Chapter 34

2892 Words
GEN'S POV MABILIS akong bumaba ng sasakyan nang makarating sa tapat ng gate namin. Nadatnan ko si Ate Ading na nagdidilig ng halaman sa maliit naming garden. Nagtaka pa ito pagkakita sa ‘kin. "Gen ang aga mo yata," anito habang hawak ang hose. "A-ete may bisita kasi ako. Pakisabi kina Mama na maghanda ng almusal. Malinis naman ang bahay ‘di ba?" Natataranta kong wika. Nagtataka man sa inaasal ko'y tumango ito. "Sige na Ate, pakiayos na lang ng komedor. Salamat," ani ko’t tumalikod na para buksan ang gate ng garahe. Mabuti na lang at tatlong kotse ang kasya roon. Habang ipinapasok ni V ang range rover sa garahe, siya namang pagdating ng mga magulang ko . Humahangos ang mga itong huminto sa landing ng main door. Mukhang nagluluto pa si Mama ng breakfast dahil dala-dala pa nito ang towel habang may kipkip na diyaryo ang tatay ko. Nasa mga mata ng mga ito ang pagtataka, wala kasi akong sinabing may bisita kami nang ganoon ka-aga. Nang makababa si V mabilis itong bumati sa mga magulang ko bago pinagbukasan ng pinto si Kamahalan. Habang ako parang hihimatayin na sa sobrang kaba. "Relax, amore. They will like me, everybody does," nakangiting bulong nito sa 'kin. I rolled my eyes at his comment and a soft chuckle from him was what I heard after. "Let's go.” Nauna na ‘kong maglakad papunta sa tarangkahan namin kung saan nag-aantay ang parents kong may mala-laser light na tingin. Walang kakura-kurap ang mga itong nakatitig sa lalakeng nasa likuran ko. Lalong dinaga ang dibdib ko. But can’t blame the both of them, wala pa akong isinamang lalake sa bahay namin bukod kay Karlo. "May bisita ka anak," si Mama ang unang nakabawi. There’s an edge on her voice. Alanganin itong ngumiti sa 'kin at pasimpleng siniko si Papa na kunot ang noo at mukhang naestatwa na sa tabi nito. I cleared my throat, shifted my weight. "Magandang umaga po, Mr. and Mrs. Rodriguez," singit ni Liam."Ipagpaumanhin n'yo kung masyadong maaga ang pagdalaw ko.Narito po ako para pormal na magpakilala sa inyo." What the real F? Marahan akong lumingon and I saw him pull down the hood of his jacket and took off his hat, whilst holding a bouquet of flowers on his left hand. Bago ko pa maproseso sa isip ko kung saan niya nakuha ang bulaklak na hawak ay nagsalita na ulit ito. "Ma'am. Sir, I'm Edward Liam Allesio of House Vega–Escarrer, Genessia's boyfriend." Marahas akong napahugot ng hininga dahil sa sinabi niya at hindi ko alam kung saan ako mas nagulat; A. Sa pagkalansing ng nabitawang bandehado na sure akong si Ate Ading ang may dala. B. Sa malakas na pagsabi ni Mama ng 'Mahabaging Diyos' sabay antanda. C. Sa pag bow ni Kamahalan with matching abot ng isang boquet ng arranged flowers sa nanay ko or, D. All of the above. "P-prince Liam?" “Por dios, por santo! Mahal na prinsipe.” Ang matinis na boses ng ina ang nagpabalik ng wisyo kong lumipad na naman. Nilingon ko ang mga magulang. My mother blushed like a tomato while holding the beautiful blooms oh her right arm while my father looked like he just saw a ghost. His jaw was on the floor. "Yes, Mr. Rodriguez. Ako nga. Pasensiya na kayo sa abala at kung ‘di ko nai-anunsyo ang pagparito ko," buong galang na sagot ng binata at ngumiti pa nang matamis kay Mama na lalong nang dinala ng prinsipe sa bibig ang palad ng ina kong naging parang teenager ang ngiti. “A-ayos lang ho, mahal na prinsipe.” Pasimpleng siniko ng nanay ko ang ama nang ilang segundo itong nag hang. Alanganin itong ngumiti sa prinsipe. "N-naku hindi abala iyon, Your Royal Highness. P-patawad sa inasal namin. Nagulat lamang talaga kami. ‘Di ba Mindy?" Natatarantang sabi ni Papa, kinalabit ang nanay kong inaamoy-amoy ang mga bulaklak. Kung sa ibang pagkakataon nangyari ang lahat ng ‘to, tatawa talaga ko nang malakas dahil sa mga inaasal ng magulang ko. I've known my father to be reserved and confident while my mom never acted this way infront of a visitor specially if that visitor is the f*****g crown prince, she looked like an infatuated teenager swooning over a bunch of flowers. "Ah, Y-yes Your Highness. Ahm, tuloy