GEN’S POV
"I HAVE NEVER been jealous. Why should I be?"
Bakit parang may biglang kumurot sa puso ko? Ang sakit. Ano bang inaasahan kong isagot niya? Wala naman siyang girlfriend as of the moment, wala ring nililigawan.
Eh ako? Baliw na sawata ng haliparot kong sarili. Paano iyong mga nangyari sa amin sa Cebu at Catbalogan. Okay, Cebu is understandable but the one in Catbalogan. Gosh, it holds a special place into my heart. Sa narinig ko ngayon, tama nga si Donna. Hopia lang ako.
And for cying out loud, why send those mix signals like he care when I hurt my knees or when I get myself wasted. Ang chocolates para saan ang mga iyon? Hanep. Ang mahal naman niyang ma-bored, pati puso ko naitaya.
Jesus. How foolish of me to think that there's a deeper meaning behind his actions.
Kuyom ang mga kamaong tumitig ako sa screen, ready to flight then I heard his voice. Soft, crooning and a hint of edge on it.
"I don't get jealous really. There's a gray line between jealousy and envious, that's why I considered it as politically incorrect. Thus my prior answer.”
I heaved a sigh. Parang dahan-dahang gumaan ang bagay na nakadagan sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.Iyong kirot na naramdaman ko kanina ay unti-unting kumalma. Napapalitan na naman ng pag-asa. Palitan ko na rin kaya ang word na marupok sa diksyunaryo? Damn, Gen! Naiinis na ako sa sarili dahil sa karupukan at kagagahan ko. May award bang matatanggap ang gaya ko o may contest ba na pwedeng salihan? Kung meron, magpapasa na ko ng application. Sure win ako doon.
“You good?” Donna pried and I nod, my gaze was on the stage.
"So what's the acceptable term then, Your Highness?" taas kilay na tanong ni Prince Yñaki. He's wearing that smug smile on his face.
"Emotionally impaired, prolly. I don't know," Prince Liam answered with a blasé expression.
Natawa kami sa sagot niya. Halata kasing pikon na pikon ito sa ginagawang pang aalaska ni Prince Yñaki. Bigla, nagtama ang tingin naming dalawa. Talo ko pa ang nakainom ng tatlong baldeng kape ng mag palpitate ang puso ko dahil sa tingin ni Kamahalan. Matiim iyon pero naroon ang tinatagong pagsuyo. Holy!
Nang matipid itong ngumiti, sumabog na sa sahig ang katinuan ko. s**t. What’s my name again?
"Thank you for that, Your Highness. We have our next question here from @binibininglaica. Can you give us your favorite place and food," si Tito Vhoy at tumingin sa third prince.
"My preference is wide. So, anywhere and anything would be fine with me. ‘Di naman ako pihikan. I'm very easy to please," Prince Yñaki said.
"That's great to hear, Your Highness. How about you Prince Liam?"
"Place?" Humawak ito sa baba na tila na- iisip. "Hmm…madami but I think Cebu's the best. They have the best street party and ahm..alleyways,” bahagyang lumamlam ang mga mata nito nang banggitin ang huling salita.
Napasalmapak ako ng upo sa malapit na silya nang wala sa oras. Hindi na keri ng buong pagkatao ko ang nararamdaman sa mga oras na 'yon. Parang tumalon ang puso ko't napunta iyon sa lalamunan, nakakabingi din ang sobrang bilis na pag pintig non. Nanlalamig ang buong katawan ko, both of my palms are sweaty now.
"Mukhang may significance sa inyo ang Cebu at alleyways, Your Highness," makahulugang sabi ni Tito Vhoy na nagpatuwid ng likuran ko.
Ngiti lang ang isinagot ni Prince Liam roon, ‘di ito nag abalang magbigay ng komento sa sinabi ng host.
"How about food, Your Highness?"
"Food? Noodles."
"Anong flavor?" tanong ulit ni Tito Vhoy kay Prince Liam.
"Hot and spicy," he supplied then a sweet smile formed on his lips. His eyes were dancing and he has that odd look on his face. It’s fondness.
Gusto kong panawan ng ulirat. Is this his way of confessing? Na kilala niya ‘ko’t natatandaan niya ang mga nangyari sa amin noon sa Cebu? Tulad ko, hindi rin niya magawang maka move on? That the litte special things we shared were etched on hi sbrain just like it was to me?
A warm feeling started to creep into my heart as tears gathered at the back of my eyes. Heto na ba ‘yong aha moment na hinihintay ko? His subtle way of saying that I do matter to him.
Walang pagsidlan ang saya ko’t alam kong ramdam ng kaibigan ko iyon. I looked uo at Donna who’s standing right next to me. Ngumiti ito’t pinisil ang balikat ko.
"You have to talk to him, bakla. After this show, talk to him," bulong ni Donna.
Marahan akong ngumiti’t buo ang loob na tumango sa kanya.
Bumalik ang tingin namin sa stage nang mag salita si Tito Vhoy. Ilang minuto na lang ang natitira, matatapos na ang interview ng dalawang binatang prinsipe. The next part of the show is the highly anticipated segment of the whole program. Ayaw sanang pumayag ng mga taga palacio dito but then the PR department together with the Socials, see this as an oppotunity to polish up the image of image of the Crown and the Royal Family. Thus, the preparation and now the anxiety for us.
"Thank you for being so sport, Prince Liam and Price Yñaki. Napakalaking karangalan para sa amin ang pagpapa unlak niyo sa panayam na 'to. But pwede bang lubos-lubusin na natin?"
Nagpalitan ng tingin ang dalawang mag pinsan bago marahang tumango sa host.
"We will do the fast talk. I'll give you two options and then you need to pick one. Kung ano ang unang pumasok sa utak niyo," nakangiting paliwanag ng host sa dalawa. "Klaro po ba, Your Highness?"
"Oh, I like that. Shoot," nakangising sabi ni Prince Yñaki na umupo pa nang pa dekwatro. Habang tango lang ang sagot ng pinsan nito.
"Okay. Prince Liam will answer first then kayo Prince Yñaki," sabay tingin ni Tito Vhoy sa hawak na papel.
"Lights on, lights off?"
"Lights on," Prince Liam quickly answered.
"Dim light, it's sexy."
Nagtawanan kami sa sagot na iyon ni Prince Yñaki.
"Beach or mountain?"
"Beach."
"Both," the third prince said then winked at the cheering crowd.
"Mahal mo o mahal ka?"
Saglit na natigilan ang crown prince bago sumagot.
"This one is complicated. Ahm…Mahal ko.”
"Mahal ako.”
There's an audible 'Oww' from the audience because of the prince's answers.
"Best time for sex."
Nanlaki ang mata ni Prince Liam, tila nalunok nito ang dila habang panay ang hagikhik ni Donna sa gildi ko.
“Kamahalan’s so cute.”
“And prude,” dagdag ko pero naka ngisi.
"Ahhmm......"
"Anytime," salo ni Prince Yñaki. Sinamaan naman ito ng tingin ng katabi habang hindi mapatid ang tili ng tao sa paligid namin.
"s*x or chocolate?" maluwag ang ngiting tanong ni Tito Vhoy.
Muntik malaglag sa kinauupuan si Kamahalan dahil doon. Lumipad ang kamay nito sa leeg, niluwagan ang kurbata.
"What?! Pass.”
Nag tawanan ang lahat sa studio kasama na ako dahil sa ayos niya, namumula ang magkabilang tainga nito. He's so adorable right now.
"s*x with chocolate. Damn! Great combo,” the third prince grin like a Cheshire cat.
Nagkagulo ang buong set dahil sa sagot na iyon ng prinsipe. Nagwala na naman ang mga kabataang nasa kanan ko, ang iba pa nga'y parang hihimatayin sa kilig dahil mas lalo pang pinalagom I Prince Yñaki ang boses. He’s doing that sexy orgasmic voice he’s known for. Kung lumipad ang mga lalamunan ng mga nasa likuran ko, hindi na ako magugulat pa.
"Wow! What can I say? Napaka game po ng ating mga Royal Princes. Mukhang madami sa ating mga kababaihan ang napakilig natin ng sobra ngayong araw. Maraming-maraming salamat sa pag papaunlak sa aming programa," Tito Vhoy said closing the program.
Tumayo na ‘ko mula sa pagkakaupo at magkatabi kaming tumayo sa isang sulok para hintayin ang dalawnag prinsipe. Nakita ko ring papalapit na sa puwesto namin si V at ang ilang mga Secret Service. They need to act as human shield sa paglabas namin sa studio hanggang sa parking lot.
