GEN’S POV
"LET’S wait for Jaques and V, love."
I pout and Prince Liam let out a sigh. Lumalim ang kunot ng noo nito habang pinipigilan ko ang mapangiti.
It’s the most difficult task for me right now. Ang ihirap i-bote at pigilin ng kilig kung nag-uumapaw ang puso mo sa saya.
Dalawang oras na rin ang nakakalipas simula nang maging official kaming dalawa. After that makabagbag damdaming pagtatapat, we end up in a secret royal gazebo that the late heir apparent erected for Liam’s mother.
Walang pagsidlan ang saya ko nang makita ang napaka gandang gazebo kanina. But my happiness was leaning on the fact that Liam brought me actually planned to brought me there after our interview. Sinabi niyang plinano na niya nag lahat, na-unsiyame lang dahil sa kagagahan ko’t wala sa lugar an pagse-selos.
Wala sa loob na napa ingos ako sa tinatakbo ng utak. Ibinalik ko ang atensiyon sa prinsipeng tahimik pa rin.
"Pero malayo pa sila. V told me naipit sila sa traffic. I'm famished, Kamahalan," pakiusap ko sa kanya at nilamlaman pa ang mga mata. I even put my hands together as if praying, para mas mukhang nagmamakaawa ako.
"Damn! You had me at the palm of your hands," naiiling na sabi nito saka pinaandar ang makina ng sasakyan.
Napangiti ako dahil sa wakas pumayag na rin itong dumaan kami sa McDonald's. Nagugutom na ako't ang dalawang butihing bodyguards niya'y malayo pa. Hindi na kayang antayin ng mga whale sa tiyan ko ang padating ng dalawa. Food is life and I'm ready to pull any tricks on this hottie royal beside me, mapa-oo ko lang siya.
"Yey! Thanks Liam," masayang sabi ko't hinalikan siya sa cheek.
He was flabberghasted. Ilang beses itong kumurap saka sumilay ang matamis na ngiti sa labi habang sapo ang kanang pisngi. He’s so cute right now, naiihi na ako sa kilig.
Nagiinit ang magkabilang pisngi na nag wave ako sa harapan niya.
“Yohoo! Your Royal Highness to earth. Okay, lang ho ba kayo?”
"McDonald's lang pala ang sagot sa matagal ko ng gustong marinig. Kung alam ko lang," he effortlessly captured my hand and bring it to his mouth.
“What will you do then?” I asked swooning. Naging gelatin na akong tuluyan nang halikan ni Liam ang kamay ko habang nagsisimulang magmaneho.
"I'll franchise a freaking store for you, love. Ora mismo.”
“Puro ka naman biro.”
“Ako? Kailan ako nagbiro?”
Inirapan ko siya’t hinila ang kamay.
“Now. Eyes on the road, Sir.”
“Aye.Aye, maam. Bossy.”
"Bakit iniwan ka nila Jaques na mag-isa? Di ba SOP na dapat kasama mo sila palagi?" I asked him casually matapos ang ilang minutong katahimikan.
"I want us to have privacy. They can fly any minute they want if it's an emergency. Don't ever believe na na-traffic sila ‘cause that two are just hiding."
Bigla akong napapihit paharap sa kanya.
"Nasa malapit lang sila mula pa kanina?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko.
Tumango ito. Natampal ko ang noo. Bigla akong nahiya. Shocks. It means nakita nila Jaques ang paglalandian namin ng big boss nila.
“Oh my G!” I sank on my seat, willing it to swallow me. Anong mukhang ihaharap ko sa dalawa?
“Hey. Come here,” itinabi nito ang sasakyan sa gilid at hinila ako palapit sa katawan niya. He hugged me gently, instantly my body’d melting with him kahit pa may nakapagitan na console sa katawan namin.
“What’s the problem, Genessia?”
“Nahihiya ako kina Jaques.”
Pumalatak ito’t bahagya akong inilayo para titigan nang matiim.
"Wala kang dapat ikahiya sa kanila. They are my most trusted men. They know what I meant when I said privacy. Relax. This is our first date at ayokong aligaga ka ng ganyan,” kinuha niya ang kaliwang kamay ko't masuyong hinalikan iyon.
My heart melts and I turned into a real-life tomato because of his sweetness. I'm a sucker for sweet gestures and the little things na madalas na o-overlook ng magkasintahan.
"You're even prettier when you blush, love.”