po kayo." Tumabi ang mga ito at iginiya si Kamahalan na ngumiti muna sa 'kin bago pumasok nang tuluyan sa bahay namin. Hindi na nakita ni Prince Liam ang pagsimangot ko. Wala sa usapan naming bibiglain niya nang ganon ang mga tao sa bahay. Mabuti at sure akong healthy ang puso ng mga magulang ko, kung hindi baka hinimatay o inatake ang mga ito dahil sa sobrang shock. Sino ba naman mag aakalang ang isang Maria Genessia Rodriguez magiging girlfriend ng isang Prince Liam? Tahimik na sumunod kami nila Papa kasama si V na nasa likod lang namin. Agad pinaupo ni Mama si Prince Liam sa sofa. I silently whispered my thanks above na kahit paano'y disente ang bahay namin at bagong bili ang kulay beige na couch kung saan prenteng nakaupo na si Kamahalan. Tarantang-taranta ang mga magulang ko kung paanong estima ang gagawin sa prinsepeng bisita namin habang ito'y matamang nakatingin sa mga photo frames na nakalagay sa isang shelf. "Water, Your Highness," ani Mama at inalok ang inumin na kanina pa inihain ni Ate Ading. KIlig na kilig ito at panay ang kurot sa ‘kin. Pinili kong tumayo malapit sa kusina kaysa ang maupo sa sofa, shock pa din kasi ako at super naiilang. "I'm okay, Ma'am," he smiled sweetly at my mom, para namang hihimatayin si Mama sa tamis ng ngiti ni Kamahalan. Pwede bang mag selos sa Nanay?Nakakdami na si Mama, ah! "Kaluluto lang ng agahan namin baka gusto niyong sumalo," nahihiyang alok naman ni Papa na 'di makatingin ng diretso sa prinsipeng nasa harap nito. "If that's okay with you, Sir. Nabanggit ni Genessia na masarap raw kayong magluto," sagot nito at saglit akong tinapunan ng tingin. "Naku hindi, Your Highness. Pero pasensiyahan niyo ang naihain namin. Ma—" "Ayos lang Sir kahit ano. ‘Wag kayong masyadong mag-alala ‘di ako maselan," putol ni Kamahalan sa sasabihin ni Papa. "Sige ho. Tayo na sa komedor, Your Highness." Ani Mama at nagpatiuna na sa dining area namin kung saan abala si Ate Ading sa pag aayos ng lamesa. Gusto kong matawa sa itsura ng kasambahay, ‘di kasi nito alam kung ano ang uunahin, ang paglalapag ng pagkain sa mesa o ang pagsulyap kay Prince Liam. "Your Highness, please," I motioned him to the seat at the center of our dining table. It's the protocol and etiquette that all of us, even commoners like me, follow by heart. Royals always take the center seat. "No please, Genessia. Let your father sit there. I'm just a mere visitor," tanggi nito and we were all shocked,"Sir?" baling niya kay Papa. Tumingin muna sa 'kin ang tatay ko as if asking what to do. I nodded at him and he silently took the seat. Naupo si Mama sa gawing kaliwa ni Papa while Liam took the seat on the right of my father, siyempre sa tabi ako ni Kamahalan umupo. Nang makaupo si Papa'y saka lamang din umupo si Prince Liam. Lahat kami'y nagpalitan ng mga nagtatakang tingin. Its against their followed etiquette. Sila kasi ang unang laging nauupo bago ang kung sino pa man. He's breaking two important rules this morning and I'm swooning. After we said our grace, we began to eat. Mga paborito kong pagkain sa agahan ang nasa hapag-kainan, sinangag, tuyo, hotdog, itlog na pula at Delimondo gralic and chili flavor corned beef. On the side, may freshly baked cookies si Mama with ube cheese pandesal. Ang plano kong pag estima kay Kamahalan ay naging plano lang dahil mabilis s’yang inasikaso ni Mama. Nilagyan nito ng pagkain ang plato ni Prince Liam habang si Papa nama'y inabutan ito ng tinapay. Si V na lang ang inasikaso ko, nakaupo ito sa tapat ko at tahimik na nagkakape. "V, bread," alok ko at kinuha naman agad niya. "Thank you Ma'am, Sir. Mukhang mapapadami ang kain ko, ang sasarap ng mga inihain nyo," narinig kong sabi ng prinsipeng katabi ko. "Kung may gusto ho kayong pagkain magsabi lang kayo, Your Highness. Puro kasi paborito ni Gen ang mga iyan kaya 'yan ang niluto namin," nahihiyang paliwanag ng Mama ko. Sino ba namang matinong tao ang maghahain ng tuyo at itlog na maalat sa Crown Prince? "Ayos lang ako, Ma'am. May tiwala naman ako sa taste ni Genessia. Mataas ang standards n’ya and I know mahilig siya sa masarap." Muntik kong maibuga ang iniinom kong kape nang marinig ang sinabi nito. Bigla kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa. Pero deadma ang mokong, ngumiti lang na parang walang anuman at kumain. I looked at my parents. Both were oblivious about the meaning of the crown prince's words. Tahimik lang rin na kumakain na ang mga ito. So I also decided to eat my breakfast quietly. Paminsan-minsan tinatapunan ako ng tingin ni Kamahalan and each time na mahuhuli ko siya lagi na may nakahandang ngiti siya para sa kin. "Your Highness, kain pa kayo," alok ni Mama at inabot sa prinsipe ang mangkok na may lamang corned beef. "Salamat Ma'am," anito at kinuha iyon saka naglagay sa plato. Nakita kong magana itong kumain at mukhang sarap na sarap. Isa lang ang di nito tinitikman, ang tuyo. "What's this?" Of course, the inquisitive side of him came out a few moments later. He's eyeing the poor fish with a puzzled eye. "Tuyo, Your Highness," sagot ko at kumuha ng isa. I expertly removed the head and the bones using a fork and knife, then put it on his plate. "There.” I smiled at him sweetly. "Thank you," maikling sabi nito. He's very excited to taste the food that I put on his plate, "Hmm nice. I like this one. Actually lahat." Nakita kong ngumiti ng malaki si Mama at parang natanggalan ng tinik sa dibdib. Akala mo sumali sa Master Chef ang itsura nito at si Gordon Ramsey ang tumikim ng mga niluto niya. I shook my head, smiling. Ipinagpatuloy ko na lang ulit ang pagkain habang magiliw na kinakausap ng parents ko si Prince Liam, asking him random things in which he all replied enthusiastically. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila at parang alam ni Kamahalan na masaya ako dahil bigla itong tumingin sa kin at kumindat. Mouthing 'I told you'. I silently giggled at his adorable gesture. May kalahating oras pang nag- stay sa bahay si Prince Liam bago nag paalam na ito sa mga magulang ko na babalik na ng palasyo. Nagpasalamat ito kina Mama at Papa dahil sobrang nag-enjoy daw ito sa pagkaing inihanda ng mga magulang ko. Papa even told him to stop by anytime and the prince accepted the invitation cheerfully. "I'll be going. Need to meet the grandparents later," he said while we were standing right next to his car. His hands were on my hips and I was pulled to his muscular body. "Ingat ka and thank you," nakangiti kong sagot, I clasped my hands around his nape. "For this wonderful morning." "Always," then he planted soft kisses to my now addicted lips. “All ways, Love. Anything for you." And that people, was the sweetest thing I have ever heard in my entire twenty-three years on earth. "I kinda like that. Parang battery, triple-A," I cooed as I snuggled up against his body and kissed his jaw lovingly. Ibinaon nito sa buhok ko ang mukha’t mahinang tumawa. "You and your witty brain, amore. What time kayo aalis?" Tanong niya at marahang kumalas mula sa pagkakayakap sa ‘kin. Seryoso na ang ekspresiyon ng mukha nito. "After lunch, I guess. Wala pang update." Tumango ito’t binitawan ako. He went inside the backseat, may kinuha mula roon. Bahagyang nakatuwad ito kaya may VIP access na naman ako sa sexy butt niya. Naisip ko bigla na sana ‘di na ko nag breakfast, pinatalikod ko na lang sana ito. Ang yummy eh! Ang landi ko. I smiled on the kind of thoughts my mind had, kapag nalaman ni Liam iyon siguradong lalapad ang ngiti nito at tutuksuhin na naman ako. Nang nakita kong palabas na siya ng kotse'y ibinalik ko ang impassive na expression ng mukha ko. But I stilled, suddenly at a loss for words when he turned around. A stunning bouquet of Ecuadorian red roses was on his hands. His eyes are shining as he takes in my dumbfounded face. I was amazed, astounded, stupefied, opened-mouthed, poleaxed kind of shocked! I'm all kind of shocked. Because I can't decide who and which made one another more beautiful and mesmerizing. Is it the Crown Prince holding the most beautiful Ecuadorian roses or it's the flowers that were held by the dashing prince? Or both? "Flowers for you," he