GEN'S POV
“MAUPAY NGA AGA HA IYO N GA TANAN. Damo nga salamat han iyo pag-atinder han yana nga kalipayan bisan maaram gud ako nga busy kamo han iyo mga panimalay. Pero iyo guin tagan han time ine nga aton pag-urusa yana nga adlaw. Akon hangyo nga mag-enjoy kamo han mga programs nga amon guin andam para ha iyo nga tanan.”
“Jesus! Nasira yata nag ear drums ko,” reklamo ni Prince Lachlan na ikinangiti ko. Nakatakip ang kamay nito sa magkabilang tainga habang matamang nakaupo sa mahabang bench.
Nasa isang covered court kami at kasalukuyang nagbibigay ng speech ang crown prince sa mga residente ng Darahuway Daco, isang isla sa bayan ng Catbalogan. Ito ang unang araw ng paglilibot ni Kamahalan sa buong probinsiya.Though the island is relatively small, nagulat kami sa warmth reception ng mga tao doon plus may mga ilang press ang nakalusot sa crowd kahit pa di naman naka disclose ang schedule ng prinsipe sa public.
“Pussy.”
“Eh sa nagulat talaga ‘ko eh,” sagot ng prinsipe sa kapatid ni Prince Liam.
Dumako ang tingin ko sa kapatid ng among prinsipe. He’s handsome in the right sense of the word, wala naman yata sa lahi nila ang chaka pero ubod ito ng sungit. Bukod pa sa palagi itong naka singhal mukhang galit rin ito sa mundo. Hindi ko nga alam kung marunong bang ngumiti ang isang ‘to. Nakadagdag pa sa bad boy vibes nito ang laging pagsusuot ng black leather jacket. Like now, halos malusaw na ang foundation ko sa init, siya parang deadma sa barangay na naka suot ng jacket.
“Baka matunaw ako, Ms. Rodriguez. Besides, it’s rude to look.”
Napapitlag ako sa sinabi ni Prince Lazlo. Nasa isang hilera lang kasi kami nakaupo at malay ko bang nakikita n’ya ko. He’s wearing a freaking sunglasses! Si cyclopse ba nag isang ‘to?
“I’m not looking, Prince Lazlo.”
Nilingon ako nito’t tinanggal ang suot na salamin.
“Hindi ko po kita ang mata n’yo kanina, technically I’m not looking,” kinakabahang palusot ko sa batang prinsipe.
“What?!”
“Burn,” humahalakhak na ani Prince Lachlan sabay hampas sa braso ng pinsan.
Gusto kong magtago nang makitang tumayo ang pangalawang prinsipe pero napalis din ang kaba ko nang lagpasan ako nito.
“Pikon talaga ‘yon, Gen. Hayaan mo na.”
“I went overboard. Baka ma-award ako ng boss ko, Prince Lachlan.”
Umiling ito at intinuro ang crown prince na ngayon ay kausap ang isa sa mga coordinator ng paliga.
“Takot n’ya lang diyan sa gagong ‘yan.”
A shy smile was my response to him. Lihim kong hinayon ng tingin ang kinaroroonan ng amo’t napasinghap nang makitang nasa amin ang pansin nito. Bahagyang kumunot ang noo nito bago muling ibinalik ang atensiyon sa kausap. Gosh, ang fresh ni Kamahalan kahit sa katanghalian. He’s wearing a simple button down shirt and faded jeans. Pero kahit ihalo mo si Prince Liam sa karamihan he’ll definitely standout.
“If you’ll excuse me, Sir. Kailangan kong puntahan sila Jaques.”
“Sure.”
Dali-dali akong lumapit sa mga kasamahan.
“Aalis na ba tayo?”
“No. He’s asking for a jersey.”
“Ha?” Gulat na tumingin ako kay Kamahalan. Panay ang ngiti nito habang nakikipaglaro na ngayon sa mga bata. “Akala ko manonood lang siya saglit then lilipat na tayo sa ibang barangay.”
“Change of plans.”
I realesed an exasperated sigh. Saan naman kaya kami maghahanap ng basketball uniform ni Kamahalan. Inikot ko ang mga mata sa paligid. Nabunutan ako ng tinik nang makitang nasa crowd din si Lady Lola. I excuse myself and sauntered towrads the pretty noble’s direction.
“Thank God, you’re here,” aniko nang makalapit.
Nag-blush ito’t lumikot ang mga mata.
“W-wala kasi akong magawa ngayon sa opisina ng papa. Sabi ko check ko ‘yung event today.”
I smile though I have a hint kung ba’t siya talaga narito ngayon. Hinila ko siya sa isang sulok at sinabi ang problema ko.
“Oh! Wait, ako nang bahala diyan. Kausapin ko ‘yong chairman sigurado may mai-re-ready silang jersey for the crown prince.”
“Thank you, Lady Lola. Pakisama na din ‘yung dalawa pang prinsipe, please.”
Ilang minuto nga’y may bitbit na si Lady Lola na tatlong pair ng jersey uniforms para sa tatlong nagga-gwapuhang prinsipe. Matapos makuha ang mga iyon mula sa dalaga hinanap ko ang amo.
“Your Highness,” agaw atensiyon ko sa among ngayon ay kasalukuyang napapalibutan ng mga batang residente ng isla.
“Genessia. Give me a minute,” nakangiting anito sa ‘kin na itinaas pa ang kamay habang sa kaliwa ay bitbit ang isang batang marahil ay nasa tatlong taong gulang.
Tumango ako’t tahimik na pinagmasdan ang prinsipe habang matiyagang kausap ang mga bagets na panay ang tanong sa prinsipe. One even asked him about solar systems and about gravity.
“Ate, kahuhusay nimo.”
Napangiti ako nang maluwag sa batang lalakeng kumalabit sa ’kin. May hawak itong ice cream na mula sa mga kiosk na nagkalat sa paligid. Bukod sa mga face paint at magic performances, isa iyon sa treat ng amo ko sa mga residente ng barangay.
Lumuhod ako kinuha ang panyo ko saka pinunasan ang mukha nitong may ice cream. I offer him a smile dahil wala akong ideya kung anong sinasabi nito. Shocks, can a subtitle magically appear somewhere tulad sa mga Kdramas na kina-aadikan ko?
“Buotan ka pa. Pag dako ko, mang-gagarbo ako ha imo,” he gave me a toothy grin.
Okay, I’m lost. Shuta.
“Hoy, Kleng. Pag hirot daw. Dire ka pa ngani maaram sumaka hit lubi, magarbo ka na dayon. Baa hiya,” singit ng isang batang lalake na marahil ay same age ng kaharap. May bitbit ding ice cream ang isang ‘to. Bumaling ito sa ‘kin.
“Miss byutipol, ‘wag ka maniwala ha iya. Ay sa kanya.”
Natawa ‘ko nang mahina sa broken Tagalog nito. Ginugulo ko ang buhok nito nang maramdamang may isang butlto ang tumabi sa ’kin.
I know it's him without even sparing him a glance. The tingle on my arms and the butterflies on my stomach are the giveaways.
“Boys, hala. Pag liwan na kamo. Stop na hit pang-gagarbo. Bata pa kamo ngan dire ini hiya available, intiende?”
Nalaglag ang balikat ng batang si Kleng habang tawa naman nang tawa nag kaibigan nito at sumaludo pa kay Prince Liam. Habang ako lalong lumalim ang kunot ng noo. Stop and availbale lang ang na-gets ko sa sinabi ni Kamahalan.
“Kay ano? Mya uyab na hiya? Hi ikaw?”
Puno ng pagtatakang pinaglipat-lipat ko ang tingin sa prinsipe at sa batang ngayon ay seryosong nakaturo sa ‘kin.
“Dire…pa,” he said huskily while those dark pools were fixed on my face, burning and making a whole.
Napalunok ako. It’s too intese but I can’t comprehend any word they said. Bago pa tuluyang maubos ang dugo ko sa mga kaharap, Prince Liam decided to put me out of my misery. He cleared his throat.
“Genessia, what do you have for me?” He jerked his chin, pointing at the garments on my arms.
Mabilis akong tumayo’t ipinakita rito ang mga jersey.
“Paki sukat ho. Kung hindi sakto, hahanap ho kami ng kapalit.”
“This will do,” anito habang binibistahan ang pares na ibinigay ko.“Hand Laz and Cal’s. I’ll change and be quick.”
Naiwan akong yakap ang bihisan ng dalawang prinsipe, hinahatid ng tanaw si Prince Liam. Guso kong mag usisa tungkol sa mga sinabi niya pero sino ang tatanungin ko?
“Gen. Kasya ba?”
Bingo!
“Hindi ko pa alam. Kailangan ko pang ihatid sa dalawang prinispe ‘to. Ay wait, sagutin ko lang ‘to,” sabay kuha ko ng cellphone sa bulsa ng pants. Si Jaques ‘yon, pinapa check sa ‘kin kung may dala kaming bottled water at mg emergency kits for the royal princes.
“Work,” I explained smiling. “Where are we? Ah, ihahatid ko ito sa dalawang prinisipe.”
“Ano maitutulong namin sa ‘yo?” Tanong ni Lady Lola na bahagya pang siniko ang matalik na kaibigan.
“Let’s check if okay na ‘yog mga kits and food ng mga bagets para mamaya.”
Saba-sabay kaming lumakad at tinungo ang pwesto ng mag pinsan na ngayon ay mukhang malapit nang magkapikunan.
“Ano ka hilo? Gago kahit pugutan ako ng ulo ng reyna hindi ako sasayaw!”
“Wala ka nang magagawa Cal. Inilista na kita kanina. May isang araw ka pa to practice your killer moves.”
“f**k no!”
Nagtatakang nakikinig lang kami sa dalawa. Pulang-pula ang mukha ni Prince Lachlan habang ang pangalawnag prinsipe naman ay himalang maayos na ang timpla. Thank to his cousin. Nang makita kong malapit nang sakalin ng third prince ang pinsan, I decided to interfere.
“What’s that?”
“Damit n’yo ho,” sagot ko kay Prince Lazlo sabay abot ng jersey nito sa kanya. Tahimik na kinuha nito ang mga iyon saka tumaikod. Very Prince Lazlo. Inabot ko sa nakasimangit na third prince ang jersey nito.
He sighed. Sinapo nito ang baba at inis na sinabunutan ang mahabang buhok. Nagpalitan kami ng tinging tatlo nila Lady Lola.
“Your Highness, ayos lang kayo?” Hindi nakatiis na tanong ng dalaga.
“I’m fuc— hold up. s**t,” mabilis itong tumayo, nagliwanag ang mukha na tila ba nakakita ng kumikinang na diyamante. Sa gulat namin, hinawakan nito sa magkabilang braso ang nagulat na si Lady Lola. “You’re my savior. May kilala ka ba sa committee program for tom’s event?”
“H-ho? Meron naman yata. Not sure. Why, Your Highness?”
“That’s settled then,” he gave her puppy eyes and grabbed Lola’s hand. “Help me.”
Hindi ko alam kung matatawa ako sa ayos nito o makukytutan. He’s a tall guy, around six three tapos parang teenager na ipinupungay ang mga mata sa dalagang ngayon ay namumula.
“Ahm..P-prince Lachlan…”
“Save me. They want me to dance that curacha mayor or menudo thingy. Lola, I will disgrace my family if I’ll do that. Help me.”
Napahagikgik ang dalawang magkaibigan nang marinig ang sinabi ng prinsipe.
“Amenudo po ‘yon. Hindi ho ulam,” ani Jas ang best friend ni Lady Lola.
“Whatever. Tell me anong pwedeng gawin ko para ‘di lang ako sumabak sa sayaw na ‘yon. Jesus! Imbes na maisalba ko ang pangalan ng pamilya namin lalong lulubog,” binitawan nito ang kamay ng dalaga at tumulis ang nguso.
“Why, Your Highness? Madali lang naman ho ang sayaw na ‘yon. Me and Jas can teach you. Ganito lang ‘yan,” itinaas ni Lady Lola ang mga bisig at nagsimulang umidak habang ang kaibigan naman nito ay idinipa ang mga kamay at tila manok o tandang na umaligid sa kaibigan.
I stared at them with fascination. Tuluyan na ‘kong natawa lalo pa nang makitang napa antanda ang binatang prinispe habang pinanonood ang nagsasayaw na magkaibigan. To makes matters worst, biglang nagpatugtog ang DJ ng inarkilang sound system ng isang upbeat na tutog. I heard the singer’s voice and when I looked around us, nakangiting mga mukha ng tao ang nakita ko. Some are even clapping while others are busy taking videos of the event.
“Anong music ‘yan?” Tanong ko sa katabi.
“Curacha mayor, Maam,” sagot ng ale na hawak ang cellphone sa kanan at sa hip nito ay naroon ang anak.
Napatango ako’t nakuntento sa panonood sa dalawnag magkaibigan habang sinasayawan ng mga ito ang prinsipe na abot na yata sa palasyo ang tulis ng nguso.
“Gen, come here. Try this,” Lola called my name while waving her arms gracefully.
Napilitan akong lumapit sa mga ito.
“Paano?”
“Ganito.”
I raised my arms, waved. I tried to copy her moves in between giggles. Nakaka aliw pagmasdan ang dalaga sa pag sasayaw, napaka gaan ng moves nito at malambot ang katawan.
“That’s it! Ikaw na lang Gen ang representative ko!” Tila may mga bumbilya nag mga mata ng pang-apat na prinsipe nang malingunan ko. Panay pa nag pitik ng daliri nito.
Na estatwa ko’t nanlalaki ang mga matang tumitig sa prinispe.
“Your Highness, huwag kayong magbiro ng ganyan.”
Nagkangising umiling ito.
“I’m serious. Dead serious,” lumapit ito at kinuha ang jersey mula sa sa ‘kin. “You’re part of the palace kaya pwede kang proxy ko.”
“Pero kayo ho ang naatasan para sa task na ‘yon.”
“I am. But who knows. Maybe there’s an unforeseeable reason that may hinder me from performing that dreadful task. Like a tummy bug for instance,” he winks at me. “May bonus ka sa ‘kin, Gen.”
Bago pa ko makahuma likod na nito ang kaharap ko. Bonus? Fudge. Ngayon lang ako tatanggi sa bonus.
“Uh-oh. Ano bang gulo ang pinasok ko?”
“I’ll teach you. Madali lang naman ang sayaw huwag kang masyadong mamoroblema.”
“Tama si Lola, Gen. May mga videos sa Youtube.”
Laglag ang balikat na naupo ako sa malapit na bench. s**t. Ano bang malay ko sa sayaw na iyon. Kasama ba sa work description ko ang sumayaw ng menudo or cha-cha na ‘yon? Bigla kong naalala ang pakay ko kanina sa magkaibigan.
“Lola, anong ibig sabihin ng gardo…wait garbo?”
“Garbo. Ligaw. Bakit? Saan mo narinig ‘yan?”
“Ha? Sa isa sa mga bata,” ngumiti ako pero deep inside iba ang kaba ko. “Iyong word na uyab?”
“Jowa. Syota.”
A little O-shaped in my mouth.
“Ahm…yong dire?”
“Hindi. No.”
Shit. Ayokong mag overthink pero mukhang na-decipher ko ang napakalaking mestiryong sinabi ni Kamahalan kanina. In my hazy mind, I’m assumng that the crown prince told those kids that I’m not available in the market for anyone ‘cause I am his. OMG! He told them that I don’t have a boyfriend yet.
Okay, self. Kalmahan lang natin ang pagiging hopya. Sawata ko sa sarili nang biglang mamawis ang mga palad ko sa tinatakbo ng isip.
“Gen, ayos ka lang ba? Mag uumpisa na ‘yong game.”
“Ayos lang ako. May naalala lang akong bigla.”
“If its about that dance, huwag mo masyado alalahanin ‘yon. Napag tripan ka lang ni Primce Lachlan, hindi naman niya pwedeng suwayin ang utos ng crown prince.”
I sighed. May point naman si Lola pero hindi ko pa rin maiwasang ‘di kabahan. Nawala lang sa prinsipe at sa kung anumang binabalak nito ang isip ko nang lumapit si Brix sa ‘min at sabihing magsisimula na ang liga.
Pumesto kami sa mahabang bench habang nasa likod namin ang isang batalyong mga kababaihan na may mga dalang pompoms at tarpulins. Ako ang naaawa sa mga lalamunan ng mga ito lalo pa nang lumabas na ang tatlong binatang prinsipe suot ang mga jersey na nalaman ko mula sa babaeng coordinator na pinasadya pala nila para sa event na ‘to.
Dahil walang magawa, I fished my work phone and started to take some snaps and videos.
“s**t,” nanigas ang likod ko nang mula sa screen ng phone ay nakita kong papalapit sa pwesto ko si Kamahalan. Ramdam ko ang pagsiko ni Lady Lola sa tagiliran ko.
“Genessia.”
“Y-your Highness,” I blinked. Napapitlag ako nang malakas na tumili ang babaeng naka pwesto sa likuran ko. I stand up, put my phone inside my pocket and wait for his instructions. Ganoon din ang ginawa ng mga kasamahan ko.
He waved his hands dismissing us. That simple move made my throat dry. Na-flex nang hindi sinasadya ang muscles ni Prince Liam. Geez!
Sa mukha ang tingin, Gen. Huwag sa biceps.
Parang gusto kong humingi ng ice cream ngayon para lang mapalis ang init na nararamdaman dahil sa nasaksihan. He’s not the burly type, mas lean ang muscles niya pero dahil sa pugot ang manggas ng suot nitong jersey kita ko ang matitipunong bisig nito. Ang mauugat na mga kamay and that long and lean fingers that was busy gripping the towel.
How can a hand be that sexy and hot?
“Do you have my drinks?”
I shake my head and glance on Brix. Nginuso nito ang mga inumin na nakahilera sa kaliwa ko.
“Ho? Here,” mabilis kong kinuha ang bottled water at inabot rito.
Kinuha nito iyon pero kumaway muna sa mga taong nasa likod ko. I even heard him uttering thanks to the women.
