GEN'S POV
" MARIA GENESSIA na bahagyang d'yosa. Hindi ka ba talaga babangon d'yan?"
I rolled my eyes and fight the laughter that was about to burst ‘cause of Chardii's words. Sinipat ko ang wall clock, 10:45 am. Ba't ang aga mangalampag ng mga 'to? Hinila ko pabukas ang pintuan ng kwarto ko.
"Bakit bahagya lang? Full pledge at nuknukan ng d'yosa kaya ako?" Mataray kong bungad hawak ang door knob.
"Tse! Ako pa rin ang siyang tunay na dyosa. Pangalawa ka lang. Lamang mo lang orig yang kepay mo, 'tong akin made in Thailand. Sawadee ka!” Sabay bow nito.
"Baliw!" Natatawang tinalikuran ko ang mga 'to.
"Gen, totoo ba? Jowa ka ni ng crown prince?"
"Mahina pa Karlo. Lakas mo pa kasi 'yung bahay lang sa kanto nakakarinig ng boses mo."
"To naman. Sorry. Na-excite lang."
Tiningnan ko lang siya ng masama, saka padapang nahiga sa kama ko.
"Ba't ang aga n'yo?"
"Aga? Kutusan kita sa gums bet mo? Tanghali na kaya. Maiipit tayo sa traffic."
I groan. Ibinaon ko ang mukha sa unan. May point si Chardii pero hinihila pa ako ng antok. Napabalikwas ako ng bangon nang may humampas sa hita ko.
"Yow, where's the flowers? Fudge, kailangang mai- my day 'yon."
"Bakla, ano ba?" Asik ko kay Donna nang malakas ako nitong paluin sa hita.
"Flowers?"
Padabog na ibinaon ko muli ang ulo sa unan.
"Nasa ibaba,inayos ni Ate Ading. Hindi 'yon kasya dito."
Ipina-display ko kasi sa kasambahay ang mga bulaklak na iniregalo ni Lia. Of coursem I took tons of snaps firth then posted it on my IG. Unfortunately, my best friends took it to themselves to taunt me. Kaya heto't mukhang balak totohanin ng mga ito ang banta sa comment section.
"Iyon siguro sinasabi ni Ate na inaayos n'ya."
"Makakuha nga ng tatlong tangkay. Bigay ko lang sa jowa ko, Gen. Medyo petsa de peligro ako ngayon," si Karlo iyon na marahil ang tinutukoy ay ang baging girlfriend na kasama rin sa trabaho.
"Go. Basta tatlo lang."
"Thanks, Gen. Kaya ka pinagpapala eh."
"Tse. Mang uto ba?" Saway ni Chardii dito.
Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa gawing kanan ko.
"Pahimas nga, baka lang mahawa ako sa ganda mo bakla."
"Ako din. Beke nemen," susog pa ni Chardii.
Nanlalaki ang mga matang sinilip ko sina Donna. Salitang pinagagapang ng mga ito ang palad sa hita ko.
"Stop, damn!"
"Wow! Pati expression ngayon tunog royal na 'deyymm'."
Kinuha ko ang unan na mabilis na nahagip ng kamay ko't ibinato kay Karlo pero sa kasamaang palad nasalo iyon ng mokong.
"Peste ka! Kung mag iinis ka lang, lumayas ka na!"
Naramdaman kong may pumalo sa hita ko, nang tingnan ko kung sino ang salarin, si Donna. Ang lapad ng ngiti ng bruha.
"Ready ka na ba? Mag paalam kana sa Kamahalan mo't lalarga na tayo," nakangising anito, "Pero habang nag aayos ka, pipitas kami ng flower ha? Masarap daw i-salad yon."
"Yeah, healthy pa!" Dagdag pa ni Chardii.
Inirapan ko silang dalawa't humalukipkip.
"Fine! Sahog niyo pa sa pakbet. Pero walang sisihan ha?" May pagbabantang turan ko na ikinangisi ni Karlo.
"Ay yari tayo d'yan, beks. Mahal ko buhay ko. Gen, sayo ko dito. Kampi tayo," kunwari'y maamong tupang sabi ni Karlo at tumabi sa 'kin sa kama.
"Tse! Ikaw ha? Balimbing ka. Kanina sa super go for the warakin ang flowers ni Gen ka diyan ngayon ilalaglag mo kami?"
Napangiwi ako sa salitang binigkas ng galit na si Chardii. Medyo iba ang dating sa pandinig ko.
"Oo nga, then ngayon ilalaglag mo kami. Ay walang ganon Karlo. Lumaban ka nang patas," sulsol pa ni Donna.
"Hey! Ayokong mapungutan ng ulo. Tsaka wala naman akong sinabing pabor ako sa mga plano n'yo kanina–"
Natatawa ko sa pag-aasaran ng tatlo, nakita ko ding na-korner na si Karlo kaya umawat na ko.
"Stop it. Okay? Shocks, I thought aalis na tayo? Labas na. Mag aayos na 'ko," pagtataboy ko sa kanila.
"Hmp. Bilisan mo. Ang kupad mo pa namang kumilos," nakasimangot na reklamo ni Chardii saka hinila si Donna para lumabas ng kwarto.
Binelatan ko lang ito.
"May chocolate pala d'yan."
"f**k!You mean The Chocolate?"
"Yup!"
"Shuta!!Okay sige, magbihis ka na. Kahit next week ka na matapos, bakla, keiri lang."
"Gaga! 'Wag n'yo ko ubusan."
"Sa'yo iyung karton, Gen," ani Chardii at nagkukumahog na lumabas ng kwarto kasunod si Karlo.
Naiiling na nagsimula na akong magbihis. Mabuti't nai-prepare ko na ang mga dadalhin kagabi pa. I was putting some sunscreen when I realized na hindi pa ko nag te-text kay Kamahalan. Mabilis kong kinuha ang phone, nagtipa ako ng good morning text kasama ng resort na pupuntahan naming apat.
May lungkot akong naramdaman dahil kahit gustuhin ko, hindi ko siya mayaya. First, hectc ang sched niya. Second, public place ang pupuntahan namin kaya big no,no sa jowa kong napaka sikat. Magkakasya na lang sa mga videos at pictures later.
With that hope, I grabbed my overnight bag and head downstairs.
Matapos naming mabilis na kumain, nag paalam na kami sa mga magulang ko't tumulak pa norte. Si Chardii ang designated driver namin dahil ang sasakyan niya ang gamit namin. Sa backseat ang pwesto ko, katabi si Donna habang nasa unahan si Karlo.
"Guys, daan tayo ng Subic Freeport Zone. We need to buy some snacks, baka mangayayat itong si Karlo."
"Ako ba talaga, Donna?"
"Oo. Ikaw lang naman 'tong nagigising ng madaling araw at naghahanap ng makakain. Timawa."
"Hep. Hep. Stop na. Lalong sasabog 'tong pantog ko sa inyong dalawa eh," awat ko sa pagbabangayan ng dalawa.
"Kaya pa, mahal na prinsesa?" Singit ni Chardii.
I blushed at her comment.
"Kaya pa. Prinsesa my ass."
Sabay na nagtawanan ang mga ito habang pigil na pigil ko ang mga kilos. Ba't ba kasi naisipan kong ubusin ang buko juice kanina sa bahay? Ang masaklap pa, nagparamadam ang pantog ko kung kailan nalampasan na namin ang mga Starbucks at stopovers sa kahabaan ng NLEX.
"Nagpa praktis na kami. Anyway, ten minutes na lang raw at nadoon na tayo. Kaya mo 'yan," si Chardii at inapakan na nito ang gas.
Tahimik na nakinig na lang ako sa palitan nila ng pag-uusap ni Karlo, sa background tumugtog ang 'Marikit'.
A few moments later, we parked outside Harbor Point. Mabilis akong umibis ng sasakyan at patakbong tinungo ang banyo. Halos mabangga ko pa ang palabas na ale sa pagmamadali ko. I stopped on my tracks when I saw the long line outside the mall's restroom.
Shit. Ang saya!
I looked comical when I turn around. Butil-butil ang pawis ko sa noo't namimilipit na ako.
"Ma'aam, please follow me," pukaw ng isang naka all black na lalake sa 'kin.
Agad akong sumunod sa lalake. He showed me a private restroom not far from the public one.
"Thank God," I sigh in relief. Walang abog akong pumasok and do my business.
Naghuhugas na ako ng kamay saka ko lang naalalang 'di ko man lang napasalamatan ang lalake. Isa pa, paano niyang nalaman na kailangan kong magbanyo?
Nang makalabas wala na ito roon. Palinga-linga akong naglakad, hoping I'll see him. End up, si Karlo ang nakita ko.
" Gen, can we check the outlet store? Please, baka kasi may stock sila ng Air Jordan na matagal ko ng gustong bilhin," parang batang pakiusap nito sa 'kin sabay turo sa shoe store. Sina Donna at Chardii ay kasalukuyang nasa loob ng grocery.
"Men and their love for shoes. Fine, pero libre mo ko ng iced coffee laters," I shamelessly told him while grinning. "May napansin ka bang mama kanina? Matangkad then naka all black?"
Saglit itong nag-isip saka umiling. Nagkibit-balikat na lang ako. Siguro nga mukha talaga kong naiihi kanina't maswerte akong may naligaw na good samaritan.
Karlo grabbed my hand. Nagpatianod ako sa kaibigan. Nang makapasok sa tindahan,tila ito batang kumislap ang mga mata. He totally forget about me, inusisa agad nito ang mga sapatos.
Naiwan akong tumitingin-tingin sa mga naka-display sa eskaparate. I was about to go to one of the couches when my eyes caught a pair of Airmax sneakers.
Something inside me sparks. I want to buy something for the crown prince. Hindi naman niya kailangan but I want him to feel special. Isa pa, who in their sane mind can turndown the couple shoe idea?
"Excuse me, size 13 please," nakangiting tawag ko sa isa sa mga staff.
"For a while Ma'am."
I smiled and nodded at him.
"Taray! May pa gift ang Dyosa! Beke nemen," pang-aasar ni Chardii mula sa tagiliran ko. Nakangisi ito habang may bitbit na supot, tapos na palang mamili ang mga 'to at 'di ko namalayan na nakalapit na sa 'kin.
"Baliw. Mas marami kang pera sa 'kin,"I told her matter of factly habang ini-inspect ang ibang mga sapatos na naka-display.
"Alikabok yun sa pera ni boyfie mo."
"That's the operative word, boyfriend ko at hindi sa akin."
"Hmp! Same lang 'yon. Sa dami ng milyones no'n kahit mag-breakfast ka pa sa Italy everyday, pwede!"
I crossed my arms on my chest. Medyo na-off ako sa comment ng kaibigan.
"I may sound hypocrite but I hope we can come to terms that I didn't say yes to him dahil sa pera or sa status niya sa life. I may look like a Cinderella from the get-go but I can buy my own things. Provide for my own. But sometimes, I need someone to take that power from me."
"Someone's grumpy. Sorry na," niyakap ako ng kaibigan. She playfully nudges my hips with hers. "We, of all people, are the first ones to know how you truly love him. I was just messing with you."
"Shuta, beks! Ang taray mo! Straight english 'yon," biro ni Donna kay Chardii saka sumingit sa pagitan namin.
"Patawarin mo na. Magdugo pa ilong nito."
Umingos ako saka ngumisi sa dalawa. I rolled my eyes at them, mentals.
Nagmartsa 'ko papunta sa counter kung saan naghihintay ang staff na may dalang bagong stock ng shoes. Matapos mabarayan ang mga pinamili namin, agad kaming nagtungo sa parking lot. Isang oras pa mahigit ang gugugulin namin sa biyahe mula Subic patungong resort baka maipit kami sa daan.
"Anong binili mong shoes kay Highness? Ang bilis mo yatang matapos."
Nilingon ko si Karlo na siyang kapalit ni Chardii sa pagmamaneho.
"Airmax 97 OG. Wala namang pila sa counter" I supplied, putting the paper bag on the backseat.
Karlo chuckles softly.
"Nice choice. Anong wala? Ang haba kaya ng pila. Look."
Hinayon ng mata ko ang pinanggalingan. True to his words, halos umabot nga sa labas ng tindahan ang pila sa counter.
Lumalim ang kunot ng noo ko. Magtatanong sana ako sa kaibigan nang mahagip ng mga mata ang dalawang black SUV na naka parada malapit sa pwesto namin.
"Fudge,” natamapal ko ang noo. Realization hits me. Of course, si Liam ang may kagagawan ng lahat.
"Bakit?"
Napakislot ako nang marinig ang malakas na tunog ng iPhone 6 ko. Quickly, I fished it and slide the green button.
"Amore. How are you?"
"I'm mad."
"Oh. I'm sad. Why?"
"You know why!"
"You figured it out."
"Yes,” I said in a clipped tone.
Marahas na buntong hininga ang pinakawalan nito.
“Your Royal Highness–”
“Let’s continue this after thirty minutes,” narinig kong putol nito sa isang royal aide. Mabilis namang sumang ayon ang tauhan at nag paalam sa prinsipe.
“Is that Cralota?”
Liam answered in a husky sexy hum that stirs something inside me.
“Seryoso, Genessia. How’s your day?”
Sumandal ako sa pinto ng sasakyan habang nakatanaw sa mga kaibigang abala sa pagkakarga ng mga pinamili namin. Kinalma ko muna ang nagwawala kong hormones.
“I’m great for the most part. Ikaw?”
“Kanina, masungit raw ako sabi ni Yñaki. Ngayon, I’m great. Nakausap na kasi kita.”
“Asus naman. Kaya ba pinasundan mo ako sa mga royal guards mo or are they part of the secret service?”
Natawa ito nang malakas sa kabilang linya. Hindi ko tuloy maiwasang ‘di mapangiti.Ang sarap gawing ring tone ng tawa ni Liam.
“I told the boys to be subtle. I should have listened to Jaques. Maamoy at maaamoy mo nga raw. What gives, love?”
Muli kong sinulyapan ang pwesto ng mga kalalakihan bago sinagot ang tanong ng nobyo.
“The all black suits. The secretive and dangerous aura. Plus, one of them is a true gentleman. Inalalayan ako hanggang loob ng banyo.”
“What the f**k?”
“Kamahalan, manners,”saway ko habang pigil na pigil ang tawa.
“Anong hitsura? Someone’s gotta look for another job starting tomorrow. I specifically told them to–”
“What? Hey, nagbibiro lang ako.”
“Hindi magandang biro ‘yon, Maria Genessia.”
Shit. Buong pangalan ko ‘yon ah.
“Soweeh na pows. Naiinis lang naman ako kasi napaka over the top mo. Look, I’m not a royalty kaya ‘di nila ako dapat bantayan. Big girl na ako, may pepper spray ako sa bag. I can defend myself.”
Pumalatak ito.
“As much as I found your tantrums cute, sorry to tell you hindi gagana sa akin ‘yan. You’re my most precious girl thus making you a royalty. Kulang pa nga ang mga ‘yan. Kung ‘di ka lang mag pe-freak out, ipapadala ko ang buong secret service d’yan kasama pa lahat ng kapulisan.”
“Liam Edward Alessio na walang apelyido?!” Nanlalaki ang mga matang bulyaw ko. Shuta, seryoso ang mokong.
“Damn it! I’m in trouble now?”
“Yes. Super duper mega trouble. Stop this nonsense. Alisin mo na sila, pauwiin mo na sa palasyo bago pa ako mabaliw nang tuluyan.”
Narinig kong sunod-sunod itong napamura.
“No. Mananatili sila d’yan para sa ikapapanatag ng loob ko. This is non-negotiable.”
I groan.
“Why are you so impossible at times?”
“’Cause I care a for you. Por favor, amore. Just let them be. Bibilinan sila ni Jaques na huwag masyadong maging obvious para ‘di kayo mailang.”
“Fine, fine. You win,” sukong saad ko rito.
“Thank you. By the way, Yñaki told me wala ka raw load. Why do you need load to text me? Why are you on prepaid anyway? Nasaan ba nag business phone mo? I’ve been trying to reach you there.” Talo pa nito ang armalite sa sunod-sunod na tanong.
Pinigilan kong humalakhak sa binatang alam kong salubong na naman ang arogante kilay. Sa lahat ng sinabi niya, ang tumatak sa aki’y ang kaalamang ‘di nito alam ang concept ng prepaid. He's full of surprises, pero ano pa ba aasahan ko sa gaya niyang simula pagkabata'y namulat na sa karangyaan at prebelihiyo? I bet they can buy a network company just so they'll have the best internet and cell site reception inside the palace.
Ugh, Royals!
"Prepaid load o mas kilala sa tawag na load ay isang uri serbisyo na kaming mga hamak na mamamayan lang ang nag a-avail," seryosong paliwanag ko habang sa gilid ko’y maluwag na nakangisi ang mga kaibigan ko.
Surprisingly, Liam’s quiet on the other side. Nakikinig si Kamahalan na para bang prof niya ‘ko. I caught Donna mouthing the word ‘cute’ while Chardii’s dramatically rolling her eyes.
I cleared my throat and continue.
"Kailangan iyon para makausap at makatawag kami sa mga mahal namin sa buhay. May iba't ibang uri ng pamamaraan para makapag- load. Ang pinaka kombinyente sa lahat, pumunta sa tindahan ni Aleng Nena, ibigay ang tamang numero’t magbayad ng kaukulang halaga. A few moments later, may credited load na sa number mo and voila," mahabang paliwanag ko at may kasama pang aksyon ng mga kamay. "Maaari mo ng itext si crush ng I miss you."
"I miss you too."
I giggled . Akala ko di niya mage-gets ang joke ko.
"Very well said, Genessia. But that doesn't answer my question. Why are you on prepaid?"
"Cause the me is poor, Kamahalan. Mas tipid ang prepaid," nakangiting sagot ko sa kanya.
"You're not poor. You have me!"
I know he's telling me that he's rich- super mega ultra filthy rich, but it's his money and not mine. Is he expecting me to ask for money dahil sa relationship namin? Boyfriend ang kailangan ko at 'di atm machine. May trabaho akong tao and I can fully provide for my needs at iyon sana ang maintindihan niya.
I sighed, may bahagyang inis akong nararamdaman pero isinantabi ko iyon. I don't want us to fight over small things .
"I'm poor you, Kamahalan."
He laughed loudly and so hard, and its contagious. Together we laughed 'til my belly hurts. Ang corny ko pero kung lagi siyang tatawa nang ganoon sa mga walang kakwenta-kwenta kong jokes, ayos lang. Handa akong maging clown ni Kamahalan.
"Charming and witty. Bakit ang perfect mo?"
Bigla akong namula at nag flip na naman ang puso ko dahil sa saya. I absentmindedly bite my lower lip and tucked some strands of my hair behind my ear.
"Am I? Ang corny ko 'yon dapat ang sabihin mo, Kamahalan," nahihiyang sagot ko at sinamahan nang mahinang tawa.
Wala akong pake kahit pa nga narinig ko ang marahang pag ubo nila Karlo sa gilid ko.
"That's why your perfect, love. You're very you. Natural."
"O-okay. Ahm, thanks."
"Tsk! Walang libre sa mundo ngayon, nakalista 'yon. But you should have texted me using your office phone."
“Sorry, I forgot to bring it with me. Nagmamadali kasi ako, naiwan ko sa opisina.”
“I’ll let V pick it then. I need to go. Fasten your seatbelt, Genessia. It’s a must, got it?”
"Yup,” sumaludo pa ako kahit alam kong ‘di naman niya ako kita.
"Good. Text me when you arrived. Got to go. Bye."
"Bye, Kamahalan. Miss you."
"Ditto, love."
"Mahal na mahal. Iba talaga ang kamandag mo, Gen. Pati si Prince Liam tupi sa'yo," pumapalatak na saad ni Donna.
“Pahipo nga’t baka mahawaan ako ng alindog mo,” ani Karlo na pabirong pinaraanan ng kamay ang buhok ko.
"Duh! Karlo, para kang sira. Ako lang to,” nag flip ako ng hair saka kinabig pabukas ang pintuan ng passenger seat.
"WE’RE here."
Masayang sambit ko sa dalawang pasahero namin sa backseat ng kotse. Sabay pang nag unat ang mga ito bago sumilip sa bintana.
"Wow! One with nature. Finally the much-needed quick vacay!" Donna exclaimed happily.
"IKR. R and R it is," Chardii cheered as she quickly opened the door on her side. They both exited the car, gleefully.
"We'll check us in, Gen.”
Tinanguan ko si Donna dahil tutulungan ko si Karlo na magbaba ng mga gamit after naming i-park ang sasakyan.
“Mukhang nauna pa sa atin ang mga bodyguards mo, Gen,” nguso ni Karlo sa dalawang sasakyang nasa di kalayuan.
“Wala akong choice. Ang sakit sa bangs ni Liam.”
“Hayaan mo na. Hindi naman sila lumalapit sa’yo. Para lang mapanatag siya, sakyan mo na lang.”
“Ano pa nga ba?” Bitbit ang bag, lumabas na ako ng kotse.
The moment my feet landed on the graveled grounds of the parking lot, the briny smell of saltwater and woods wafted through my nose, welcoming me.
Paradise.
The resort just opened last year but it was already frequented by travelers and one of bloggers' fave spots because of the 'one with nature' vibe. I can understand now why people are hyping the resort, though it's far from the luxurious and ritzy type, the tranquility it offered is unparalleled.
"Tara, Gen," tawag sa 'kin ni Karlo. He walked towards a small cabon that’s made of wood. Sa itaas noon ay naroon ang pangalan ng resort— Kwentong Dagat.
“Heto ang reception?” Namamanghang tanong ko sa kaibigan na mabilis tumango.
“Cool. Ang cute ng mga cabins. I love the place, sobra!"
Nakangiting sumang ayon naman sa akin si Karlo. He even praise Chardii’s talent on researching dahil ito ang nakahanap ng nasabing lugar.
"Ano ba yan! Wala man lang pasabi. Saan kami ngayon mag stay, Kuya?"
"Oo nga! You should have told us last night or even this morning. 'Di iyong manggugulat kayo!"
Nagkatitigan kami ni Karlo nang biglang may sumulpot sa sa tagiliran namin na isang grupo ng mga turista. Nanggagalaiti ang mga ito.
Agad akong hinila ni Karlo dahil muntik akong matumba matapos akong banggain ng isa sa mga galit na ale.
“Ayos ka lang?”
Tango lang ang naisagot ko sa kaibigan dahil sa gilid ng mga mata ko, napansin ko na ang paglapit ng tatlong matatangkad na secret service.
"Where's your Manager? I want to talk to your Manager!" Malakas na sigaw naman ng isang lalake sa staff na hindi alam kung paano papayapain ang mga nanggagalaiting guests.
Inilibot ko ang mga mata sa paligid. Noon ko lang napansin na nagkumpulan na ang mga tao sa paligid namin. May ilang sasakyan na rin ang nagsisis alisan sa maluwag na parking lot.
"Anong meron?" Bulong ko kay Karlo na gaya ko'y mukhang takang-taka rin.
"I don't know. Tara doon daw tayo sa kubo maghintay sbai nitong isang taga palasyo,” turo nito sa lalakeng nasa bandang kanan.
Nagpatianod ako sa kaibigan pero tuloy pa rin ang rant ng mga tao at ‘di ko maiwasang hindi maulinigan ang mga iyon.
"Nakakainis! Bigla na lang silang magsasabing di tayo dito pwede mag check-in. Bakit? Sino bang VIP ang daratinng ha?"
"Ililipat daw tayo don sa may kabilang resort, same lang din daw iyon dito," sagot naman ng isa na mukhang mas kalmado kesa sa unang nagsalita.
Nagkatinginan na lang kami ni Karlo. We're both baffled with the situation. Kung ‘di kami pwedeng mag check-in today dito sa Kwentong Dagat, mapipilitan kaming mag drive ulit ng halos kalahating oras. Iyon kasi ang nakita kong layo ng next na resort kanina ayon kay Waze.
We saw the staff ushered the number of guests to a van, mukhang iyon ang maghahatid sa mga ito sa kabilang resort.
"Tara na, doon tayo sa cabin na 'yon," aya ni Chardii nang makalapit. Ang gaga nag beautiful eyes pa kay kuyang secret service na mas piniling manatili sa tabi namin ni Karlo.
Palihim kong inapakan ang paa nito.
“KJ. Tara na,” hinila nito ang braso ko.
"Wait. Iyong iba paalis na. Close na yata itong resort for today, beks.”
"Ha? Wala namang sinabi ang manager sa 'min ni Beks, bakla," sagot ni Donna na ‘di ko namalayang nakalapit na pala.
Lalong lumalim ang kunot ng noo ko. Weird. Bakit kami lang ang pinayagang mag stay?
"Hayaan na natin sila. Baka nagandahan sa ka-dyosahan ko," nakangiting sabi ni Chardii sabay wasiwas ng kamay sa ere, "Kaya tayo ang pina- stay dito, siguro type ako ng poging owner. I can feel it. Magkaka love life na ako this year. Effective ang mga manifesting chuvaness!”
"You wish!" I rolled my eyes at her. Binawi ko ang kamay mula rito, balak ko sanang balikan ang mga gamit ko pero nakita kong nadampot na iyon ni Karlo at nung cutie na secret service.
I sighed. Tama nga si Chardii. Ba’t ko ba po-problemahin pa ang nangyari sa reception kanina. Ang importante, makapag pahinga kami bago lumusong sa dagat mamaya.
"Come on. Gusto ko ng mag freshen-up."
Nagpatiuna na ako sa paglakad kasunod ko si Donna na panay ang kwento habang ipinapakita sa akin ang mga pegs niyang pictures for sunset later. May pagka OC kasi ang isang ‘to pagdating sa IG newsfeed niya. So everytime na may trip kami, be it a quick one or week long, parati na para itong magpaplano ng kasal. Mula sa outfit na isusuot hanggang sa kung paanong pose at saang anggulo dapat kuhanan naka plano.
“Let’s do this one, bakla. I likey.”
I was about to comment on the photo she’s showing me when my attention was grabbed by the coziest cabins I’ve seen.
I gasped. Magkasalikop ang mga kamay na humarap ako kay Donna.
“Ang ganda! Instagrammable!” Parang baliw na koro namin with matching talon pa.
“Tara check nain ang loob.”
Excited na itinulak ko ang pinto ng pinaka gitnang cabin at lalo akong namangha. Instantaneously, I loved the place. I was amazed at its quaint aura. The place, just like the rest, was made of wood, nipa, and everything nature, the vibe of the place reminds me of Bali.
May dalawang double bed at nakapagitan sa mga iyon ay ang isang night table na yari rin sa kahoy. Nang makita ang hagdanan, mabilis akong umakyat patungong loft area.
“Dibs,” aniko sabay higa sa malambot na kamang naroon. Iniunat ko ang kamay at nakangiting sinipat ang maliit na bintana sa gawing kanan ko. I love the view it offered, tanaw ko ang dagat mula sa kinahihigaan ko. Kahit may kababaan ang kisame, ayos lang sa akin.
Matapos kong ayusin ang mga gamit na dala, nagbihis na ako dahil nagka ayaan na nag mga kaibigan kong magtungo sa beach. Mag iikot-ikot kami, take some pictures para lamang IG feeds and my favorite part sunset watching.
Biglang sumagi sa isip ko si Liam, how I wish he's here right now. Ang saya siguro na magkahawak kamay kaming maglalakad sa beach while watching the sun sets slowly. Romantic. Kaso ang layo ni Kamahalan, babawi na lang kami sa ibang pagkakataon.
“Bakla, leggo!” Sigaw ni Donna.
“Coming,” I grabbed my tote bag and head downstairs.
Bago tuluyang sumunod sa mga kaibigan, huminto ako sa tapat ng nadaan na full size mirror and checked myself. I wore my go to beach outfit, daisy dukes and a black cami tank top which I bought from Zara's clearance sale last month.
Nang makonteto, lumabas na ko't masayang naglakad papunta kina Chardii. Tahimik ang buong resort, tila kami ang may-ari sa mga oras na ‘yon. The sun was warm on my cheeks, I could still feel the residual heat of the afternoon beneath my feet.
I squinted my eyes. Sa kahabaan ng mala pulbos sa putiong buhangin, naroon ang mga kaibigan ko’t nagkukulitan. Rinig ko mula sa pwesto ang pang-aasar ni Karlo kay Donna.
“Gen, tara!” Kaway ni Chardii sa akin nang mapanasin ako.
Patakbo 'kong lumapit sa kanila para sa picture sesh naming alam kong aabutin ng isang oras.
"Bakla, halika. Let's have a groupie bago ko paslangin ‘tong si Karlo.”
Natatawang tumabi ako sa kaibigan. Gamit ang mirroless Fujifilm camera ni Chardii, we took tons of photos together. We also take turns para sa ika nga ni Chardii 'pang malakasang' beach photo. Nang mapagod, we lounged on one of the big chairs. Sipped some juice then bask on the afternoon sun.
Maya-maya’y bumangon ako’t bumaling sa mga kaibigang may kanya-kanya na ngayong mundo.
"Guys, swim lang ako. Kayo?"
"Later na ko. Go bakla,” pagtataboy ni Donna na ‘di nag abalang mag-angat ng tingin. Pusta ko nag po-post siya ng story sa i********: niya.
"Me too. Ayusin ko lang ang camera tsaka pupunta kami ni Karlo sa reception para magpaluto ng food for dinner,” si Chardii.
"Okay, ako na lang mamaya ang mag se-set up para sa bonfire," nakangiting presenta ko.
"Shoot. Enjoy."
Isinampay ko ang beach towel sa balikat, magaan ang mga paang nagtungo sa tabng dagat. Matapos kong ilatag ang tuwalya sa buhangin, I take off my shorts and the cami top that I'm wearing revealing the black bandeau bikini set.
Parang batang tumakbo ako 't nag tampisaw sa dagat. ‘Di alintana kung mag-isa lang akong lumalangoy, I missed being with the sea, it's my happy place. Pakiramdam ko lahat ng mga alalahanin at pagod ko sa buhay ay nawawala kapag nakakakita ako ng dagat. May kalahating oras din siguro akong nagpakasawang lumangoy at nang makaramdam ng pagod at lamig, umahon na ako. Sakto, ilang minuto na lang at lulubog na nag araw.
I was reaching for my towel when a lean muscular hand grabbed it first. Nagtatakang nag- angat ako ng tingin, napalundag ang puso ko nang mapagsino ang salarrin.
"You're here!" I squealed, throwing my arms around Liam’s neck.
"You're wet."
I jumped in excitement and wrapped my legs around his taut waist. I'm clinging to him like a monkey. Sa sobrang tuwa, pinugpog ko ng halik ang pisngi nito.
“I missed you, Kamahalan.”
“Ditto, love.”