sweetly said while the 'I'm Royalty rich' kinda smile was plastered on his handsome face. "Oh my! T-they're beautiful!" I exclaimed through teary eyes, I couldn't take my eyes away from the alluring red roses. "But they pale in comparison to your beauty, amore." Gusto kong maiyak sa sobrang saya habang nakatingin sa kanya. When I thought that my day couldn't be happier, I was wrong. This man never failed to make my heart flutter, never failed to make me smile. "It's my fave," I said nonchalantly as my hands reached for the flowers, softly touching them and appreciating their beauty. They have the biggest bud and blooms which made them more appealing compared to the other type of roses, thus making it my favorite flower. I vaguely remembered putting on it my wishlist, maka-receive ng isang doesna nito. But the crown prince brought the whole garden with him! Dreams do come true and more. "I know." "How?" He shrugged, "Research and some help." Napangiti ako, wondering what he really meant. Lumuwag ang ngiti ko nang makitang may card na nakaipit, kinuha ko iyon at excited na binasa. 99 roses for you, mi amore. I hope they’ll let you see how colorful you make my world. Kamahalan "Oh, Liam! Thank you so much,” I exclaimed before hugging him tightly, careful not to squeeze the roses. "I'm glad you liked it." “I love them. Pero ba’t 99? Sabi ko sa IG, gusto ko 100,” biro ko dito. Pero ang totoo, kahit isang tangkay lang ng papel na rosas ang ibigay nito, super saya ko na. His eyes crinkled and there was a mischievous grin on his face as he gently touch my flushed cheek. “I would make it 100 just like what you wished for but then I can’t.” “Why is that?” Huminto ang daliri nito sa labi ko’t humigpit ang yakap sa bewang ko. “Cause the most beautiful flower will always be mine and that's you. The first and only bloom that matters.” “You’re the sweetest, Kamahalan,” buong pagsuyo ko siyang hinalikan. He kissed me back with so much ardor and passion it made us both breathless. "And I'm the luckiest, love," he countered as he plant soft kisses to my temple after breaking our kiss, "I'm glad you liked it." "Like is an understatement." His whole face beamed and I almost squealed when he brushed his lips on my neck. I'm really thinking he's a vampire prince! "A garden to walk in and immensity to dream in, what more could he ask? A few flowers at his feet and above him the stars…" in-between nibbling the sensitive spot on my neck, he recited, "Victor Hugo, Les Misérables," he added. I giggled. Hindi pwedeng magpatalo ako. I scooped his face and with the most serious tone I could manage, I began reciting. "Take it slow but it's not typical, he already knows that my love is fire. His heart was a stone, but then his hands roam...I turned him to gold and I took him higher." Pinamulahan siya ng mukha, wala sa loob na kinagat ang labi. Lumalim nang bahagya ang gatla nito sa noo saka ikiniling ang ulo sa kanan. “Genessia, sinong nag sulat no’n? ‘Di yata familiar.” "Roses. Chainsmoker, 2015." Malakas na tawa nito ang pumuno sa buong garahe after ma-realize ang kalokohan ko. "Oh, Mi Amore. Umaga pa lang binuo mo nang araw ko. That's gold! Your ingenuity is lit." "Maliit na bagay, Kamahalan," natatawang sagot ko sabay pagpag sa kanang balikat. Kinuha ko mula sa kanya ang mga bulaklak at inamoy iyon. "Cute," nakangiting komento niya habang nakapamulsa, "I need to go, love. Text me the specifics. Okay?" "Yes, Your Royal Highness. Pati coordinates po isasama ko," pabirong pag sangayon ko. "No need. I can do that." Nahampas ko s'ya sa braso bago pa tuluyang makapasok ito sa sasakyan. "Che! Siya larga na," kunwa'y pagtataboy ko dito, "Bye,V!" "Bye, My Lady." "Go inside. Have to go na." "Okay. Take care," nakangiting sabi ko sa kanya sabay kaway. "Ditto, Amore." Ilang minuto ng wala ang sasakyan ni Liam pero nanatili pa rin akong nakatayo habang hawak ang mga bulaklak. I really love this day and the roses. But I more than love the man who gave it to me. Always, all ways.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD