Chapter 33

2143 Words
GEN’S POV The cold morning caressed my face, sweat trickled the back of my nape. Both of my lungs were burning but I revel on it. After wiping off the sweat on my temple, I turned left. Ipinangpasalamat kong iilan lang pa lang ang tao sa maluwag na parke. It’s a fine Saturday morning, maya-maya lang alam kong darami na rin ang tulad kong nagbabawas ng carbs sa katawan. Last night, after kong maka uwi mula sa palasyo, isang katerbang pagkain ang inihain sa ‘kin ng mama ko. Dahil isa akong ulirang anak at may pagka pg, nilantakan kong lahat iyon. After kong maubos ang isang mangkok ng sinigang at isang plato ng kanin, nagsisi ako. Kaya heto, ‘di pa putok ang araw nasa labas na ako’t paikot-ikot, pawisan. Sinamantala ko rin, tuwing weekend lang ako may time na tumakbo dahil buong week days nasa loob ako ng palasyo. Hindi ko naiwasang maisip si Liam pagsagi ng palasyo sa utak ko. Kumusta na kaya iyon? Matapos kasi naming mag lunch, naging abala na ito sa inner palace. Dumating na kasi ang abuelo nito mula sa mahabang bakasyon. Hanggang maka uwi ako ng bahay namin, ‘di ko nakita o narinig ang boses nito. Though he texted me last night, saying he missed me. He also reprimanded me for escaping V. I told him for the nth time that I’m an independent woman who can take care of myself who misses her beau so much. Gising na kaya siya? Napangiti ako. Later, I’ll send him a text or if nasa mood ako a selfe. With that, I cointinue my morning run. Ilang saglit pa, hindi ko namalayang napalayo na pala ako sa gitna ng parke. Nagpalinga-linga ako sa paligid kong halos matakpan ng mayayabong at nagtataasang punong kahoy. Suddenly, goosebumps broke into my skin. I don't know but I suddenly remembered all the NCIS and Criminal Minds episodes I've binge watched. Hindi ba’t sa mga ganitong locations dinudukot ng mga stalker ang walang kamalay-malay nilang biktima? Shakingmy head, muli akong tumakbo. Marami lang siguro akong napanood na mga crime documents kagabi kaya nagkaka ganito ako. Subalit nang makarinig ako ng papalapit na yabag sa likuran ko, I know that my gut is right. Someone’s following me. Shit. Mas binilisan ko ang takbo ko, I need to go to the crowded part. Pero bago ko pa marating ang pinaka dulo ng daan, may malabakal na braso ang sumunggab sa 'kin. Panic hits me, my survival mode was switched on. Siniko ko ang sinumang herodes na nasa likuran ko’t mabilis kong hinawakan ang braso niya. I turn around, raise my right knee and made sure that it landed to the part where the sun doesn't shine, his groin. Nabitawan ako nito’t parang nauupos na kandilang namilipit sa harapan ko. Sapo ang unahan nito. Proud na sinipat ko ang lalake. “Serves you right. Sa presinto ka magpaliwanag,” ismid ko’t akmang kukunin ang cellphone sa loob ng suot fanny pack. “f**k. B-basag na yata ang kinabukasan ng Reino, Genessia.” “Oh my, God! Liam. I am sorry.” Lumuhod ako sa harapan ng nobyo’t aligagang hinawakan ang braso nito. “W-what have I done? I'm so sorry, Liam.” “D-damn. Narinig kong nag-crack,” nag angat ito ng mukha’t mas nabistahan ko ang pamumula niyon marahil dahil sa pagpipigil na murahin ako. Hindi ko ito nakilala. He’s wearing a black hoodie and red baseball cap was covering half of his face. "Kamahalan, sorry na," I apologized while giving him a back rub. Liam winced but still managed to put on a smile, "Who taught you to kick like that? ‘Di ko alam if matutuwa ako o ipapakulong ko. Balak kitang i-surprise. Pero ako ang nasurpresa mo. Mapuptol na yata ang royal blood line sa akin.” ‘Di ko alam if magi-guilty or matatawa sa pinagsasabi niya sa 'kin. Naibuhos ko kasi ang lahat ng lakas ko sa ginawa kong pagtuhod sa kanya. Napangiwi ako nang ma-realize kung gaano kasakit iyon para kay Liam. "Liam, naman! Tell me, what to do para ma-lessen ang pain," puno ng pag-aalalang sabi ko sabay sapo sa magkabila niyang pisngi. Our eyes met and though in a discomfort state, he still gave me his sweet smile. Ah, this odd man! He's still the epitome of gorgeousness even with just the casual clothes he's wearing right now and the painful groin he's nursing. Hustisya, labas. "Tsk! It'll pass, love. Just call V. Here," Liam assured me, then handed me his phone. I quickly took it but stopped when I noticed that it was still unlocked. Quickly, I gave it back. "It's close. Security cod–" "Just put it infront of your face,” agad nitong sagot habang marahang tumatayo. What? Will I dare to ask how? Wordlessly, I put the phone on my eye level, and voila, it opened. "Tell him to bring the car," wika nito. He’s oblivious of my stunned look. This is news to me. Geez. Shaking all my thoughts, I wrapped my arms around his waist and tugged him upward, giving him what extra strength I have. While I was busy with him, I also called V and told him to fetch us. ‘Di naman ito nagtanong basta isang mabilis na 'Ok' lang ang isinagot sa 'kin. “I hope you’re not mad at me,” muli, hinging paumanhin ko. Pinalamlam ko pa ang mga mata. "I was more pissed because of how they eyefucked you kaysa sa pag durog mo sa balls ko," umiiling na komento nito nang makatayo nang diretso’t masuyong hinaplos ang nag iinit kong pisngi. "Kamahalan!?" Arching his right brow, he gave me a once over that made my knees wobbled. Tumaas ang sulok ng labi nito habang ako’y alumpihit. Hindi ko alam paano tatakpan ang mabibilog kong hitang exposed sa suot na Nike tangerine shorts. Sa sobrang kaba, nahila ko pababa ang laylayan ng racerback top. Pumalatak ito kaya napilitan akong tingnan siya sa gilid ng mga mata ko. "It's true, Genessia. Next time you go for a run, I'll tell the Secret Service to man you. Palalagyan ko ng sniper buong park. One eyeball for each glance," walang ngiting saad nito na ikinataas ng balahib ko. But I think mas twisted ako. There’s a part of me that melts on the threat he just dropped. Call me creepy or psycho, pero kinilig ako nang malala sa balak na bloodbath nitong si Liam. "Geez! Ang brutal mo, Liam. Mag leggings na lang ako at t-shirt next time," nakangiting sabi ko sa kanya habang nakatingala. Pinanggigilan ko pa ang pisngi niya. This man's so complex, a weird combination of manners, chivalry, and crass. And I’m falling hard and fast for him. He puffed his cheeks while rolling his eyes. "Nah. I like you being like that. Sexy and ravishing. It’s not your fault so don't change. You can wear whatever you want, amore. I have an army to defend you from catcallers and leering male population.” Humigpit ang yakap ko sa bewang nito’t matamis akong ngumiti na labis na ikinatuwa ni Liam. He planted a kiss on my forehead and pulled me closer to him. He's one of a kind. I heard some of my friends complaining about their boyfriends being unreasonable na kahit ang mag suot ng shorts sa public place ay bawal. And here I am in the arms of the Crown Prince telling me to wear any effin' clothes I want with so much pride in his eyes. Why am I so lucky? "What have I done to deserve you, Liam?" “Don’t start me, Genessia. Kukulangin ang buhay natin kapag inisa-isa ko. But for starters, you pulled my hand and shoved me on a dark alleyway," he answered teasingly. "Aww. You and your alleyway fetish!" I grinned playfully. I tiptoed and surprised him by giving his full mouth a swift kiss. "Now, that's how you properly greet your boyfriend," nagulat ma'y nagawa niyang sabihin sabay yakap sa 'kin ng mahigpit. Ibinaon nito ang mukha sa leeg ko. "I'm so sorry again, Kamahalan.” Pumalatak ito. The chills I felt from the roots if my hair down to my toes have nothing to do with the cold wind that’s kissing my exposed legs but more of how hot he is and the sound he made. Gen, watch the freaking hormones. "It's ok, amore. At least now, I know you can really kick some ass. Feisty. Let's go, V's