain saka muling hinarap ang tahimik ap ring si Donna.
"I know you’re furious with him so heed my advice okay? Makipag kita ka.”
Tumalim ang mga mata nito sa akin.
“Gen, galit nga ako tapos kikitain ko pa?”
I gave my no-nonsense smile as a default response.
"Bakit? Kapag ba andito ka’t nagmumukmok makukuha mo ang sagot mo sa isang katerbang ‘bakit’? Puntahan mo. Talakan mo. Bayagan mo. Mag- demand ka ng explanation, you deserve that and I know naman na gusto niyang ibigay sayo ‘yun. Kung hindi, bakit kahit ilang years na ang nakakaraan di pa din siya nag mo-move on, ‘di ba? Heto siya trying to reach out to you again,so it means he has a valid reason before and maybe he wants to come clean to you.”
Nagsalubong ang kilay nito pero nanatiling tahimik. I continue, reached for her hand and squeeze it softly.
"There's always two sides of the coin, Dons. Give him a chance and yourself as well. I know deep in your heart, you're dying to see the man behind those splendid poems. Even us. So for all that's holy, please lang…kitain mo na. The curiosity kills me, my God! Napaka arte ng lovelife mo, almost seven years in the making.”
Marahan itong umiling at ngumiti. Pinisil pabalik ang kamay ko pero banaag ko pa rin ang pag-aalinlangan sa mga mata niya.
"Mas nakakamatay ang regrets at ang walang katapusang pag iisip ng sagot sa what ifs. Take this chance and regret none. You’re one of the lucky ones to be given the one thing na pinagdamot sa iba. Chance,” payo ko.
She looked at me, absorbing all the things that I've told her. Matagal itong nakatitig lang sa mga kamay at sa kisame. The weight if my words were finally sinking in, making her see my reasons. Then she let out a long sigh. A sign that I won, she'll heed my advice. I smiled triumphantly.
"Fine. I'll meet him," sabi nito’t itinaas pa ang mga kamay. As if she's been defeated, then I got that signature eye roll from her. ‘Di ko pinansin ang pagiging b***h n'ya today, pumalakpak lang ako nang mahina.
I reached for my coffee and winked at her. In my mind, I patted myself.
Galing mo,Gen!
"Ikaw naman. Kumusta ang honeymoon ninyo?"
Muntik kong maibuga ang iniinom ko sa kanya. Okay, tables have turned now!
"Gaga anong honeymoon? Work ‘yun no!" Pag-tataray ko nang makabawi, pilit kong itinatago ang pamumula ng magkabilang pisngi.
"STFU!You're blushing. What happened?" Irap na sagot nito sa kin.
"Ehh…”
"Hoy,Gen! ‘Wag kang pabebe diyan ha? Wala ‘ko sa mood. Bilis kwento mo na or gusto mong ako ang mag tanong sa kanya," puno ng pag babantang sabi nito sa kin.
"Don’t you dare! Fine. Het na," ako naman ang nagtaas kamay. I nibble my lower lip, hinahami ang sarili.
“Yes? Any moment. Please.”
"I'll skip the minor deets. Well…he uhm..we kissed," mahinang pagtatapat ko sabay baon ng mukha sa mga palad.
Geez. I could still remember how soft and warm his lips were against my own. Ilang araw na ang nakakalipas pero sariwa pa rin sa akin ang lahat. Aaminin ko, I missed it. The kiss, his warmth, and the inexplicable happiness I feel whenever I’m with him.
Nanlaki ang mga mata nito sabay bato sa ‘kin ng tissue na kanina pa niya hawak.
"Lucky b***h!" She hissed.
Irap lang ang isinagot ko kay Donna.
"So what's the score between the two of you?"
Saglit akong natigilan. Ano nga ba?
"Nothing," nahihiyang pag amin ko at yumuko. Ayaw kong salubungin ang mga tingin ni Donna.
"WHAT?" Malakas na sabi nito na agad kong sinaway. Nahihiyang napatingin kaming pareho sa katabing lamesa, when she speaks again mas mahina na.
"Nakaka dalawa na yan tapos wala pa rin? Hoy Gen, ‘yang bibig mo 'di pang free taste. Ano pumayag ka nang ganon-ganon na lang? Walang explanation at all.”
I rolled my eyes at her.
“I already told you. I was flabbergasted back then. Gusto ko siyang kausapin, i-confront pero paano? God knows, how much I wanted to ask him kung naalala niya ba ng pagtatagpo namin sa Cebu pero naunahan ako ng takot,” malungkot na ani ko, laglag ang magkabilang balikat. “Kiss lang naman ‘yon, bakla. Anong big deal ‘di ba? Hindi naman niya nakuha nag virginity ko.”
“Okay. Sige tanggpin natin iyong first na reason mo. Eh, bakit may sumunid pa? Aber? Ba’t nagpalaplap ka na namang shuta ka?”
Napangiwi ako sa magaspang na lenggwaheng ginamit nito. When infuriated Donna can be the most brutal and crass woman on the planet.
“I-I don’t know. It happened. One moment w-we’re sipping tea…next thing I knew I was on his arms. Then boom! Minukbang na ako,” umiiling na paliwanag ko. Kung pwede lang magtago sa loob ng kinauupuan ko, ginawa ko na.
“So you’ll just let him have his ways to you? Kasi kiss lang naman at buo pa ‘yang hymen mo, so what’s the big fuss right? Kasi normal lang sa mag amo ngayon na mag tongue to tongue whenever they’re bored. You know…stress reliever.”
“f**k you!” Galit na ibinato ko rito ang unang bagay na nahagip ng kamay, the tissue holder.
Lalo akong nainis ng walang kahirap-hirap na nasalo iyon ng gaga. She grinned like a Cheshire cat while my nose is flaring.
“Ba’t affected ka? Ayun ang assumption ko base sa mga kwento at facts na nilalatag mo.”
“The way you said it para akong imoral,” irap ko rito.
“Then don’t be.”
“I am not,” inis na naipadyak ko ang mga paa. “Y-you think ganoon ang tingin niya sa akin?”
Donna raised her left brow at me, “Tingin? In what way?”
“L-like I’m cheap. Na parang isang kindat lang niya sa akin bibigay na ako agad.”
Sa gulat ko bumunghalit ng tawa ang gaga kong best friend.
“Seryoso ako, Donnabelle. Ano ba?!”
“Kukutusan kita sa gums makita mo,” pinahid nito ang magkabilang gilid ng mga mata saka ‘ko seryosong tinitigan. “He doesn’t need to wink at you or any body in particular. Given who he is…bumbunan pa lang niya ang nakikita ng mga angkan natin, nakahubad na tayong lahat. Willing victim to his proclivities, if there is any.”
I pout. As always, lagi siyang may palusot.
“Don’t feel bad, Gen. Ang pinupunto ko lang here is that, I don’t want you to hurt yourself in the process. Once and for all, lagyan mo ng klarong label kung ano ba talaga ‘yang nangyayari sa inyo. He can’t kiss or hug you whenever he pleases to then leave you hanging the next day. Tao ka’t hindi pamg free taste ‘yang bibig mo.”
Inis na nasabunutan ko ang buhok.
“I’m scared. Honestly, paano kung sa pag uusap namin bigla niya akong supalpalin. Besides, babae ako. Hindi ba’t dapat lang na siya ang lumapit at magtanong sa akin?”
Donna looked at me as if I grow two heads.
“Who are you and what have you done to my pabebe but palaban best friend?”
“I’m freaking serious, genius.”
Naiiling na sumandal ito sa kinuupuan. She sipped her coffe before giving me her undivided attention.
"First, ‘yung sa sinasabi mong dapat sa kanya manggaling ang initiative, I’m not agree with that. It’s bullshit ! Por que babae tayo dapat mag antay tayo kung kailan balak ng mga lalakeng magtapat sa atin? Gen, wake up. It's 2022 not 1800s. Women have been liberated and we can wear pants just like those idiot creature called men," nakangising sabi nito’t panay ang kumpas ng mga kamay sa ere. She lean forward, as if preparing for battle.
"Second, base sa nakalap ko sa mga walls ng palace, clueless sa panliligaw iyang Kamahalan mo.”
“He’s not my Kamahalan.”
Umingos ito sabay labas ng dila sa akin.
“Whatever. My point is, aamagin ka girl. Ano? Momol momol na lang ba lagi, Gen?”
“Ouch!” Sapo ang dibdib na singit ko.
“Exactly. Chase him. Ask him…Stake your claim. Sa Tagalog, lagyan mo ng label. Love's a b***h and our world is cruel. You're not some hoe na pwede niyang kaladkarin at landiin when it deem fit to him," dugtong pa nito bago humigop ng kape sa basong hawak. “Value is what separates a true woman to the rest. Don’t be blindsided by your attraction to him, Gen. If you don’t show him how and on what way you want to be handled or treated, sa kangkungan natin pupulutin ang puso mo.”
Nainom ko rin ang kape ko nang wala sa oras.Nahulog ako sa malalim na pag-iisip, pilit na dina-digest ang mga sinabi ng kaharap. Masakit sa pandinig at sa dibdib ang mga salitang binitawan ng kaibigan ko pero aminin ko man o hindi, tama siya.
I’m no hoe or Prince Liam’s gril Friday. Accepting all his advances will only make me cheap, hindi lang sa paningin niya kung hindi sa mga mata ko mismo. I can have that. Self preservation is the ultimate armor a woman must possess in this world. How can everybody love and respect me kung ako mismo sa sarili ko pinagkakait ko ‘yon, ‘di ba?
Kasabay ng muli kong paghigop ng kape ay ang pag-usbong ng lakas ng loob ko. I need to swallow my pride and take that risk. Cinderella's happily ever after wasn't handed on her lap in a silver platter, she disobeyed her evil stepmother. Lost her glass slipper but something worthy came afterward. I need to cling to that.
No great thing was achieved without a little sacrifice and risk, right?
Napa buntong-hininga ko.
"Step out of the limbo, bakla. The best place is always out of your comfort zone. Don't let him be or whatever the two you have…your greatest what if. If he can't see you as a keeper, then it's his loss. For you? It's a lesson. A very nice chapter of your boring life. Ayaw mo n’on? Meron tayong pagtatawanan ‘pag tanda natin habang umiinom ng wine," puno ng kahulugang sabi nito’t ngumiti ng matamis.
Marahan akong natawa sa huling sinabi niya. Papalitan ko na ang pangalan ng baliw na ‘to, gawin ko na kayang Dr. Love?
"Cheers to our f*****g lovelife, bakla,” nakangising itinaas nito mug na tila ba alak ang laman niyon.
I smiled, lifted my mug, and clinked it with hers.
"Cheers! To chasing men, confessing feelings, and finding that mailap na f*****g forever."