“L-liam naman…” pinalo ko ang kamay nitong nakapisil sa pisngi ko. It’s his odd habit na kanina ko lang nadiskubre. I’m not complaining sadyang ‘di ko lang alam paano pakalmahin ang sarili ngayon.
Tuluyan na kasi akong nag-evolve sa isang giant kamatis. Hidni yata ako masasanay sa endearment ni Kamahalan sa akin.
“We’re good?”
Tumango ako’t matapos nitong masigurong kumportable na ako sa kinauupuan, muli niyang pinaandar ang Hummer. Ilang minuto pa'y nasa parking lot na kami ng fast food. Nang maiparada na ang kotse, dumukwang ang katabi ko sa likuran.
Curious, inalis ko ang seatbelt at sumilip.
"What's that?" Takang tanong ko sabay turo sa brown bag na ngayon ay hinahalughog nito.
"Props," nakangising sagot naman nito at kumindat pa.
"Why?Para saan?" Usisa ko’t kunwari’y hindi apektado sa kalandian niya.
"For our first date. I have plans on bringing you somewhere that's why I told Jaques to prepare this for me. Come in handy, isn't it?"
May point naman siya. Nasa akto ako nang pagkuha ng cellphone nang makitang dahan-dahang hinuhubad nito ang butones ng polo.
"LIAM! Ano yan? Wait, b-ba't ka nag hububad? L-lalabas ako," tarantang tinakpan ko ang mga mata. Shuta naman. Hindi pa ako ready sa pang malakasang R-18 role. At dito pa talaga sa parking lot?
"Are you sure you want to go out? Pwede mo ‘kong panoorin. I don't mind. I’ll make sure to give you one hell of a show, Genessia.”
I nibbled my lips, clenched my legs ‘cause of the dark promise his tone and words brought. Ewan, pero biglang lumabas ang inner hoe ko sa sitwasyon, I slowly pry my fingers eager to take a peak. Silip lang. I want to check kung complete pa akong six-packs ni Kamahalan.
“Huli ka!”
"Liam!"
Imbes na abs, pagkalapit-lapit na mukha niya ang nakita ko. Napatalon ako sa gulat, sabay hampas sa braso nito. Ngumisi lang ang mokong kaya lalo akong napikon.
“Ba’t kailangan mo pang manilip? I’m yours. Just say the word.”
“Tse!” Pinanlakihan ko siya ng mata at mabilis na binuksan ang pinto.
Nilamon ng pagsasara ko ng passenger door ang malakas na halakhak ng pilyong prinsipe. Napasandal ako sa kotse sabay hawak sa tapat ng dibdib ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kapilyuhan ni Prince Liam.
"I'm good. Come on," pukaw ng naka-black hoodie na prinsipe sa tabi ko matapos ang ilang saglit.
Luminga-linga ako sa paligid, surveying the parking lot. Nagpasalamat na nasa madilim kaming parte nito at walang tao sa paligid.
"Your face. We have to cover it."
"Sayang naman ang kakisigan ko kung itatago ko lang."
"Cover it or maiiwan ka sa car?" Nakapameywang kong pagbabanta sa kanya at nagkunwaring naiinis. Pero ang totoo kinikilig ako at sobrang masaya dahil sa mga kalokohan nito.
Gone is the stiff and serious price, I am now facing Kamahalan version 3.4500.
"Okay, okay. Sabi ko nga po magsusuot ng mask," sagot nito at bigla kong hinalikan sa lips bago isinuot ang mask, "Tara."
Magkahawak kamay kaming lumakad papunta sa loob ng fast food restaurant. Naipagpasalamat ko na lagpas alas-otso na ng gabi kaya di na ganoong matao sa loob. I quickly fired a text to Jaques sending our location, kahit kasi sinabi na ni Prince Liam na nasa tabi-tabi lang ang dalawa ayokong pakasigurado. His safety is always our top priority.
Nang makapasok sa loob ay pumila kami saglit. Nasa likod ko lang siya at nag te-text habang ang kaliwang kamay ay naka akbay sa 'kin. From a strangers point of view, we looked like an ordinary couple having a late night dinner date at McDonald's. Walang kaide-ideya ang mga tao na Crown Prince ang kasama ko ngayon.
"What do you want?" Bulong ko sa kanya nang makitang malapit ng matapos ang customer sa harapan namin.
"You.”
"Food, Liam."
