GEN'S POV
"Hoy! Babaeng haliparot, anong oras ka nakauwi kagabi?"
Pupungas-pungas akong napabangon sa higaan dahil sa boses ni Donna. Nakapameywang itong nakatayo sa paanan ng kama ko. Sinimangutan ko siya.
"You're so sweet, bakla. Love your way of saying 'Magandang Umaga'," sarkastikong bati ko.
Umirap ito, binato sa 'kin ang unan na sa kasamaang palad 'di ko nasalo't tumama sa mukha ko.
"Ouch! Ang sadista mo naman.Ang aga-aga."
"Answer me! What time ka umuwi last night ha? Napuyat ako kahihintay sa pasalubong mo. Sa'n kayo nagpunta?" Magkakasunod na tanong nito't umupo sa tabi ko. Hindi pa nakontento't kinalabit pa ko.
I scratch my chin.
"Around 10 or 11, I guess. Humihilik ka na, kaya 'di na kita ginising."
"Hey! That's a lie. Hindi ako humihilik."
"Yes. You are," ibinaon ko sa unan ang mukha para itago kay Donna ngiti. I was just messing around with her.
"Mametey? Mag away man kayo agad ni Kamahalan? Mahuli mo man siyang–"
"Shuta ka! Oo na. Ikaw na love ni Lord kasi kahit borlog ka, ang ganda mo pa rin. There, happy?" I blurted out. Bumangon ako't pinandilatan siya.
Ang gaga, ngumisi.
"Okay. Pero saan ka muna niya dinala? Sa langit ba?"
It's my time to smack her with my pillow. Tawa naman ito nang tawa.
"Aray. Ano bang mali sa tanong ko? Malay ko ba kung dinala ka niya doom sa famous na Heaven's restobar sa Antipolo or Cloud Nine."
"STFU!"
"K that. Magpa lechon ka bukas. Don't forget."
Kumunot ang noo ko.
"Jesus, Gen. You forgot."
Guiltily, I raised my fingers at nag-peace sign.
"About saan ba? Enlighten me."
Halos umabot sa bumbunan nito ang kilay bago ako sinagot.
"Zambales. Kwentong Dagat. Rings any bell?"
"Oh my G! Sorry, bakla." Mabilis kong niyakap ang kaibigan na panay ang irap.
"Iyan tayo eh. Kinakalutan mo na kami."
"Gaga. Busy lang ako.Nawala sa isip ko but I'm coming with you, okay?" Lalo kong isiniksik ang ulo sa pagitan ng balikat nito't kiniliti.
"Stop. Fine. Fine. Naiihi ako. Ano ba?"
Nakangising tinigilan ko ang kaibigan.
"Sorna."
"Laters I want the deets. For now, tara na't magkape. Male-late na tayo."
"Gusto ko pang matulog, bakla.Maaga pa," angal ko sa kanya, akmang babalik sa paghiga.
"Yeah, if maaga pa sa palagay mo ang 7:30."
Nanlaki ang mga mata kong tinakbo ang side table, dinampot ko ang phone.
"Labas na 'ko. Sunod ka," she smiled then sashayed away to the door of our room.
Di ko na siya nakuhang sagutin dahil may dalawa nang magkasunod na message ang pumasok sa personal phone ko. I opened it, my heart leaps at my throat when I saw who's the sender was.
Kamahalan: Morning. Text me when you’re up, amore.
Sleepyhead, get up. You’ll be late. Don’t make me wait. Please.
Parang baliw na nayakap ko ang phone, halos sumakit ang pisngi ko sa pagkakangiti. Ang aga namang maglambing nitong si Kamahalan. Naputol ang pag de-day dreaming ko nang tumunog iyon ulit.
Kamahalan: Are you ignoring me?
Me: Morning. Slr. Just woke up.
Kamahalan: How’s your sleep?
Me: Great. Yours?
Kamahalan: The best. Dreamt of you. Get ready, pancakes waiting for you here.
Halos tumulo ang laway ko nang makita ang ipinadalang larawan ng nobyo. Mabilis akong nagtipa ng sagot.
Me: Thanks, Kamahalan. See yah!
Handa na akong itabi ang phone nang matigilan sa reply ni Liam.
Kamahalan: L I am hurt. You’re much excited na
makita ang food kaysa sa akin. Can I be a pancake now?
Aliw na aliw at halos maging jello ang tuhod ko sa kilig habang nagta-type ng reply sa prinsipeng paniguradong nakabusangot ngayon. He’s so adorable.
Me: Hahaha! You’re so gorgeous para maging pancake.
I’ll be running late na. The only running I want is in your head.
Kamahalan: Sweet. Finish na. Buo na ang araw ko. Bilisan mo.
“Bossy.”
Nagmamadali at pakanta-kanta pa akong pumunta sa banyo para maligo't mag ayos. I'm so excited to see Prince Liam. Now I know how to answer the question 'Para kanino ka bumabangon?'
Mabilis akong nagbihis ng uniporme. I also made sure to spend some time doing my makeup. After twirling several times in front of the full body mirror, I grabbed my Miss Dior perfume. Spritz some, then I'm on my to see Kamahalan.
Magaan ang bawat hakbang na binaybay ko ang daan patungo sa opisina ng crown prince.
"Good morning, Jaques," nahihiyang bati ko nang makasalubong itong palabas ng opisina ni Liam.
Mabilis itong yumuko.
"Morning, My lady."
"Hey! 'Wag mo kong pag tripan ha?" Saway ko sabay hampas sa matipunong braso nito.
"No, its His Highness' order. Baka mapugutan ako ng ulo nang wala sa oras, Gen," nakangiting sagot nito pero bakas ang kaseryusohan sa boses.
"Please kapag ka tayo-tayo lang ha?" Pagsuko ko, pointless din since si Prince Liam ang nagbigay ng utos susundin at susundin ito nina Jaques. It's over the top, I need to talk to him about this.
"Sure. Pumasok ka na. Kanina ka pa n'ya hinihintay."
Tumango ako't dumiretso sa opisina ng nobyo. Tama nga ang sinabi ni Jaques, kanina pa nag hihintay si Kamahalan. Mukhang naiinip na ito't panay ang tingin sa wrist watch habang kunot ang noo. Hindi nito napansin ang marahang pagsilip ko sa pinto.
I cleared my throat and he sauntered towards me, arms stretched. Nakangiting pumaloob ako sa bisig nito. We're still new as a couple but I'm starting to be clingy to him. Loving the warmth of his masculine body.
"Morning," maikling bati ko nang bitawan ako nito.
"Morning, Amore," he replied and gave me a peck on my lips, "You're beautiful. Always."
My cheeks burned both for the kiss and the compliment. 'Di ko alam kung paano sasalubungin ang mga mata niya. Nahihiyang ngiti lang ang naging sagot ko.
Damn! What a way to start my day.
Iginiya ako nito sa reading area ng opisina kung saan nakahain ang nakakatakam na waffles, bacon at blueberry pancakes. Bigla akong natakam sa nakita, wala sa loob na napahawak ako sa bewang.
"Let's eat. I'm starving," he said when we were seated and then placed the plate that's loaded with pancakes and waffles in front of me. May bacon at sausage din at mainit na kape. It’s not a breakfast but a feast.
Tumaas ang kilay ko sa nakita.
"Akala ko gutom ka. Bakit lahat yata ng food nasa 'kin?"
He leaned forward, grabbed my right hand then place the fork. He jerked his chin towards the plate.
"You're borderline malnourished, love. Its my duty to feed you. Now, stop complaining and eat."
I scoffed. Ako? Malnourished? Malabo na talaga mata nitong mokong na 'to. Hindi ko na nga alam kung paano pagkakasyahan ang pantalon ko.
"Kamahalan..."
"Eat now, Genessia. We have so many things on our sched today," seryosong sabi nito habang kinukuha ang kapeng nasa mesa't dinampot ang diyaryo sa tabi noon. There's something so cozy and warm seeing him with a cup of hot coffee on the right and newspaper on the other. It's domesticated and I'm starting to love this routine of ours.
Wala 'kong nagawa kundi ang sumunod sa utos niya. A reject to an offer is an insult besides, the food in the palace is to die for, it’s a fact. Mabilis akong tumusok ng blueberry pancake at dinala iyon sa bibig. I hummed my approval after the first bite, instantly closing my eyes.
"I found my fave hobby."
Agaran akong napadilat. His scorching gaze made me gasp for air the moment I opened my eyes. Hawak pa rin nito ang tasa ng kape't halos 'di kumukurap. Nanginginig na inilapag ko ang tinidor sa plato.
"W-what is that, K-kamalahan?" I tucked the wayward tendril behind my left ear and looked at him through my eyelashes.
Crossing his right legs over the left, he shrugged.
"Watching you eat. It's an art," inilapag nito ang tasa sa mesa. "Hot."
Nasamid ako.
Shuta.
"Hey. Are you okay? Here. Drink."
Mabilis akong uminom ng tubig na iniabot ng prinsipe.
"Hindi ba okay ang food? I'll tell Jaques to call the kit–"
"No. It's definitely perfect, Your Highness."
"Now we're back to that,” malamig ang boses na saad nito.
Napamaang ako sa kaharap pero bago ko pa maunawaan ang ibig niyang sabihin, nahila na nito ang batok ko’t bigla akong siniil nang mariin na halik. It’s passionate yet borderline punishing.
Napakapit ako sa mga braso nito lalo pa nang dumiin ang palad nito sa batok ko. I tilted to my right to give Liam the access and he never disappoints. He deepened the kiss, darted his tongue in my mouth. The next thing I knew, I’m moaning and a wanton, kissing back the crown prince. We totally forgot the breakfast, the coffee, or the reason why air is needed to survive.
“Liam,” I said through his mouth.
“Better,” he nibbled my lower lip, pressed his temple against mine.
Ibinukas ko ang kaliwang mata’t nakitang nakangiti ang nobyo. I smile, cupped his cheek with my right hand. Marahan kong hinaplos iyon. We stayed like that for a couple of few seconds bago marahan akong lumayo rito.
“What’s that for?” Lutang na tanong ko rito habang hawak ang labi.
He shrugged his shoulders. Kinuha nito muli ang tasa ng kape’t balewalang humigop.
“I’ll kiss you every time you’ll call me with that pretentious title.”
“Really?”
Huminto ang kamay nito sa ere’t sinalubong ang pilya kong mga tingin.
“Seryoso ako, Genessia.”
“Kahit sa harap ng maraming tao?”
“All the more.”
Natigilan ako sa sagot nito. Bigla akong umayos ng upo’t inilagay ang mga kamay sa kandungan. Lumalim ang gatla sa noo ni Liam sa inasal ko.
“Why? Is there a problem, Genessia?”
Alumpihit na nilaro ko ang laylayan ng unipormeng suot. Paano ko sasabihin sa kanya ang kabang bigla kong naramdaman? Ngayon pa lang, kinakabahan na ako sa reaksiyon ng mga tao lalo pa ng buong royal family.
“A-about us. I mean…Liam, I-I’m kinda scared.”
“Hey. Look at me,” he grabbed my chin and tilted it towards his direction. I was met by his intense dark pools. Concern was painted on his beautiful face. “This is about us. Ikaw at ako. Their opinion, ‘cause believe me palaging mayroon, doesn’t matter a bit. They can go s**t themselves, I will not be swayed.”
“How about t-the king? I mean…will they l-like me?” Puno ng insekyuridad na tanong ko.
Liam let out a sigh. Ilang segundo itong nahulog sa malalim na pag-iisp saka marahang umiling.
“I am my own person, Genessia. I can woo or date any one. My family especially my grandparents will respect that,”matigas nitong ani pero ‘di nakaligtas sa mga mata ko ang pagdaan ng pagkabahala sa mga mata niya.
Hinawakan ko ang kamay niya.
“So you won’t keep our relationship a secret?”
“What?! No!” Nagtagis ang mga bagang nito. “Kinakahiya mo ba ako?”
“What? Of course not. Liam that’s absurd. Kung may dapat mang ikahiya, ako iyon,” sinapo ko ang pisngi niya’t marahan hinaplos iyon. “Honestly, unti-unti nang nag ma-materialize ‘yung takot ko’t insecurity kaya ganito ako ngayon. But I will never, ever be ashamed of you. How could I be? Kung ¾ ng populasyon sa mundo, balak akong paslangin para palitan ako.”
“Stop saying that. Hindi magandang biro.”
“Fine. Sorry. It’s j-just that…I don’t know. Natatakot ako.”
He cupped my face and planted a kiss on my temple.
“Alam ko kung saan ka nanggagaling. Your fear is valid and I respect that. Forgive me. We didn’t get the chance to discuss this last night. But whatever your decision is, irerepesto ko. Tell me, love. What do you want me to do?”
“Let’s be low-key. For now.”
Nagpakawala ito nang malalim na hininga saka marahang binitawan ang mukha ko.
“Is that what you really want?”
Tumango ako.
“Okay then. But how about we meet halfway?”
“Halfway? How?”
Sumandal muli’t pinagsalikop ang mga daliri habang matamang nakatitig sa akin.
“Pagbibigyan kita pero once na dumating na ang hari’t reyna, we’ll come out. They will meet you and this freaking nation will know that I have a hot as f**k girlfriend.”
Sa sobrang saya ko, dinaluhong ko si Liam.
“Oh, Kamahalan. Gracias,” I throw my arms in his neck, pinugpog ko ng halik ang pisngi nito.
“You are most welcome, love,” hinila ako nito palapit at pinaupo sa kandungan niya.
Natigilan man ako pero saglit lang. Hinayaan ko ang prinsipe na yakapin ako. Inihilig ko ang ulo sa balikat nito habang marahan kong hinahaplos ang braso niya.
“Quit thinking about them.”
Lihim akong natawa. Liam might be odd but what I realized just now, is that this royal prince is very attuned to my thoughts and body.
“I am not.”
“Yes you are,” he buried his face on the crook of my neck and inhale my hair.
“How did you know?”
“Basta. Genessia, lagi mong tandaan. There’s no them in us. Tayo ‘to, Genessia. Simula ngayon, lagi mong isipin, kahit anong mangyari…tayo— ikaw at ako lang, pangako.”
Tango lang ang naisagot ko. Honestly, my mind and mouth is failing me now. Miserably. Lord, totoo bang katipunera ako noon? Namatay sa pakikipaglaban para sa kapayapaan ng bansa kaya ngayon, ako ang ipinaglalaban?
"You're going home tomorrow?" Biglang tanong nito.
Agad kong inilayo ang katawan sa kanya’t tumango.
"Plans?" He asked while rubbing my forearm, one arrogant brow was arched.
"I remember. We have plans, Donna and the gang. I just don't know the specific yet,”akma akong tatayo na mula sa lap nito pero lalong humigpit ang yakap ni Liam sa bewang ko.
"Who's this gang, Genessia? Please do tell.”
Why do I have this feeling that I'm being interrogated? He's giving me the 'lawyer s***h cop' vibe and it kinda irks me. But deep down, I kind of like it. I’m conflicted. Ignoring those, I excitedly replied to him.
“Chardii and Karlo. You have to meet them.”
My answer seemed to displease him. His face darkened.
"Karlo? The Karlo you mistook me for in Cebu? No," he said in a firm tone. May pagwasiwas pa ito ng kamay sa ere.
Natawa 'ko nang lihim sa hitsura nito. He keeps on saying that he’s not the jealous type but he’s showing otherwise.
"I explained it to you last night. He's one of my college best friends."
"I know. Still, no. I don't want to meet him," pagtatapos nito sa usapan at mukhang ‘di na mababali pa ang desisyon.
I shrugged. Kung ayaw niya, fine with me. Tuluyan na akong tumayo.
"Text me the specifics. V will drive you tomorrow."
I sighed and massaged my temple. Paano ko ba sasabihin sa kanyang kaya ko namang magbiyahe mag-isa?
"Kamahalan, I'll take the cab tomorrow. I'm no Royalty kaya ‘di ako sakop ng work ni V."
"Yes. You. Are. End of discussion," matigas na sabi nito bago tumayo at dinampian ng halik ang naka awang kong labi.
Napasimangot ako. How can we stay lowkey if he’ll order V to shadow me? It would only spark rumors around the palace, and I hate to be caught in the middle of it all. Nanghihinang naupo ako sa pwesto ko kanina’t nangalumbaba.
I need to think of ways to convince my very royal boyfriend who’s accustomed to getting whatever he freaking wants.