"You ready?" tanong ni V sa amin nang makalapit.
"Yeah. Anon—"
Naputol ang anumang sasabihin ko dahil sa malakas na bulungan ng mga tao sa paligid. Sabay-sabay kaming napalingon sa gitna ng stage. I gasp, my hand went into my chest when I saw the reason of the ruckus.
It’s a picture of the crown prince with a known model s***h socialite in a very sweet position. Nakangiti ang dalawa sa isa't isa at halos magkapalit na ang mga mukha ng mga ito. Nakasandal sa pader ang babae habang si Prince Liam ay nakangiti dito't ang mga braso ay nakatukod sa pader, caging the woman in an alleyway.
"Someone tagged us this photo, Your Highness. This was taken in Cebu and in an alleyway," narinig kong sabi ng host sa nabiglang prinsipe.
Umingay ulit ang lahat sa studio pero ‘di ko pansin iyon. My whole body shake. Talo ko pa ang binuhusan ng isang baldeng yelo habang ‘di kumukurap. Tila may isang malaking kamay ang pumiga sa puso ko. I’ve never tasted pain before, now I know why they people loathe it.
I think I’ve been hit by a train.
"Gen,” bulong ni Donna’t masuyong hinawakan ang braso ko.
I blink the tears that are threatening to come out. Lumunok ako’t pilit na ngumiti sa kaibigan.I need to be compose. Fo f**k’s sake, nasa harapan namin sina V.
“I-I’m okay,” bumaling ako kay V na ngayon ay nasa dalawang prinsipe ang mga mata. Nnag lumingon io sa gawi ko, gusto kong hampasin ang mukha niya. He should remain stoic. That’s the default V reaction. I don’t need his pity.
“W-what were you saying, V?” I tried to mask my pain. Itinaas ko nang bahagya ang baba.
Ilang saglit nito ‘kong tinitigan, tila may hinahanap sa mukha ko. It’s sublte but I saw him clench his jaw.
Damn this man for seeing through me.
“Mauna na kayo ni Donna sa parking. We’ll take it from here.”
Tumango ako dahil kung magsasalita pa ako, mababasag nang tuluyan ang boses ko. Nang hawakan ni Donna ang kamay ko, halos liparin ko paalis ng studio.
“Bakla…”
“D-don’t,” itinaas ko ang kamay at nanghihinang itinukod iyon sa malapit na poste. “Leave me, please. I-I n-need a moment b-bakla.”
“Gen, you know that I can always help you pick up the pieces.”
Tuluyan nang bumagsak ang masaganang luha sa mga mata ko lalo pa nang yakapin ako ng kaibigan. Kahit kailan talaga, never nakinig sa akin ang bruhang ‘to. I hate her and at the same time, I love her. Kusang pumulupot ang kamay ko sa bewang ng matalik na kaibigan.
“A-ang tanga ko, Dons. Tang ina lang,” sumisinghot na bulong ko sa leeg ni Donna.
She let out a long sigh.
“Aren’t we all? It’s f*****g love we’re talking about, Gen. Kung may isang bagay man na pantay-pantay tayong lahat, pag-ibig iyon. You’ll be a lot of things when you fall into it’s trap. Nagiging bobo ka, tanga. Bulag…makata matapang o masaya. Some are intense, others well I don’t know…maybe another level of fool.”
“Ako ‘yon, the other kind of fool,” mapait akong ngumiti’t pinahid ng likod ng palad ang mga luha. “W-wala naman akong right na masaktan…ang mag inarte ng g-ganito ‘di ba? Sino ba ako sa kanya? Isang h-hamak na empleyado lang, malantod. I made myself available for him. K-kaya hindi ako dapat magalit sa k-kanya, hindi ba? Hindi ako dapat ngumangalngal ng ganito. K-kaso masakit, bakla.” Napahawak ako sa dibdib ko. There's a hollow ache inside my chest and it caused debilitating torment to my whole being. It's insufferable, I want to scream.
Donna hold my shoulder and slowly, she forced me to face her.
“Hindi kasalanan ang nararamdaman mong bakla ka. Look at me. All of this is not solely into you, okay? Huwag kang bida-bida. He lead you, Gen. Made you think and feel special. Tao ka lang. Bababe and he’s a fine charming prince who keeps throwing glances and sweet smiles on your way. Kahit sinong babae, mafo-fall,” pinahid nito ang mga kuha ko gamit ang panyo niya.
Inagaw ko iyon sa kamay niya. Nanginginig na napasandal ako sa poste kasunod si Donna. Para kaming baliw na dalawa. Fully dressed in our corporate uniforms, crouching at some corners with a vacant look on our face.
Wala kaming pake kahit na pinagtitinginan na kami ng mga dumaraang tao. Ilang saglit ang lumipas, Donna let me cry my heart out while she’s just silent on my side. Walang namutawi sa mga labi nito, hindi naman kailangan. Her presence alone is enough.
“What’s your plan?” Basag nito makaraan ang ilang saglit.
Hindi ako umimik. Malalim akong nag-isip. Then my right hand accidentally brushed the pendant resting inside my pocket. It’s now or never.
“End this stupidity.”
“Attagirl,” tumayo ito’t pinagpag ang pantalon. Then she offered me her hand. I take it.
“ Chin up. Lalake lang ‘yan. Kahit pa may trono’t ubod ng gwapo ‘yan. Lalake pa rin ‘yan. Kahit na masarap humalik, nuknukan ng bango at mukhang daks ‘yan….lalake pa rin siya. He’s dangling nine inches or more didn’t make him special, okay?”
“Baliw! Ang bastos mo. Anong nine inches, shuta ka!” Naiiyak at tumatawang hinampas ko ang kaibigan nang ganap na akong makatayo. Alam kong she’s trying to make the atmosphere light.
“Duh! Iyong laking lalake noon at haba ng mga daliri sa kamay at paa, pang six inches below? Nah-uh! Ipupusta ko ang atay at balunbalunan ko, nine inches ‘yong si Kamahalan. Grower pa. Titili ka talaga kapag nagpa-bona ka sa kanya.”
“Donnabelle Trinidad!” Nae-eskandalong tinakpan ko ang bibig nito.
Inis na pinalis nito iyon.
“Fine. Shut up na si watashi. Sinasabi ko lang naman obseravtions namin ni Chardii,” she rolled her eyes. “Seryoso, kaya mong humarap sa kanya mamaya?”
Napayuko ako’t sinipa ng paa ang isang invisible na bato.
“Do I have a choice? When you’re being pushed into a corner, your only option is to fight back. Graduate na ako sa pagiging hangal at hopia, Donna. This is my wake-up call. A royal will always be for nobles, not some commoners like me. I'm no Cinderella or Beauty and he's just a prince. Charming? Yes,” I straighten my back and stared blankly at the sparse wall.
Staring at the chipped paint but definitely not seeing it. It’s his gorgeous patrician face I am seeing. The way his eyes c*****d when he smiles at my lame jokes or how those pools light up whenever he sees me first thing in the morning.
I shook my head gently.
Enough. Those gestures and kisses meant nothing to him.
“I’m done with this push and pull. With the f*****g s****l tension. Tawanan man niya ako mamaya, ayos lang. Para isahan lang ang sakit.”
“Ihahanda ko na ang isang dosenang soju. I’ll text Chardii and Karlo. G ka laters?”
Mapait akong ngumiti sa kaibigan.
“S-syempre. Kapag ‘di ako nalasaing, pukpok mo sa ulo ko ‘yong bote.”
Malakas itong natawa’t itinulak ang katawan ko patungo sa direksiyon ng restroom.
“No need to remind me that. Nasa agenda ko ‘yan lalo na kung mag da-drunk text kang shuta ka. Pasok d’yan, mag retouch ka. Mukha kang panda.”
Umingos ako rito saka pabalyang binuksan ang pinto ng banyong himalang walang tao. Nahahapong sumandal ako sa lababo’t tinitigan ang repleksiyon ko sa salamin.
Donna’s right. I looked like s**t.
“Iyan ang napapala mo kakahabol mo sa lintek na forever na ‘yan. It was all made up. The biggest scam of history, masking itself and parading as a fairytale but the truth is, it's a f*****g nightmare.”
"Gen, where are you?"
Napakislot ako ng marinig ang boses ni V mula sa two- way radio na nasa bulsa ng suit pants ko.
"I'm at the east wing. Pabalik na ko, V," I answered back and I want to pat myself. Nagawa kong ‘di manginig ang boses habang sumasagot sa kanya.
"Be quick.”
Ibinalik ko sa bulsa ang aparato at mabilis akong nag retouch. Lihim akong nag pasalamat sa magic na dala ng makeup, naging desente muli ang mukha ko. Though my eyes were still bloodshot, I'm more presentable now than earlier. Nang matiyak na may sapat na ‘kong lakas ng loob na harapin ang mga kasama ko'y lumabas na ‘ko ng banyo. Naabutan kong nasa bungad ng studio si Donna at pabalik-balik ito nang lakad. Napahinto ito nang makita ako.
“Kanina pa raw tayo hinahanap. Ready ka na?”
Tango lang ang isinagot ko sa kaibigan kahit ang totoo’y dinadaga ang dibdib ko.
Kaya mo ‘yan, Gen. Kakayanin mo.
Tahimik naming tinahak ang patungong elevator at lumulan doon. Wala kaming imikang dalawa pero ramdam ko ang tensiyon ni Donna sa tabi ko.
“Breathe. Hindi naman ako kakatayin,” biro ko na inungusan lang nito.
“s**t. This is it,” wika nito nang huminto na sa basement ang elevator.
Ilang beses muna akong nagpakawala nang malalim na buntong hininga bago taas noo na lumabas. Namataan ko agad ang amo kasama ang pinsan nito. Though we’re still few meters away from them, I could hear him cursing. Hindi rin nakaligtas sa akin ang biglang pagsipa nito sa gulong ng mamahaling sasakyan.
Prince Yñaki was the first to notice us. Mabilis nitong tinapik ang crown prince.
“Saang lupalop kayo nang restroom at kailangang umabot nang trenta minutos?” Galit na bungad nito pagkakita sa amin ni Donna.
I need to bite the inside of my cheeks to stop myself from lashing out at him.
Anong ikinagagalit niya? Masamang bang mag cr? And for f**k’s sake, it is a common knowledge na inaabot ng siyam-siyam ang mga babae sa loob ng banyo. Ba’t parang ngayon, ‘di siya mapakali?
Lalo lang nag ngingitngit ang loob ko sa ipinakikita nito.
Matapang kong sinalubong ang mga mata niya na halatang ikinagulat nito.
“Puno ho ang mga banyo. Pwede naman kaming mag-communte ni Donna kung naiwan niyo kami. Wala ho akong nakikitang masama, Your Royal Highness,” I tilted my chin and enunciate the last words. I know he loathes the presumptious title so much but I’m on a mission now to infuriate him.
Kulang na lang ay madurog ang mga ngipin nito nang magtagis ang mga bagang. He knew my game and the way his eyes glinting now tells me that he’s also on edge.
"Liam. Tara na.”
"Damn it!" He pinched the bridge of his nose then turn around. “Let’s go.”
Agad namang tumalima ang mga royal guards na nakapaligid sa amin, kanya-kanya itong lapoit sa dalawnag prinsipe. Matapos kong lihim na pisilin ang kamay ni Donna, nagpatiuna na ako sa backseat ng Navigator.
“Why are you’re here? Doon ka sa Maybach, Gen,” ani Brix. Kung ‘di ako galit kay Prince Liam, tatawanan ko ang mukha nito. Para itong nakakita ng monster sa sobrang takot na nakabanaag sa mukha nito. Kulang na lang itulak ako palabas ng kotse.
Hindi ko siya pinansin. Inabala ko ang sarili ko sa pagkakabit ng seatbelt, I was about to buckle up when the door of the SUV flew open.
I shrieked.
“Out.”
Humigpit ang hawak ko sa seatbelt saka marahas na umiling sa prinsipeng ngayon ay kulang na lang kainin ako ng buhay.
“No. Dito ho ako sasakay. Eto naman ang designated kong pwesto, Your Royal Highness.”
“Isa pang ho at Royal Highness mula sa ‘yo, Maria Genessia,” his voice is low, raspy. The fresh minty taste I know so much…crave so much is now kissing my cheeks. Lihim kong kinastigo ang sarili dahil muntik na akong mappikit lalo pa’t sa gilid ng mga mata ko nakita ko ang paglapit pang lalo ng prinsipe sa akin.