"Oh, sorry. My bad. Burger? Ikaw na bahala. Kakainin ko basta pinili mo," sagot nito at pinisil ang pisngi ko.
I groaned.
"Okay. You can sit there," turo ko sa isang bakanteng lamesa sa ‘di kalayuan, "I'll order for us."
Imbes na lumakad, kinapkapan nito ang sarili. His eyes bulge when he reached the back pocket of his trousers.
“Shit.”
“Why?”
Atubili itong sumagot. He leaned forward as if isang malaking sekreto ang sasabihin niya sa akin at ayaw niyang iparinig sa aleng nasa unahan o sa staff na naghihintay sa akin.
"Can we pay later? V's got my money."
Maluwag akong napangiti. Bigla itong na-tense at labis na nataranta nang sumigaw ng next ang kahera.
"Nope. But we can wash the dishes or bust the tables," biro ko dito.
"What?Let's wait for V. ‘Di ako papayag na alilain ka nila."
Kinilig ako bigla sa sinabi nito at medyo na guilty ako sa pagbibiro ko. Literal na tao nga pala 'tong ka date ko. Di alam ang salitang joke.
"Just kidding. I got you," I smiled at him while showing my wallet.
"No, let's wait for them. I'm the man and I'm paying, Genessia," tutol nito at umiling pa.
"No,Liam. I can pay for our food and I'm starving for God's sake!" Madiin kong sabi sa kanya.
"Mierda! Okay, you win."
Napangiti ako nang makita kong lumakad na ito palayo. Bakit ba big deal sa kanya kung ako ang magbayad ng pagkain namin? Di porke't lalake siya, dapat siya na lahat. I have to tell him later that its a give and take relationship, I can pay for our dates kagaya ng kung paano niya din kayang magbayad. Well, wag lang sa five star and Michelin star restos dahil mamumulubi talaga ko.
Nang ma-order ko na ang pagkain nami'y bumalik ako sa table kung saan siya nag aantay. Pina-take out ko na ang mga iyon dahil mas safe na sa car na lang kami kumain, mahirap ng dumugin ng mga tao itong kasama ko.
"Hey!" Tawag ko sa kanya sabay pisil sa kamay nitong nasa ibabaw ng lamesa.
"Hmm..."
"You're mad?"
"No, I feel bad."
My brow furrowed because of what he said, "Why?"
"’Cause of the nonexistent of my wallet," he answered as he ran his thumb to my knuckles. I gave him my sweetest smile.
"Please don't feel bad, you'll be paying next. Palitan tayo, okay?"
Natigilan ito at mataman akong tinitigan bago tumango nang marahan.
"You always have your ways, mi amore," his voice was full of tenderness when he said that.
Bago ko pa siya masagot, narinig ko ng tinawag ang pangalan ko sa counter kaya't magkasabay kaming tumayo. Siya na ang nagpresentang magdala noon at magka-akbay naming tinungo ang Hummer. Nagulat pa ko ng makitang naka-park sa tabi no'n ang isang black SUV at sa labas ay nakatayo ang dalawang royal guards less the suits.
"Good evening, Your Royal Highness," mahinang bati ng mga ito pero sapat para marinig ni Prince Liam. At tumango sa gawi ko.
"You're late," sita ni Kamahalan sa dalawa habang binubuksan ang pinto ng passenger seat. He motioned me to go inside which I did. He closed the door and walked towrads his two lackeys.
I saw him talked to Jaques probably to give some others. Lumakad na ito pabalik sa Hummer ng matapos ang maiksing pag-uusap.
"Here," and he handed me the brown bag upon opening the door. It contains our food. I hurriedly grabbed it and rummaged through for my fries.
I saw on my peripheral that he quickly removed the mask once he's seated on the driver's side. I know kanina pa siya naiirita doon 'di lang niya matanggal dahil nasa public kami.
"Let's eat," masayang sabi ko at sinubuan siya ng ilang pirasaong fries.
Nagulat man sa ginawa ko'y walang imik niyang kinain iyon habang ang mga mata'y di humihiwalay sa mukha ko. I want to ask if mukha na ba kong alien sa paningin niya but I smiled instead.
"Alam ko na ngayon bakit di ka mahilig sa mga fast food," biglang sabi ko habang kinukuha ang soft drinks.
"Why?"
"Walang magsusubo sa 'yong kasing pretty ko," malokong sabi ko sa kanya at kumindat, "Kidding."
Natawa ito ng malakas bago ako niyakap at hinalikan sa noo. Para na naman tuloy akong gelatin sa lambot at sa sobrang kilig.
"We should always eat fast food, Love. Your antics are at its best when your eating those," sabay turo nito sa kinakain ko.
Ngumiti lang ako sa kanya at muli siyang sinubuan ng fries. Tahimik kaming kumain, siya burger and a little fries. Me, quarter pounder and nuggets. Oh, yes plus the fries. I was really famished. Di kasi ako nakakain ng maigi noong lunch kaya siguro parang di babae ang appetite ko when dinner comes.
After naming kumain or mostly ako lang, tumulak na din kami pabalik ng Manila.
"You can sleep. I'll wake you up when we're at the palace," nakangiting bilin nito at marahang pinisil ang pisngi ko. Napansin kong hilig niya gawin iyon at aaminin ko, gustong-gusto ko naman. Nakaka adik, sa totoo lang.
"I'm good. I'll play music na lang. Can I?" Hinging paalam ko bago kunin ang aux cable.
"Sure. Anything, Mi Amore."
I plugged the cable and went to my playlist in Spotify. Ilang minuto pa'y tahimik na itong nag da-drive habang ako'y pakanta-kanta sa tabi niya. Ilang beses ko itong nahuling nakatingin sa kin habang nakangiti at kapag magkakasalubong ang tingin namin ay kikindat ito o di kaya'y hahalikan ang kamay kong hawak-hawak niya.
We also talked about random things. I even asked him if hinanap niya ba 'ko right after our Cebu encounter, siyempre umasa akong 'oo' ang sagot niya. Mostly naman ng stories or novels na nabababsa ko ganon eh! But to my dismay, his answer was a big fat No!
Napasimangot tuloy ako bigla at hinatak ang kamay kong hawak niya.
"Hey! Why are you being like that?" Naguguluhang tanong nito sa 'kin.
"Wala. Don't mind me," I answered crossing my arms to my chest.
"You asked me and I answered truthfully. Do you want me to lie instead just so I could not disappoint you?"
Bigla kong natigilan sa sinabi niya. May point naman siya, but then di ko maalis sa sarili kong di mainis sa sagot niya.
"I told you, Love. I never act on impulse, it's not my nature. That's why after that incident I was confused, baffled. Because I had this urge to search for you. Gusto kong baliktarin ang Cebu para mahanap ka but my logical side told me that the statistical probability of us meeting twice is just 9-10% and might be lower in Manila since the land area here is bigger than Cebu," he explained to me like he was a great statistician, "And the population is around 12M with a density of 21,000 per square kilometer."
Nakanganga lang ako sa kanya habang nag sasalita siya. WTF! Ano daw? I loathed my Statistics professor during my college days and I swore to never date someone like him cause he's like a walking Pulse Asia. But spoiler, I'm stuck with a geeky- sexy Crown Prince na malayong kamag anak 'ata ni Sir Ronad Fisher. Iba mag-biro si Tadhana!
"Okay, sorry. I'm not used to explaining myself or the reason behind my actions. I'm sorry, Love."
Lumingon ito at hinawakan ang kamay ko't pinisil.
"I was planning to look for you dahil 'di mo na nilulubayan ang utak ko. Pero nagulat ako ng aksidente kong makita ang application mo sa HR. Yñaki said it's fate. So I guess, it was indeed fate."
I was shocked by his revelations but I was also relieved and happy at the same time.
"My application,did you...?" Biglang tanong ko sa kanya.
"No. It was all you. I didn't intervene," buong katapatang sabi nito at inihinto sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Humarap siya sa kin at niyakap ako ng mahigpit.
"If we have issues in the future, let's talk about it. Okay?" Malambing na sabi ni Prince Liam habang hinahaplos ang buhok ko.
"Okay," nakangiting saad ko at tumango ng marahan.
Inilayo niya ako ng bahagya sa kanya. He stared at me lovingly before he expressed the words that could rival the known poets.
"I might be the sun but you're not a nonsensical comet Genessia, you're very far from that. You, your thoughts, and your feelings are what I value most. Everything about you. You have now the greatest responsibility of holding everything in place for me. You are the gravity. My gravity, Mi Amore," and pulled me in a tight and loving hug, "Remember that, always."
This is indeed a perfect day and there's no better way to cap it off than a road trip with a handsome prince in my arms. Bonus, he's super sweet.