GEN'S POV
"GEN. DONNA. Did you have your copies of the Protocols and sched?"
"Got it, J." Nakangisi kong sagot kay Jaques gamit ang pet name ko sa kanya. Nangingiting umiling ito.
Para kasi ‘di naman lugi kay V at hindi din ako mapagod kapag tinawag ko siya, I decided na gawin na ring first letter ang nick name ko sa kanya. No brainer.
"Creative. Ver original. Nice one, Gen." Tatawa-tawang sabi nito, napakamot ng batok. Saka tinapunan ng nahihiyang tingin si Donna na panay ang hawi ng buhok.
What's with these two?
Bago ko pa mabiro ulit si Jaques ay dumating na ang entourage ni Prince Yñaki.
"Good morning, Your Highness." Magkasabay na bati naming tatlo.
Kasalukuyan kaming nasa malawak na basement parking ng palasyo na mas mukhang car showroom ng mga luxury cars kaysa parking. Countless expensive cars were scattered around us, hindi pa kasama ang nasa basement two. Ranging from Maserati to Dodge to Bugatti. Name it, the royals has it.
"Morning." Magaan ang boses na ganting bati nito at tumingin sa amin ni Donna. " Where's Liam?"
"He's on his way here, Your Highness. Kasama po si V." Sagot ko.
"Okay. Stagecoat's ready?" Baling nito kay Jaques na ang tinutukoy ay ang opisyal na sasakyan ni Prince Liam.
"Yes, Your Highness,” mabilis na sagot ng second in command ni Kamahalan saka kinausap ang mga tauhan sa earpiece. "Wheels up. Spectator and Blackhawk's ready."
Those are the secret names for the royal princes. The third prince is the former and Kamahalan’s the latter one.
“s**t,” usal ni Donna sa tabi ko. I followed her gaze and I shared her sentiments.
Holy fudge! Pumarada sa harapan namin ang isang silver-blue sleek Mercedes Maybach Pullman s650. It's LUXURY in bold letters.
Mentally, napasipol ako. The royals really know how to spend their money. Why? Cause its the most expensive sedan in the world. The freakin' car is a limited edition. Ang alam ko dalawa lang ang ni-release ng company na ganoong design. The price is a staggering one million euros.
"Everything good?"
Naputol ang silent appreciation ko sa Maybach ng marinig ang baratinong boses ng amo sa may bandang likuran ko.
"Yes. We're good. You're such a drama queen. Always late,” pang-aalaska ni Prince Yñaki dito sabay pabirong binigyan ng mahinang straight si Kamahalan sa braso.
Prince Liam’s face darkened then he groaned.
"Don't start." Ani Kamahalan sa pinsan na malokong naka ngisi. "Miss Trinidad, you'll be riding with Prince Yñaki.”
"Yes, Your Highness." Mabilis na sagot ng kaibigan ko’t pinisil ako sa kamay. "Later, Bakla." Bulong niya bago naglakad patungo sa pwesto ni Neil, ang royal guard ng third prince.
"Let's go then,” aya ni Prince Yñaki.
Naunang umalis ang mga ito, kasunod kami nila Prince Liam. Aktong bubuksan ko ang pinto sa shotgun ng napakagarang sasakyan nang pigilan ako ni Jaques. Nagtatakang tumingin ako sa kanya, inginuso naman agad nito ang pintuan ng backseat.
Kinunutan ko siya ng noo. Ang alam ko kasi ako ang katabi ni V, ang designated driver namin today.
"Here, Gen." Jaques said while holding the door for me.
“Seriously, Jaques?”
“Yup,” he said popping the letter ‘P’. “Royal order.”
Wala akong nagawa kung hindi ang lumulan sa loob ng sasakyan kung saan mataman nang naka upo ang amo namin.
"Fasten your seatbelt so that we can go, Genessia."
Quickly, I searched for the seatbelt and secured it around me.
"Good. Let's go." Utos nito kay V, ibinalik ulit ang buong atens’yon sa binabasa. Iyon ay ang questionnaire na ipinasa ni Donna kagabi. The royal secretary was very firm on the the approved questions and how should the royal princes answer those.