waiting," nakangiting sabi nito nang kumalas sa pagkakayakap sa 'kin. Itinuro ang kotseng nakaparada sa may kanto. Isa iyong black Range Rover at 'di ang usual na Lincoln Navigator. Bago ko pa siya mausisa tungkol sa sasakyan ay nagsalita na ito. "Low key. They know it's VIP kapag yung Navigator.” Sabagay alam sa buong bansa kung anong klase ang mga sasakyan na ginagamit ng mga Royals, kung 'di mag iiba ng kotse si Kamahalan, malamang madaming reporters na ang nakakalat sa park ngayon at nagpi-pyesta. Sobrang dami pa namang nag aabang na mga reporters lagi sa galaw nila Prince Liam at ng iba pang prinsipe. Bahagya kong pinadaanan ng tingin ang ayos nito. He’s wearing a casual gray jogger pants, black hoodie and red basball cap.Walang mag aakala na siya ang Crown Prince ng bansa ang naka akbay ngayon sa akin. He’s all ordinary and more. Trust this man to pull off any outfit, putting an extra on everything he does or wears. He’s the sexiest hunk jogger I’ve laid my eyes on. I smiled at my thought. Sinilip ko pa nang very slight ang likuran nito and my the sight made my head dizzy. Ang tambok. I secretly giggled. Pinigil ko ang kamay kong dakutin ang mga iyon at panggigilan. Ugh!me and my tainted mind. “Go on. As long as it’s my butt you want to squeeze in, I’m good. I’m yours for the taking, si?” “H-ha? Ano bang sinasabi mo?” Natawa ito nang mahina’t mabilis akong kinintalan ng halik sa mga labi. “Mi amore, you wear your emotions on your sleeves. Right now, basa ko kung anong tumatakbo sa utak mo.” Inirapan ko ito kahit ang totoo’y nanginginig ang buong kalamnan ko sa lagkit ng tingin nito sa akin at higpit nang yakap. “Ikaw ang nag-iisip ng ganoon not me. But yes, your ass is so damn sexy.” “Grrr. Gotcha. Tara na nga bago pa ako sermonan ni V.” Magka-akbay na tinawid namin ang kabilang kalsada kung saan naroon si V na agad bumaba ng kotse at ipinag bukas kami ng pintuan. Gaya ng Crown Prince, naka-casual outfit lang din ito with a black cap on his head. "Morning, Your Royal Highness. My lady.” "Hello V!" Nakangiting bati ko sa kanya at nauna ng pumasok sa back seat ng car. "Urbano," maikling sabi ni Prince Liam nang maupo na sa tabi ko. He put his arm on my shoulder and pulled me closer. Ngumiti pa ito bago inipit sa likod ng tainga ko ang ilang strand ng buhok na kumawala mula sa pagkakatali. I blink. "Wait. Don't tell me sa bahay tayo pupunta?" Puno ng pagtatakang tanong ko sa kanya. Nagsisimula na ‘kong kabahan sa tinatakbo ng utak ko at sa ngiti ni Kamahalan. "Yup," he answered popping the 'P'. Tuwang-tuwa pa ang mokong sa pagkataranta ko. "But why?" "Genessia, mag a-almusal. Isa pa, ‘di tayo pwedeng makita in public, remember? The press will have a field trip once they catch us together. Ayokong i-drag ka sa napaka gulong mundo namin at least ‘di pa sa ngayon,” hinawakan ang kamay ko, marahang pinisil iyon. "Gusto ko ring magpakilala nang maayos sa parents mo. You told me to court you, remember? This is me doing that part, love. The part where I want to earn you. At uumpisahan ko ‘yon sa pagpapakilala nang pormal sa mga magulang mo.” “Liam…” Dinala nito sa mga labi ang kanang kamay ko. He kissed it tenderly while our gaze were locked. “Ang isang marilag na binibining katulad mo, dapat lang na bisitahin sa bahay.” I melt under his scorching eyes and his words. “Umaakyat ka ng ligaw, mahal na prinsipe?” “Damn I am.” Natutop ko ang bibig saka umiling. “Liam, alas seis cuarenta y cinco ng umaga. Sinong matinong tao ang umaakyat nang ganito ka aga?” “I don’t know. But I want to be the first kung wala. Isa pa, sinong nagsabing matino ako?” Hinila ako nito’t kinagat ang pisngi ko. “Eh baliw na baliw ako sa’yo.” Fudge! Nahawa na sa kabulastugan ko ang crown prince. But deep down, iniisip ko kung anong magiging reaction ng parents ko kapag nakita si Prince Liam?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD