A.N.
You can watch on Youtube some vids of kuratsa /curacha mayor para makita n'yo 'yung sayaw at ang pag ulan ng pera. Enjoy!
GEN'S POV
"SORRY NA. Babawi talaga ko sa'yo. Sa inyo.I promise," malambing na hinging paumanhin ko kay Karlo sa kabilang line.
Nasa kalagitnaan ako ng pag- aayos ng sarili ng tumawag ito at si Chardii.Pinapaalala sa 'kin na may life pa ko bukod sa trabaho ko sa palasyo.I know they're joking pero 'di ko mapigilang makaramdam ng guilt. Ang tagal na rin kasi since the last time na nagkita-kita kami.
"Babalik ka na this Monday di ba? So free ka that weekend, tama?" Boses ni Karlo na malamang sa malamang ay alam ko na kung saan papunta ang itinatanong.
"Yup," maikling sagot ko at ikinawit ang strap ng black sandals habang lumalabas ng kwarto ko. Panauhing pandangal kasi ang mga Royal Princes sa Fiesta Celebration ng isang baranggay sa Catbalogan ngayong gabi at naturalmente na karay-karay kaming tatlo nila V.
"Okay sige sabihan namin si Donna. Saturday?"
I sighed, mentally marking my schedule that day.
"Okay. I'll be there. Send me the details or usap tayo sa GC," saad ko habang tinatahak ang papunta sa living room. 7:30 ang call time at past 7 na sa wrist watch ko. Sana lang ay wala pa roon ang mga amo ko.
"Areglado,boss. Oh pano mag iingat ka dyan, ha? Miss na kita, Gen," pag lalambing pa ni Karlo. One of the things I love about him is super sweet siya, 'di lang sa 'kin kung 'di sa aming lahat na kaibigan niya.
"Kayo din. Miss you too."
Chardii shouted 'I love you' in the background, I grinned.
"I know. Love you more," nakangiting sagot ko at inilagay ang cellphone sa bag.
"Boyfriend?"
I gasp. With my hand on my chest, awtomatikong napalingon ako. Mukha ng tatlong prinsipe ang bumulaga sa 'kin. Si Prince Lazlo na mas malapit sa kin ang nagtanong. Nasa mukha nito at ni Prince Lachlan ang nakakalokong ngiti habang tahimik lang na nakatayo malapit sa hagdan si Prince Liam.
Blinking, I drink their casual yet mouth drool worthy looks. Pawang mga naka casual na outfit ang mga ito ngayong gabi–chinos, jeans at polo. Mahihiya ang mga fashion magazine models sa itsura ng tatlo ngayon.
"Your Highness, pardon," nahihiyang tanong ko sa pangalawang prinispe na himalang maganda ang mood. Tumaas ang sulok ng bibig nito, I think that's equivalent to smiling.
"I said, is that your boyfriend?"
Bago ko pa masagot ang tanong nito, nagpatiuna na sa paglalakad si Prince Liam. Pinukol muna nito nang masamang tingin si Prince Lachlan bago walang lingon-likod na nilayasan kami.
Ano na naman kaya ang toyo ng isang 'yon?
"Gen?"
"Ho? Ay hindi ho," marahas ang ginawa kong pag-iling. "Best friends ko ho ang mga 'yon."
Sa gulat ko ay nag-high five ang dalawang batang prinsipe sa harapan ko. Well, 'di naman na sila bata considering that they're both in their twenties pero sa asta kasi para itong mga teenagers. Hindi gaya ni Prince Liam na very matured at the age of tweny eight.
"The car's ready Their Royal Highness," biglang sulpot ni V sa puno ng hagdan.
Sabay-sabay kaming nagsi labas at nagtungo sa nakaparadang mga sasakyan. Like always, kasama ko sa sasakyan sina Brix at V. While Jaques and others were with the crown prince. Tahimik lang ako sa biyahe habang ang mga boys ay panay ang tuksuhan. May mga ilang dalaga kasing nakita ang mga ito sa barangay na pinuntahan namin kahapon at mukhang isa doon ang type ni Brix.
"LDR 'yan, Brix. Ang hirap n'yang i-maintain," ani Dunhill na kasalukuyang naka pwesto sa shotgun.