With a sigh, I decided to keep myself busy as well. The ride would be 30 minutes give or take, so I still have time to check my emails and his royal highness’s schedule. Click the never-ending notifications and send
"Did you get your laptop back?" He asked without tearing his gaze to the paper he was reading.
Naituwid ko ang likod.
"Yes, Your Highness. I want to apologize about yesterday,” alanganin ko siyang sinipat mula sa gilid ng mga mata ko. “I also want to thank you for the chocolates…I ahm—”
"Genessia,” he cuts me off.
Nagtatakang nag-angat ako ng tingin at tumitig sa gwapo niyang mukha. Nakangiti ito sa ‘kin, he seemed amused. I want to smile back but my cingulate cortex failed to function. Mukha na naman akong tangang nakatitig lang tuloy sa binatang prinsipe.
A humorless laugh was the response I got from him. Then he gently shook his head. I even heard him whispering something.
“May mali ho ba akong sinabi?”
"You see, apology and sorry are two different words. But people tend to think that they both mean the same." Tumagilid ito sa pagkakaupo, tuluyang humarap sa ‘kin. He looked straight at me, making me uncomfortable and at ease at the same time.
Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. Pwede pala iyon? I don’t freaking know.
"The former, is just a formal way of admitting one's mistakes without any remorse or whatsoever. While the latter is heartfelt and expresses regrets. Alin man sa dalawa wala akong pake, Genessia. All I care is you mean whenever you say sorry or ask for an apology." Nakangiti ito habang binibigkas ang huling mga kataga, habang ang mga mata niya'y parang may sariling kamay na hinahaplos ang mukha ko. ‘Di ko na naman tuloy napigilang mag init ang magkabilang pisngi ko.
Akmang ibubuka ko muli ang mga labi nang muli na naman ako nitong pigilan.
“Oops. Don’t. Alam ko na ang sasabihi n mo. You’ll insult me. You can throw it for all I care but don't dare return it to me.” The authority in his tone is evident and to argue with him is just plain stupid.
Sukong yumuko ako’t minasahe ang sentido.
"Noted, Kamahalan." I muttered audibly.
"Good." He seemed satisfied with what I'd said. I saw him fish something in his pocket then I was surprised when he lean forward and took my right hand. "Let's change this pesky thing, shall we?"
Napalunok ako ng ilang ulit dahil sa ginawa niya’t dahil na rin sa ilang libong boltaheng tumakbo sa buong katawan ko nang masuyo nitong ilapag sa hita ang kanang kamay ko. Pinaraanan niya ng index niya ang daliri kong natatakpan pa rin ng band-aid. Maingat nitong inalis iyon, get a wet wipe and slowly dab it to the small cut.
I blink. Namamalikmatang nakatitig lang ako sa ginagawa ni Kamahalan. The whole time na pinapalitan niya ang band-aid sa daliri ko, nanatili lang akong nakatitig rito.
Why? How? Bakit? Shuta ko!
"There." Anas niya, pati ang mga mata’y nakangiti. Para itong batang tuwa-tuwa sa ginawa. Itinaas pa ang kamay ko’t inikot iyon sa harapan.
"T-thank y-you,Kamahalan." Nauutal kong sabi habang wala pa ding kakurap-kurap na nakatingin sa kanya.
"Cute."
I swoon even more and then I die. Hindi ko alam kung ako ba o ‘yung blue blue band-aid n may design na Captain America ang tinutukoy niya.
Patawad, captain america. Sana ako na lang!
Naging tahimik naman ang buong duration ng biyahe namin mula palasyo hanggang sa TV station. May mga times lang na bigla akong kakausapin o tatanungin ni Prince Liam tungkol sa interview o sa mga appearances nito s amga susunod na araw. It’s boring, actually. Puro work related but honestly, it’s the most boring moment I’ve find myself enjoying the most. It’s one of the things I admire about the crown prince. His work ethic and his commitment for this country and for the crown.
Nang makarating kami sa KLC —ang pinakamalaking tv station ng bansa, puno ang buong lugar ng mga taong nais na masilayan ang prinsipen kaya sa likod kami dumaan. Naging smooth naman ang lahat, we were guide to the designated room for the two royal prince.