“Again, I’m staying here, Your Royal High–”
“Mierda! So be it.”
Nagulat ako nang bigla itong pumasok sa loob ng sasakyan. Kusang umurong ang katawan ko lalo pa nang makita kong wala itong paki alam na uupo na lang.
“Drive!”
“Yes, Sir,” nagmamadaling pinsasibad ni Brix ang sasakyan matapos na lumulan ni Jaques sa harapan nito.
Nangingig ang kamay na isinuot ko ang seatbelt at nagkunwaring ‘di alintana ang nagpupuyos sa galit na katabi. Umusog pa akong lalao sa tabi ng bintana’t inabala ang sarili ko sa pagbibilang ng building sa Makati at Manila. Nang ‘di pa ako nakuntento, I fished my phone and read all my emails kahit pa nabasa ko na ang mga iyon.
I remained quiet and chose the weapon every girl knew, a.k.a, silent treatment. I heard it's the most effective way to annoy someone. Judging by the harsh breath I’m hearing from the royalty beside me, I could say that indeed it has proven its efficacy.
I know I told Donna that I’ll confront him, but not now. Not when I’m still gathering my thoughts and clearly not when he’s on the verge of killing everyone in his path. Never kong nakita ito sa ganito ka-foul na mood, aaminin ko bahagya akong natakot.
I’m still weighing my options and planning my attack when the car pulled on the basement of the palace.
Napatalon ako nang pabalibag na bumukas ang pinto sa gawi ko’t bumungad sa akin ang madilim na mukha ni Prince Liam. He’s freaking holding the door.
“Labas.”
Dahil siguro sa dami ng ganap ngayong araw at sa samu’t saring emosyon na nasa loob ko, hindi ako agad nakapag react.
“I warned you. Damn it.”
Before I knew it, I was thrown on his shoulder, wriggling. Shocks! The crown prince was carrying me mancave style.
“Ibaba niyo ako! V, Jaques! Help!” Pagpupumiglas ko’t hinampas ang mga balikat nito.
Pilit kong nilingon ang mga kasamahang ngayon ay baliktad sa mga mata ko. Sino mang nagsabi na ang hot ng nakatiwarik ka sa balikat ng isang guy, kukutusan ko. Lahat yata ng dugo ko napunta na sa ulo ko. Lalo pa akong nahilo dahil sa bilis maglakad ng damuhong prinsipeng may karga sa akin.
“No one’s coming to help you, lady. Behave or I’ll swat your ass.”
Bigla natigil sa ere ang mga braso ko.
“You’re sick. Royally.”
“I am,” walang gatol na sang-ayon nito’t inilapag ako nang makapasok na kami sa private elevator nito. “Sick of this game you’re playing.”
Sapo ang noo na ibinalanse ko ang katawan. What? Ako pa ang naglalaro ngayon?
“Really, Sir? Ako pa talaga ang naglalaro sa ating dalawa? Please tell me, anong game ba ‘to? Ba’t wala yata akong alam.”
“This. You acting up like this! Anong problema, Genessia!?"
Napapikit ako dahil doon. Men are idiots. They're a bunch of oblivious halfwits who only cared for what they think and less for what others feel. And the man standing right in front of me is one of them, sadly.
Umakyat lahat ng dugo sa ulo ko't ‘di maipaliwanag ang galit na naramdaman ko dahil sa sinabi niyang iyon. Ano daw bang problema ko? Pwes, iisa-isahin ko ang problema ko sa kanya. f**k him for being clueless! f**k him for being so insensitive. And f**k him for accusing me of playing some f****d up games when it is him who’s playing with my feelings.
"Ikaw ang problema ko, Your Royal Highness. Ako.Tayo!" I snapped at him as I opened my eyes. "Kasi walang tayo pero ganito ako, apektado!" galit na dugtong ko sabay wasiwas ng mga kamay sa ere na para bang ‘di iyon nanginginig sa sobrang inis at panggigigil sa kaharap.
He was stunned at my sudden outburst. Awang ang mga labing, nakatulala ito sa akin. He even took a step back.
"Genessia," he whispered my name and it infuriated me.
"Don't Genessia me!" I pointed my index finger to his face.
I know I'm a fool to do that, to pull that kind of act. Nobody pointed a finger to a royalty much less to the nation’s heir apparent, the punishment is severe. My life. But damn him and their righteousness! Walang puwedeng pumigil sa 'king sabihin lahat ng gusto kong sabihin kay Prince Liam, kahit pa ang Hari walang magagawa.
"You. Doing that…calling me that name, it frustrates me. Alam mo kung bakit? ‘Cause nobody speak that name the way you do. Na para bang ikaw lang ang may karapatang tumawag sa ‘kin ng ganoon, and I loathe it!" Nanginginig ang buong katawan na napasandal ako sa dingding ng elevator. I looked at him and I knew he can see the seething pain in my eyes.
Akma itong lalapit pero mabilis akong umiling.
"You and your mixed signals, I hate all of it! Your smile, the intense looks. I’m helpless whenever you’re around. You unnerves me. You make my stupid heart thuds and my knees weak. You f****d my mind and my feelings in ways so beautiful…I’m willing to be ruined just for you,” my voice croaked, I'm about to cry but I don't want him to see me break.
Huminga ako nang malalalim, nilunok ang bara sa lalamunan ko bago ako muling nagsalita. I need to talk, I need to f*****g tell him what I feel. All of it!
It's fight or flight.
"But what’s really f****d up is that I let myself believe that we're even possible, ikaw at ako.”
Natawa ako nang pagak marahil sa pagiging pangahas ko o sa itsura naming dalawa ngayon. O pwedeng pareho. Wala pa rin itong kaimik-imik na nakatitig lang sa kin. His grind his teeth, akma siyang hahakbang palapit sa ‘kin pero pinigilan ko. I raised my right hand stopping him on his tracks.
"Ang tanga ko para paniwalaan 'yon. Why? Because you're the sun and everything, everyone revolves around you. My world revolves around you," dugtong ko at marahang pumikit para pigilin ang nag babanta pag patak ng mga luha.
Tama ng tanga lang ako sa harapan niya, ayoko ng idagdag pa ang pagiging duwag sa mahabang listahan ng kagagahan ko.I opened my eyes and searched for his eyes, the pair I always loved to get lost to.
"While you're at the center of it all, I was at the corner wondering if you knew my existence. Hoping that you'll look at my way, kahit isang sulyap lang. And you did, or so I thought. I was so f****d up to believe that a nonsensical comet-like me would be noticed by someone like you- the sun," I told him truthfully as I hold his gaze.
Nakatiim bagang ito at bakas sa mata ang pagkalito sa lahat ng mga sinabi ko sa kanya. Napa buntong-hininga ako,ignoring the pain I felt when I saw his confused stare. Nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin sa kanya at sapat na iyon. Ngayon, alam ko na ang lugar ko sa buhay niya. I should leave now habang may natitira pa ‘kong lakas at katiting na tapang.
Umalis ako sa pagkakasandal sa malamig na dingding ng elevator. And I discreetly fished the squared pendant inside the pocket of my pants.
Marahan akong humakbang palapit sa kanya, tinatawid ang distansiya namin.
"That's my problem, Your Highness. So stop asking me as if you care, cause you don't,” mabilis kong kinuha ang kanang kamay niya. I drop the thing that started all this madness.
"Y-you have this?" He uttered in disbelief. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa 'kin at sa pendant na nasa palad.
"Y-yes and I'm returning it back. Sana noon ko pa isinauli. I should have s-saved you from this headache.”
And myself from a terrible heartbreak.
Bago pa siya makahuma, napindot ko na ang buttong ng elevator.
“G-goodbye, Your Royal Highness,” kagat labing yumuko ako sa harapan nito saka malalaki ang hakbang na lumabas ng lift.
"Where do you think you're going ?" Naghagip nito ang braso ko bago.
Inis na hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Labis itong nagulat sa ginawa ko. Pain was painted on his face when he met my gaze.
"Home. Masyado ko ng ibinaba ang sarili ko para sayo. Tama na, Your Royal Highness. Please, stop messing with my head and here,” I pointed in my chest then turn my back on him.
I really hope na ready na ang mga kaibigan kong malunod sa alak ngayong gabi. Seems we should reconsider our poison. From soju to whiskey or anything hard. Cause as cheesy as it may seem, the crown prince is someone you can’t easily forget or moved on to.
No amount of hard liquor can erase that.