"May social media ngayon," ingos ni Brix na ikinangiti ko. "Isa pa nagpalitan pa lang kami ng sss, wala namang masama doon."
Parehong nasa mid twenties ang dalawa at sa lahat ng mga secret service ay ang mga 'to ang nakagaanan ko ng loob. Kahit kasi may mga hitsura angd dalawa 'di naman presko.
"Do you agree with him, Gen?"
Nagulat man mabilis kong nahamig ang sarili bago sumagot kay Dunhill.
"I think it will work kung talagang both parties willing to work it out. I heard somewhere that being connected is the key to a successful relationship."
Panay kantiyaw ang inabot ni Brix sa mga kasamahan namin dahil sa sagot ko. I just smile at them. Hindi pa rin kasi ako mapakali simula kaninang hapon.
Well, ang salarin ay ang pang apat na prinsipe. After the game yesterday, hindi na ako nagkaroon ng chance na kausapin ito tungkol sa nabanggit nitong pagpo-proxy ko sa kanya. Naging abala na kasi ako sa mga sumunod na meeting ni Prine Liam habang ito nama'y naimbeta sa isang gatherings kasama sila Lola.
Isa pa, alam kong iniiwasan ako nito. And that's the reason why I'm agitated. Paano na lang kung bigla akong tawagin mamaya? Ano bang malay ko sa sayaw na iyon? Diyos ko, I'll make a mess.
"We're here," V announced. Nauna itong bumaba ng sasakyan at sumunod kami nila Brix.
Masayang tugtog mula sa maingay na banda ang sumalubong sa 'min mula sa parking lot ng kapitolyo. After a quick huddle while waiting for the crown prince's car, we went staright to the dancing hall. Excited na mukha ng mga government officials ang nakita ko nang papalapit na kami sa stage.
There's been an exchange of pleasantries while the crowd was cheering. Hindi ko nga malaman kung piyesta ba ang napuntahan namin o fan meet ng mga royal prince. Hindi kasi magkamayaw ang mga tao sa kakatili lalo pa nang magbigay nang maiksing speech si Kamahalan sa lahat.
"Good evening, Your Royal Highness. Thank you for gracing our event this evening. Malaking karangalan ho iyon para sa amin," anang alkalde na 'di malaman kung paanong estima ang gagawin sa mga royals.
"Matagal kong ni-look forward ang event na 'to. I'm a bit excited but kinda nervous, to be honest."
"Para ho ba sa napipinto n'yong amenudo ang kabang iyan, Prince Liam?" Nakangiting singit ng congresswoman.
"You could say that. Good Lord. Huwag sana akong isumpa ng hari pagkatapos nito."
Nag koru ng tawa ang mga opisyal ng bayan na sumalubong sa amin.
"I want to sit."
Biglang natahimik ang lahat sa sinabi ni Prince Lazlo. Ang alkalde ang unang nakabawi. Atubiling iginiya kami nito patungo sa VIP section.
"Lazlo," maiksing saway ni Kamahalan sa kapatid, umiiling.
"What?"
"Behave."
"I am,” the second prince retorted while adjusting his man bun.
Hindi na sumagot ang crown prince sa kapatid. Tahimik lang na sumunod ito papasok sa maluwag na bulwagan. We followed suit. As expected, sa likuran ng pwesto ng mga ito ang upuan namin.
Malaki ang ngiting inikot ko ang paningin sa buong lugar. This is my first time to attend this kind of event. I wasn't expecting anything grand to be honest kaya nagulat ako nang makitang sobrang garbo ng ayos ng covered court. Naging isang marangyang ballroom hall iyon complete fairy-lit drapes spanning the whole ceiling.
Halos masilaw ako sa mga ilaw na nakatutok malapit sa stage katabi ang naglalakihang sound system. Habang sa gitna ay abalang tumutugtog ang isang banda.
The organizer went overboard by providing a massive screen so people that are patiently waiting outside can watch the event.
To complete the whole festive vibe, sa gilid ay may mahabang hanay ng pagkain. From lechon to seafoods and some delicacies I'm not familiar with but one look and I know they're all yummy. My fave of all is moron. Hindi pa man iniisip ko na kung anong ilalagay ko sa plato ko mamaya.
"Hi Gen!"
Napatigil ako sa panonood sa mga kabataang sumasayaw sa gitna at binati si Lady Lola na napakaganda sa suot na spaghetti strap light blue cocktail dress. Mas lalong naging elegante ang dalaga dahil sa ostrich feather design ng damit nito na umabot lang ang haba sa tuhod. Nakalugay ang mahaba nitong buhok and for the first time nakita kong nag-apply ito nang manipis na makeup.
Stunning!
"Wow! You're beautiful," humahangang bati ko sabay beso.
Umirap ito. She took the seat on my right in a very unladylike manner that made me grin.
"Look who's talking. I hate these shoes. Papatayin ako. This dress, ang kati.Kung 'di lang ako pinilit ng ate Laya, never kong susuotin 'to."
Napangiti na lang ako sa pagmamarakulyo nito. I brush off the invisible lint on my white trousers. Unlike Lola, I opted for a black and white jumpsuit. Mas makakagalaw kasi ako kaysa sa dress.
"By the way, congrats ha?"
"Saan?" Takang tanong ko habang sumisimsim ng juice.
"Kahapon. Ikaw talaga ang totoong winner. Grand slam," kumindat ito't inginuso ang pwesto ni Kamahalan.
"Lady Lola, stop it," I know I'm blushing.
Lalong akong nahiya dahil kasama namin sila V sa table. Mabuti na lang at busy ang mga boys sa kung anumang nasa phone ni Brix. I'm also thankful for the loud music.
"Asus. Ang daming napa sana lahat kahapon. Hinintay kong lumabas iyon sa Twitter or in any sss page pero nganga. But still. Kinilig ako," nag puppy eyes pa ito habang magkasalikop ang mga kamay na nakatitig sa 'kin.
I averted my gaze. I'm aware of the reason. Mabilis kasing tinawagan ni Jaques ang Royal Secretary kahapon matapos ang nangyari. A few minutes after that basketball incident, news blackout agad. I don't know the specifics but when you're part of the royal family everything is possible.
Hell, I won't be surprised if they can make a planet or star vanish out of whim.
"Wala naman kasing dapat abangan. By the way, are you gonna dance later?" Pa-simple kong kambiyo ng topic namin.
"Me? No. Si Papa sasayaw siya."
Napangiti ako nang magana itong nagkwento about sa napipintong pa- curacha ng ama.
The next few minutes were filled with the animated talks of Lola. We discussed about the program and the fascinating curacha mayor in between meals. Kahit kasi ilang beses ko nang napanood kagabi ang sayaw, thanks Youtube, hindi ko pa rin maiwasang 'di humanga sa sayaw at sa buong concept noon.
"Para silang mga manok but in a very graceful manner. If you know what I mean," bulong ko sa dalaga habang pumapapak ng lumpiang shanghai.
We're currently watching a pair in the middle of the dance floor. Apparently, may schedule ang mga dancers at sabi ni Lola pawang mga VIPs lang ang sumasayaw sa espesyal na okasyong tulad ngayong gabi. Parehong politicians at parte ng mga kilalang pamilya ng lalawigan ang nasa gitna.
"I agree. It's like they're mating."
"Ang cool. The whole dance is entertaining and at the same time ingenious. It's literally raining of money!"
"I agree. Halos lahat ng dayo kapag nakakapanood ng curacha, bumibilib," Lola's voice was dripping with pride.
"Iba kasi kayo mag benefit dance. Pera? Duh. You've got bundles of it. Small things," nakangising wika ko habang sinusundan ng mga mata ang perang inihahagis ng lalake sa gitna ng dance floor habang patuloy sa pag indak.
"Naku. Wait until it's the crown prince's turn. Kita mo 'yung bag na dala ni Jaques?"
Sinundan ko ng tingin ang itinuro nito saka tumango. Kasalukuyang nag-uusap si Kamahalan at Jaques about something and in between them is a large duffle bag.
"Ubos 'yan mamaya sa gala. I think may isa pang bag na ipinapalit si V kahapon sa bangko."
"WHAT?! Lahat 'yon? Paano? Bakit? OMG!"
"Easy," natatawang awat nito saka umayos ng upo. "Can I tell you a secret?"
"Of course," pinilit kong isara ang bibig.
"Nasa three million ang iga-gala ni Prince Liam later."
"Three freaking what?"
"Gen, lower your voice."
Nahihiyang nagtakip ako ng bibig saka nag peace sign sa mga katabing table namin. Shocks. Tatlong milyon? Anong hitsura ng dance hall mamaya kapag nagkataon? Nakangangang hinayon ng mga mata ko ang gitna ng sayawan at naabutan ang organizer na hinuhuli ang lalake.
Naturalmente, naglapitan ang mga partido ng babae para gumala or technically mag bayad para pakawalan ng organizer ang kapareha ng babae at matuloy ang pagsasayaw ng dalawa.
Iyon ang buong premise ng curacha. Its like a dance battle of the sexes and at the same time pakitaan kung sino ang mas madaming pera. Sa kasong ito mukhang walang tatalo kay Kamahalan.
"Anong ipang dadakot ng mga tao mamaya sa perang malilikom after sumayaw ng crown prince?"
Natawa nang malakas si Lola sa sinabi ko.
"Dustpan at walis. Literal. See it for yourself later."
Ngumisi ako nang maisip ang suggestion ni Lola. Makes sense.
She's explaining to me kung saan-saan napupunta ang mga perang donasyon from the benefit dance and the whole fiesta when V approached our table.
"What's this?" Gulat na tanong ko nang maglapag ito ng tatlong bungkos ng 100 peso bill sa tapat ko.
"For you."
"Wow! May pang gala ka na, Gen."
"A-akin lang 'to?"
"Technically for the people pero yes. That's for you. Gamitin mo raw later."
I watched with amusement when V turned his back on us and took his leave. s**t. Iyon na ang pinaka mahabang sinabi nito simula nang makillala ko siya.
"May himala."
"May sakit ba ang isang 'yon?" Natatawang tanong ko kay Lola na ngayon ay abala sa pag himas ng bungkos ng salaping iniwan ni V.
"May lagnat. Gosh. Pwede bang kupitin 'to?"
Halakhak ang sagot ko sa dalaga pero natigil iyon sa biglang pag hinto ng tugtog.
"Ehem. Mga kasangkayan...ig kasi ko Waraynon ngan han aton mga minayuyo nga bisita. Ladies and gentlemen, good evening."
"This is it, Gen," puno ng excitement na ani Lola.
Umayos ako ng upo. Sabay naming pinakinggan ang emcee sa munting speech nito. He introduced the hermana, telling facts about her. Family backgrounds and some sorts. Though my halong Waray, he's kind enough to translate it to us.
"Hmp! If I know pinilit lang talaga ni Shannon na siya ang i-pair kay Prince Liam. Spoiled masyado kay Gov. Patay na patay ang isang 'yan sa crown prince, Gen."
"Really?"
Tumango ang dalaga habang sumisimsim ng mock tail nito.
Hindi ko maintindihan ang kirot na biglang naramdaman lalo pa nang tumayo ang makaka-pares ni Kamahalan.
Shannon Talavera. She's a long-legged lady wearing a black hugging dress that accentuates her curves. She's a beauty–mestiza. Para itong nag go-glow nang tamaan ng ilaw ang balat. She's smiling sweetly at the crown prince while the host is doing the proper introductions.
Like the true gentleman that he is, nang magkalapit ang dalawa sa gitna, kinuha ni Prince Liam ang kanang kamay ni Shannon at kinintalan iyon ng halik. Halatang labis na kinilig ang dalaga.
Gabing-gabi na pero talo pa nito ang ice cream na natutunaw sa ilalim ng araw. Hindi sinasadyang natungga ko ang laman ng alak na kanina pa inaalok sa akin ni Lola.
"s**t. Ano 'yun?" Nakangiwing nilapag ko ang baso sa mesa sabay pahid sa bibig.
"Tuba. Mapait?"
"Iyong tuba? Yes!" I hissed. Nang malakas na natawa ang dalaga saka ko lang na-gets ang subliminal meaning behind the question.
"Ladies and gentlemen, an aton guin huhulat. May I present to you, His Royal Highness...this nation's beloved crown prince–Prince Edward Liam Alessio of House Vega-Escarrer and miss Shannon Talavera.
Maestro, music. Your Highness, pikahi!"
Kasabay nang masigabong palakpakan ng lahat ay ang pag alingawngaw ng intro ng kanta.I saw him smile at the crowd and do a playful cursty. Ilang saglit itong naiiling lang habang ang kapareha nito'y panay ang salita. Mukhang kinukumbinse ang binata na simulan nang sumayaw.
After few beats, he raised his right hand and started to glide. His steps were awkward at first, 'di rin nakakatulong ang pambubuska ng kapatid at pinsan nitong ngayon ay mga nakatayo na't panay ang kuha ng video kay Prince Liam.
Masama ang tingin na ipinukol nito sa dalawa habang sige sa pag-indak.
"Go, Your Royal Highness! Show them your killer moves!" Nakangising ani Prince Lachlan at nakipag apir pa sa pinsan.
Lumaki ang ngisi ko nang bigla ngang sumabay sa tugtog ng banda ang mga kilos ng prinsipe. The crowd cheered because of that and I was mesmerized. With ease, he started to glide and sway his sexy hips in tune with the beat. Indeed, the crown prince has some killer moves.
"Those two really enjoyed this one."
Nakangiting tiningala ko si Jaques na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.
"Sinabi mo pa. How come he knows some moves?"
"He's a great dancer when he's a kid he used to join some dance class."
"Wow. That's news."
"Don't tell him na sinabi ko," anito saka tumingin sa wrist watch.
"Let's go. Time na."
As if on cue, biglang nagsalita nag host at may isang amy edad na babae ang lumapit sa gitna. Hinuli nito si Shannon.
"Our turn. Tara Gen," excited na ani Lola. Nagpatiuna pa itong lumpait sa gitna habang ako'y di magkandaugaga sa pagkuha ng perang ipambabayad ko sa freedom ng partner ni Kmahalan.
"Hmp! Wag ko an kaya ibayad or ibigay ko na lang kay manang. Suhol para hindi n'ya na bitawan 'yung babaeng legs na tuinubuan ng pagkatao," bulong ko.
"Anong binubulong mo d'yan, Gen?" Si Brix.
"Ha? Wala. May naalala lang akong gagawin," kaila ko saka malalaki ang hakbang na lumapit sa gitna.
I need to wrestle my way into the center dahil sa mga nakapalibot na secret service at sangkaterbang mga opisyales ng lalawigan na biglang to the recue kay Kamahalan.
"Bro,t he Queen messaged me galingan mo raw.Show what you've learned in conservatory nung bata pa tayo," nakangising pang aasar ni Prince Lazlo sa kapatid habang isa-isang binibitawan ang mga 100 peso bills na dala. Kumindat pa ito sa kuya niya.
"Shut up. Joder!" Pince Liam hissed then throw three bundles of bills in the air.
Napapantastikuhang tumingala ako, sinusundan ang perang nililipad ng hangin.
Shit. Pwede bang sumalo kahit kaunti? Pang bibili ko lang Starbucks.
"All you need is ask. Venti's on me when we get back."
"Y-your Highness?" Christ. Nasabi ko pala nang malakas ang nasa utak ko.
"You want coffee sabi mo."
I blinked, shoving away the embarrassment.
"J-joke ko lang po 'yon."
"They are half-meant. Did you get the money?" He tilted his head, giving my hands a questioning look.
"Yes. Heto ho," parang tangang ipinakita ko rito ang mga salapi, silently praying na 'di niya mapansin ang panginginig ko. Eh bakit kanyo? Ang gwapo at ang bango-bango niya.
"Good."
"Cous, I sent your video to Papa and Lolo. 'Wag mo daw ipahiya ng lahi natin.You look petrified and going to s**t," biglang singit ng fourth prince sabay akbay sa amo ko.
He narrowed his eyes to his cousin then pursed his lips.
"Yñaki's pouting though.Nag sisisi ba't 'di siya sumama."
Tahimik lang akong nakikinig sa palitan ng dalawa. Busy ako sa pag tapon ng pera na ngayon ay gabundok na. Balak yata ni Kamahalan na kasing taas ng Mount Apo ang malikom niyang pera ngayong gabi.
"What's that? Nasaan na 'yung bingay ko sa'yo kanina?"
Sinundan ko ng tingin ang dahilan ba't sumama ang mukha ni Prince Liam. It took all of me not to burst into laughter.
"Cheque," Prince Lachlan said nonchalantly while scribbling his signature on the paper.
"Mierda! I know. Stop doing that."
"Hermano, ayokong mapagod kakahagis ng pera mas okay to isahan na lang.Talino ko di ba?" nakangising sagot ng nakababatang prinsipe. Hindi alintana ang galit ng pinsan.
"Cal, we're here as visitors. Sinisira mo ang tradisiyon nila. When in Rome, do as the Romans do."
"Oh, I bet this is what they'll do," balewalang hinahis nito ang tseke sa ere sa harapan ng pinsan na halos umusok ang ilong sa galit.
"We should bring the vacuum.Sa dami ng pera dito mga two hours pa 'ata sila magpupulot," biglang
singit ni Prince Lazlo.
"That's my point.Kung checks yan, mas mabilis."
"Jesus!"
Natawa na lang kami nang mahina sa kalokohan ng dalawang batang prinisipe. Prince Liam shake his head and proceed with his task, ang magmudmod ng pera bukod sa kagwapuhan niya.
Nang maubos ko na ang bungkos ng perang nasa akin, naglakad na 'ko pabalik sa pwesto namin. Sa dami ng pera sa dancing hall, I tried to help the organizers picked some bills.
"Miss Gen,turn na po ng kampo nila Miss Shannon," pukaw ng isang dalaga sa akin. Nakaturo ito sa dako nila Prince Liam.
"Ha? Sorry."
"Kayo ho 'yong huhuli kay Prince Liam. Hindi ba nasabi ni Sir Jaques."
Natampal ko ang noo.
"Shocks. Yes ako nga."
I quickly turn and run towards his direction ignoring my two inches heels and aching pain in my chest cause my heart can't behave knowing I'll have a chance to be near him again.
Nasa kalagitnaan sila ng pagsasayaw nang bigla akong parang timang na dumipa sa pagitan nila ng kapareha.
"Genessia?" Puno nang pagtatakang tanong nito sa ‘kin. His intense dark orbs were digging a hole into my face. It's as if he can read my very soul.
“Your Royal Highness…huli ka.”
I grabbed his hand, pull him on my side much to his astonishment. Huli na para mabawi ko o ma-disect ang meaning ng sinabi at inasal ko. Magkatabi na kami’t nakatingala ako sa kanya habang siya’y matiim na nakatitig sa ’kin.
Why everyone and everything seems to disappear whenever he’s around, so close and looking at me like this…like I hold the air or I’m responsible for the freaking earth’s gravity. I released the breathe that I wasn’t aware I’m holding.
"Finally. You don’t need to run, hindi ako tatakbo. Not from you, ever.”
Fucka me!
Sa mga katagang ‘yon, sa makalusaw kasalanan ng mga ninunong titig nito tila ako ibinalik sa unang gabi na nagkita kami. When he’s kissing me in that dark alleyway.
A head-on collision out of nowhere, except this one I’ll welcome with my arms open wide. f**k red flags, mixed signals, and warnings.
Wreck me, Kamahalan. Toro ako’t alter ego ko’y isang Sexbomb.
“Been waiting for this moment kanina pa. What took you so long?” Pinisil nito ang kamay ko’t masuyong ngumiti.
“Laban.”
“Ano?”
“H-ho? Nasa labas kasi ako, Kamahalan. Patawad naman.”
He throw his head back and roared. Habang ako parang tanga na nakangisi’t pinanoood ito. Wala kaming paki alam sa mga taong ngayon ay nakapalibot sa ‘min o sa mga perang tila confetti.
All I know is that my heart is dancing, literally. Sinong mag aakala na pwedeng pa lang OST ang curacha mayor?