"Miss Rodriguez, here are the lapels for the Royal Princes." Nakangiting inabot sa kin ng isa sa mga crew ng show ang mic, agad kong kinuha iyon at nagpasalamat.
“Let me know if you need anything."
“I will. Thanks,” kumaway pa ako nang umalis na ito’t mag paalam.
Bitbit ang mga lapel mics, lumapit ako sa couch kung saan nakaupo sila Jaques at Donna. Habang sa ‘di kalayuan ay naroon ang mga amo namin at hinihintay ang mga royal stylist na mula pa sa palasyo. You ehard me right. The royals bring their own makeup artist and hairstylist whenever they do some interview outside the palace grounds. It’s over the top, I know. But that’s the royal way of living.Go f*****g big o not at all. No in between.
"Here's the mic, J." Inabot ko kay Jaques ang dalawang itim na pouch. Kinuha naman niya iyon sa kin at agad na binuksan. He needs to inspect it, scan for bugs and all. SOP.
"J?"
Sabay-saby kaming napalingong tatlo kay Prine Liam. His face is grim. His left eyebrow was raised in an arrogant questioning look. May kakaibang kinang ang mga mata na hindi ko matukoy.
"J for Jaques,Your Royal Highness,” walang gatol na sagot ko. "I decided to call him that, unfair po kay V." Dagdag ko pa’t matipid na ngumiti.
"Point taken. So you should call me Y and the Crown Prince L,right?" Biglang singit ni Prince Yñaki. Inikot pa nito ang kinauupuan at humarap sa amin. Abot hanggang tenga ang ngiti nito.
"Y stands for Young...Yummy and L for ahmm…” the third prince innocently scratched his chin. “Lucky? Lion-hearted? Luscious, yes naman! No,no! Mas okay iyong ‘Love’."
Napaubo ako dahil sa huling sinabi nito. Wala sa loob na napatingin ako kay Kamahalan.
"Yñaki, eso basta!" Galit na saway ng seryosong si Prince Liam sa katabi.
"Relax. I was just joking with Gen. "
“She’s Miss Rodriguez to you.”
Naputol ang anumang sasabihing ni Prince Yñaki sa pagsulpot ng isa sa mga make up artist na galing sa palasyo. Agad itong pumasok kasunod ang isa pang makeup artist at nag simulang ayusan ang dalawang prinsipe para sa interview.
"I'll be outside. We will do one last sweep before the program starts." Saad ni Jaques sa amin ni Donna at nag paalam ito kay Prince Liam.
Naiwan kami ni Donna na busy sa mga iPad namin. She's monitoring the social media accounts while I'm talking to one of the crew.
"Miss Gen, we're done. Tawag po kayo ni Prince Liam." Pukaw sa ‘kin ni Rhea ang isa sa mga makeup artist.
"Okay,” tumayo ako’t sumunod dito.
Nadatnan kong nakatayo na pareho sina Prince Liam at Prince Yñaki mula sa makeup chair. My feet stopped on their own accorr, my jaw was on the floor.
Damn royals!
Nag explode yata ang ovaries ko sa nabungaran. The two royal princes are both dapper and dripping with a beauty that should be illegal in this lifetime or even in the next one. Parang a-attend ang dalawa ng red carpet or royal gala. They’re both elegant and striking in their custom-tailored three-piece Armani suit. Charcoal gray for Prince Liam and navy blue for Prince Yñaki. I’m sure marami na naman ang hahanga sa dalawang ito mamaya.
“How do we look, Gen est Miss Rodriguez?” Tanong ng ikatlong prinsipe sa akin.
I silently thank him for that. Kung nagtagal pa siguro ang pagkatulala ko sa kanila, baka tumulo na nang tuluyan ang laway ko.
“Y-you look dashing. Like always, Your Highness,” I tried my best na magsalita nang ‘di nabubulol.
Ngumiti naman ang ikatlong prinsipe habang si Kamahalan ay walang paki sa amin. Bugnot na bugnot itong inaayos ang suot na tie. He’s so adorable kung ako ang tatanungin. Hindi ko tuloy naiwasang hindi ngumiti lalo pa nang marinig itong nagmura.
Hindi iyon nakaligtas sa matalas na mga mata ng pinsan nito kaya mabilis akong nag-iwas ng mga mata’t nagkunyaring sinipat ang oras sa wrist watch ko.
“The show will start in 10 minutes, Sirs.”
"Damn it! Remind me why do I need to put this thing?" Iritable ang tono ni Pirnce Liam nang bumaling sa gawi ko.
“Dahil need, duh!” Pilosopong sagot ng third prince, he even playfully rolled his eyes.
“Itali ko kaya sa leeg mo ‘to para maging happy ako, duh!”
“Mierda. I’ll tell V and Jaques to forbid you from seeing Seven. Nahahawa ka sa kalokohan nung siraulong ‘yon. Masama ‘yan for your immaculate image.”
Inis na humarap sa amin si Kamahalan, salubong ang malalagong kilay.
“Remind me to call a certain Shamie Torrevillas later, Genessia.”
“What the f**k? Hey, Liam. I’m just joking. Parang tanga ka naman, ‘di ka na nasanay.”
“Hindi talaga.”
“Man, come on. Maawa ka naman sa akin. Lahat kaya kong kausapin…give me Diez instead huwag lang ang psycho na ‘yun.”
Ngumisi si Prince Liam, balewalang hinila ang tie. “It’s not my problem anymore. Besides, ikaw nag fave niya base sa pagkakatanda ko…nag enjoy raw kayo ng todo noong nasa Amsterdam kayo.”
“f**k him. Siya iyong nag-enjoy, not me. That freak wants me to watch while he participate into some orgy–”
“Mouth!”
“Shit.”
Nagpalitan kami ng makahulugang tingin ni Donna. Mabuti at wala na roon ang mga royal stylists.
“You n-need help with the tie, Prince Liam?” Buong tapang na tanong ko para lang mawala ang tensiyong namamagitan sa mag pinsan.
Nagulat ito saglit pero marahang tumango't inilahad ang kamay na may hawak ng kurbata.
"Be my guest, Genessia."
Marahan akong lumapit, inabot iyon while the crown prince casually put his hands on his pockets. I focused my gaze on his chin or on his sexy throat as I go through the motions of tying the tie. I don’t dare to look up, baka kasi matunaw na ako.
"I only know 2 kinds, Your Highness. Four-in-hand or Half Windsor?" Sabi ko sa kanya at hinawakan ang magkabilang dulo ng kurbata at bahagyang tumingala. Gaya ng hula ko, titig na titig ito sa ‘kin. The tip of his fukl mouth was tugged upward, he’s giving me that sexy lopsided smile. Nanginig nang bahagya ang kamay ko dahil sa ngiting iyon.
"Anything you want, Genessia,” he said nonchalantly then lift his broad shoulder, shrugging.
“Anything, Sir?”
“Anything. I'm all yours,” he added huskily.
My cheeks automatically flushed because of his remark. The innuendo it offered. I chose to ignore him and with slightly trembling hands, I started to work wonders on his tie. I pretended to be unaffected by our closeness. With his masculine scent or his piercing gaze. This royal prince made my job easy and hard at the same time.
"Done, Kamahalan." Mahinang sabi ko't tumingala matapos kong gawin ang four-inhand tie knot sa kurbata niya. Our eyes locked.
Instantly, the room felt smaller. Hindi ako makahinga, as I the walls were starting to closing in as I drown myself with those intense pools. I’m drowning, mesmerized. I’m lost and then I am found, all at the same time.
Geez, ramadam ko ang paggapang ng init sa buong mukha ko lala pa nang makita kong matiim na naka tingin si Prince Liam sa mga labing ngayon ay bilanggo ng mga ipin ko. Is he somehow thinking those scorching moments we shared? Is he planning to act on this palpabale s****l tension that seemed to be present whenever we’re this close?
I hope…
"Why, this reminds me of something?" Boses ni Prince Yñaki ang pumutol sa magical moment namin ni Kamahalan.
Nakalapit na ito sa pinsan na gaya ko’y hindi rin malaman kung saan ibabaling ang tingin. Para kaming mga batang nahuling nang uumit. Nakangiting pinag lipat-lipat nito ang tingin sa ‘min ni Prince Liam at nag tagal iyon sa mga kamay kong nahawak pa rin pala sa kurbata ni Kamahalan.
Fudge!
Parang napasong binitawan ko agad ang tie ni Prince Liam at umatras ako palayo sa kanya.
"You..” Turo ni Prince Ynaki sa pinsan, " …wearing grey and then Gen's name rhymes with Dionessia or…what's her name?" Nagpapatulong na bumaling ito sa best friend kong nakangisi na tila aso ngayon.
"Anastacia, Your Highness." Sagot nitong sinakyan naman ang trip ng pilyong prinsipe.
The third prince snapped his fingers.
"Yes! Tama."
"Stop it, Ynaki!" Saway ni Prince Liam at tinapunan ako ng tingin. Parang alam niya ang nararamdaman kong pagka ilang ng mga oras na 'yon. Pulang-pula ang buong mukha ko dahil sa pinag sasabi ng dalawang kasama namin sa dressing room.
"Why? Don't tell me ‘di mo alam ‘yung movie na sinasabi ko?"
‘Di na nakuha pang sagutin ng crown prince ang tanong ng pinsan dahil narinig ko ang boses ni Jaques sa two-way radio na hawak ko. He's telling me that the program will start in 4 minutes and that the royal princes’ are now safe to go out of the room.
"Oh, timely. Laters, Baby." Banat pa din ni Prince Ynaki sabay kindat sa amin ni Donna bago ito nagpatiunang lumabas.
"Hijo de puta!" Galit na singhal ni Prince Liam sabay sunod sa pinsan.
Hindi na itinago ni Donna ang pagtawa nang maiwan kaming dalawa sa dressing room, habang pinong kurot sa tagiliran nito ang naging sagot ko.
“Putcha ka, bakla. Aray naman!”
“Manahimik ka nga. Nakakahiya,” saway ko’t pinahaba ang leeg para i-check na wala na ang mga amo.
“Ikaw na talaga ang siyang tunay na pinagpala sa lahat. Nawa’y lahat, Genessia.”
I rolled my eyes saka ito hinila palabas.
“Ca’t wait to make kwento with Chardii,” maarteng saad pa nito habang nagpapakaldkad sa akin.
“Isa pa talaga, ipapasok ko tong gadget sa bibig mong shuta ka!”
“Hmp! E ‘di stop na. Sungit pero ang totoo, kinikilig pati tumbong mo.”
I groaned, exasperated. Hindi ko na lang siya pinansin. Kapag naka total b***h mode si Donna, kahit harangan ito ng sibat walang makakapigil rito.
Nilakad namin ang mahabang hallway, sa dulo noon ay ang isang magandang set up ng studio ang bumungad sa amin. Sa gitna, naroon ang stage kung saan ay may nakakalat na mamahaling sectional couch. Kasalukuyan nang okupado iyon nila Prince Liam, kaharap ng mga ito ang famous talkshow host na si Tito Vhoy.
Masayang nag-uusap ang tatlo habang ang mga live audience naman ay pilit na pinatatahimik ng mga floor directors. Ang ilan kasi sa mga ito'y panay ang palakpak at tili sa pangalan ng dalawang prinsipe. The number of audience have been limited to 100 for security purposes. Pero kahit na mas kaunti ang tao sa studio kaysa sa normal na capacity nito, wild pa rin ang ilang mga avid fans ng mga Royal Princes. May mga banners at tarpaulin pa ngang dala ang iba.
Tumayo kami ni Donna sa may tapat ng stage malapit sa live audience seat habang ang mga royal guards ay nakatayo malapit sa malalaking camera. I even noticed some are positioned strategically inside the studio, no blindspots were left.
Maya-maya pa'y nagsimula na ang programa. It's an afternoon talkshow na sobrang tinatangkilik ng mga Filipino dahil na rin sa galing ng host nito at sa mga guests ng programa na pawang mga kilalang persoalidad ng lipunan.
"Prince Liam, Prince Yñaki maraming-maraming salamat sa pag papaunlak sa amin ngayong araw na ito,” nakangiting sabi ni Tito Vhoy sa dalawang nag ga-gwapuhang prinsipe.
"Walang anuman, Tito Vhoy. It's an honor for us to be here." Ganting sagot ni Prince Liam. He’s sitting calmly on the plush couch, both of his hands were on the armrest. He really looks like a king.
"We also would like to thank 'yong mga taong naririto ngayon at nasa mga tahanan nila. Maraming salamat ho sa panonood,” si Prince Yñaki na bahagya pang yumuko sa harap ng camera.
Nag tilian naman ang mga grupo ng teenagers na nasa kanan namin ni Donna,sabay naming natakpan ang mga tainga dahil doon.
"Geez, mamaya sasakit lalamunan ng mga 'yan." Naiiling na komento ni Donna sa tabi ko na agad kong sinang-ayunan. "Duma- the moves ka kanina ha?" tukso nito sa ‘kin sabay siko.
Akala ko naka move on na ito sa eksena kanina sa dressing room with Prince Liam, ‘di pa din pala.
"Shut up, bakla. Mamaya ka sa ‘kin. Sasabunutan talaga kita. Sinasakyan mo pa pati trip ni Prince Yñaki,” pinanlakihan ko siya ng mga mata.
Umirap lang ang gaga.
"Hmp! Totoo naman sinabi namin kanina, no? ‘Di mo kasi nakikita kung pano ka niya titigan. Its as if ikaw ang pinaka importanteng bagay sa mundo. Ako ang natutunaw at pumuputok ang matris dahil sa tingin na iyon. Ang lagkeet! Malagkit pa sa malagkit na bigas, s**t!”
"Manahimik kang babae ka. May makarinig sayo, ano ba!" Naiinis kong saway dito sabay hampas sa braso.
Nag kibit-balikat lang ito. Muling itinuon ang pansin sa stage. Tiiming na nagsisimula ng magtanong ang host kina Prince Liam tungkol sa mga charity works ng Royal Family. Masaya at puno ng galak na sinagot iyon ni Kamahalan. His eyes were shining with pride when he started to talk about all the works and projects the crown have. From the annual cancer gala event down to the small educational works they have for the people, lahat iyon mataktikang inilatag ng prinsipe sa mga humahangang tao sa paligid.
"Their Royal Highness, may natanggap po kaming ilang mga questions from our followers in twitter. Are you both game to answer some of them?" Tanong ni Tito Vhoy nang ma-cover na ang ilang mga seryosong katanungan.
Nagpalitan kami ng kinakabahang tingin ni Donna. This is it. He’ll try to roast the royal. Pipi akong umusal ng dasal na sana’y mag paid-off ang pagod naming lahat para sa interview na ito.
"Of course." Ani Prince Yñaki.
Tumikhim ang host sabay titig sa teleprompter na nasa harapan nito. I internally rolled my eyes at that stupid gesture. As if naman hindi niya kabisado ang mga itatanong niya sa dalawa. Pupusta akong alst week pa ito excited na makausap ang mag amo namin.
"Our first question is from @absnijunhoe. The question is 'Do you think that the crown or monarchy is still relevant in our country? Why?'"
"Let me answer that,” pag pe-presenta ni Prince Liam. Umayos ito ng upo’t pasimpleng hinipo ang kurbata.
Of course, he will answer that. He’s expected to. It’s his birthright, the crown, and defending its importance to the public became one of his tasks nowadays.
"The monarchy or Crown is the oldest form of government in our country . It act as the national identity of Reino de Filipinas. It makes our dear country unique not because of the the Royal Family per se but the historical significance it provides. Nagbibigay ito ng sense of unity and pride para sa bawat isang Filipino. Sa aking palagay, kapag nawala ang Crown sa ating bansa para na rin nating tinanggalan ng pagkatao ang mahal nating Pilipinas, hindi ba? This shouldn’t be a question. The crown and Reino Filipinas are two different person that think and act as one. One cannot function well without the other. The Crown is useless without you…its people. Likewise, the people…this country is lost without its soul. The Crown.”
Umalingawngaw sa loob ng studio ang mga palakpak namin matapos sumagot ng crown prince. Napangiti ako sa kinatatayuan ko. I’m more than proud of his answer and the reaction it evoked from the audience. They are roaring!
Napansin ko ring pati si Tito Vhoy ay bumilib sa sagot ni Prince Liam. Malawak itong ngumiti habang panay ang palakpak.
"I totally agree with you, Prince Liam,” sang-ayon niya bago muling tumingin sa prompter kung saan naka-flash na ang susunod na tanong.
"Ang susunod nating tanong ay ipinadala ni @marrymeprinceliam. "
Isang malakas na 'Wehhh!” ang narinig naming sagot ng mga tao sa paligid matapos basahin ng host ang username ng sender. Natawa pa nga kami ni Donna nang makita naming napailing si Prince Liam habang panay ang kantiywa ng pinsan nito.
"What is your ideal girl?" Ani Tito Vhoy nang kumalma na ang crowd. "Who would want to answer this? Yes, Prince Yñaki."
"Well, sad to say I don't believe an ideal girl.”
"Could you please elaborate, Your Highness?"
Buong stusdio natahimik dahil doon. We waited on bated breath for the third prince’s response.
Prince Yñaki gave his signature no nonsense smile. Mas lalong na-emphasize ang pagiging cool nito lalo pa nang pasimpleng paraanin nito ang daliri sa ilalim ng baba. He looked at the audience blankly. No scrath that. Dreamy.
He stared into the nothingness with so much emotions in his eyes. Longing. That’s the what I saw. Pero ang tanong sino? Wala akong nababalitaang seryosong dine-date nito.
“Your Highness?”
He shook his head.
"Mas naniniwala ako sa perfect girl. Ideal kasi for me, it means it is the ultimate standard. The practical choice…the made up character we had during our childhoods. Our hoped-for someone.While perfect is something that exist,it's real. The best choice. Lahat pwedeng maging ideal pero ‘di lahat ng ideal perfect para sa’yo,” nakangiting paliwanag ni Prince Yñaki pero nasa mga mata nito ang kaseryosohan ng mga sinabi.
Mas lalong kinilig ang mga tao sa audience dahil sa sagot ng prinsipe. I swear, mamaya ubos ang lozenges ng convenience store sa ibaba nitong station dahil sa walang patid na tili ng mga kababaihan.
"Ang sarap i-status ng sinabi ni Prince Yñaki,” bulong ni Donna sa tabi ko na mabilis kong sinangayunan.
"It's kinda cringey everyone.Pag pasensyahan niyo na po si Prince Yñaki." Pagbibiro ni Prince Liam. Nagtawanan namang ang lahat dahil sa komento na iyon ng prinsipe.
"Our next question is from @theThingkinBelle. Did you ever get jelous? If yes, sino ang huling taong pinagselosan mo."
Napatayo ako nang tuwid sa narinig habang ramdam kong si Donna’y lalong nagwala ang inner Marites.
"The Crown Prince will answer that. Right?" Malokong sagot ni Prince Yñaki sabay baling sa katabi.
Prince Liam stared at his cousin darkly, his jaw clenched. Subtle lang ang body reaction na iyon, pero nahuli ko.
"s**t, bakla. Ako kinakabahan sa sagot n’ya. Tara alis na kaya muna tayo,” impit na sabi ng kaibigan kong parang bulate sa tabi ko.
“No,” talo ko pa ang tuod nang sumagot ako rito. Hindi ko maalis ang mga mata sa gitna ng stage. Tila nabitin sa ere ang hininga ko. Oo, hinihintay ko ang sagot ni Kamahalan na para bang doon niya nakasalalay ang buhay ko.
Well, I think doon nga. Dahil kusang kinapa ng palad ko ang bulsa ng pantalon. That answer may break me but I’ll f*****g stay. Once and for all, I want to know. Hindi ba’t sinabi ko na sa sarili kong haharapin ko na siya at kung anuman itong mayroon kami.
Nang tumikhim ito, ramdam kong pati ang buong reino hindi rin huminga gaya ko.
"I've never been jealous. Why should I be?"
Ouch! Ba’t ang sakit? Akala ko kagat lang ng langgam, ‘di naman ako na-inform na ‘sing laki ng T-rex yung langgam. Ouch!