“Your Royal Highness, good luck ho,” nahihiyang ani Jas rito pero halatang pigil na pigil ang pagka kilig.
“Pang gulo lang ako rito. Enjoy yourselves, ladies,” anito saka tumalikod na pero muling humarap. Seryoso ang mukha nitong nakatitig sa ‘kin. “You should stay on that area. Ma safe iyon kaysa rito.”
Sinundan ko ng tingin ang intinuro nito. Naroon sina Jaques at V pero hindi dahil nasa sulok iyon at natatakpan ng mga poste at ring, alam kong kailangan ko pa ring tumayo’t humanap ng pwesto para mas ayos ang kalalabasan ng mga videos at pictures na kukunin ko. I swallowed my protest when I saw his intense gaze on me. I manage to nod.
“We will, Sir,” sagot ni Brix.
“Alright.”
“Good luck, Sir,” habol ko. He just raised his right hand and wave.
We managed to transfer and settle on the other side of the court before the game started. Matapos makuha ang kit ko namely phone and power bank, tumayo ako’t lumapit sa cour kung saan abala na sa paglalaro sina Kamahalan. Kalaban ng mga ito ang mga residente ng barangay. The three royals together with the two younger politicians of the province make up the team visitors.
Naging abala ako sa pagkuha ng pics at videos ng buong laro. In between, tumutulong ako sa pag aasikaso sa mga royal princes. Social media expert s***h courtside reported and water girl ang peg ko sa mga sumunod na oras. Pasalamat na lang ako’t nariyan sina Lady Loa at ang bff nitong si Jas para tulungan ako.
The whole game was fun. Masyadong dikit ang laban, kaya hindi ko tuloy maiwasang ‘di kabahan.Panay rin ang sigaw ko’t napapasuntok pa ako sa hangin kapag nakaka shoot ang team nila Prince Liam.
Nang three minutes na lang ang natitirang oras sa laro, mas lalong uminit at umingay ang buong court. Ramdam ang tensiyon sa magkabilang kampo. Lamang kasi ang mga kalaban nila Kamahalan ng anim na puntos.
“Foul!”Sigaw ni Prince Lazlo sa referee. Kasalukuyang nasa bench ang second prince dahil na-techinical ito nang kwelyuhan ang isa sa mga player.
Agad namang sumeyas si manong kay Prince Lachlan, instructing the third prince to go to the free-throw area.
“Prince Lachlan, kahit ‘di mo mai-shoot ‘yan pasok ka na sa puso ko!” Tili ng isang babae na ikina ngisi ng binata.
Kabadong napa sign of the cross ako nang ihagis ng fourth prince ang bola.
“Yes!” I punch the air.
“You need an award for being the best cheerleader.”
I was startled. Mabilis akong nagdilat ng mga mata’t nakasalubong ang nakangiting mukha ng amo. Despite the fact that he’s been ppaying for more than thirty minutes now, he’s still handsome. s**t. Handsome is too weak of a word to describe him.
Namumula ang magkabilang pisngi nito marahil dahil sa pagod pero nagniningning ang mga mata. God, those eyes. I can stare at him all day, be lost and I won’t complain a bit.
“Hindi ka ba nangangalay?” Nguso nito sa kamay kong nakataas pa rin ngayon.
Napakurap ako.
“S-sorry,” nag iinit ang mukhang ibinaba ko ang kamay, nakapako ang mga mata ko sa sapatos.
“You need to step back, Genessia. Matatamaan ka ng bola or worst ng mga players kapag ‘di ka umalis dito.”
“Ahm…ayos lang ho. I need to get nice pics for IG,” ipinakita ko ang phone rito.
“May mga photographers diyan, you can ask for their photos. Kanina ka pa nakatayos riyan, I bet you took thousands of photos. Stay with Jaques, Genessia.”
Alanganin kong tumango rito. Nang tumalikod na ito’t bumalik sa gitna ng court naiwan akong ‘di malaman kung susundin ito o hindi. Kung aalis kasi ako, sayang. Palapit na ang last two minutes and we all know that a lot of great shots happen in that time. So, against his order I sauntered towrads the direction of the photographers—sa mismong tapat ng ring.
“Hi,” bati sa akin ng isa sa mga press peolple, umurong ito. A silent invitation to sit beside him. I smile and saw his ID. Torrevillas Media Corp.
“Hello,” kiming bati ko at pumwesto sa tabi nito.
“You’re from the palace?”
“Yup.”
“Cool. Baka pwede mo kong bulungan ng sched ng crown prince.”
Umiling ako rito.
“I love my neck.”
Naiiling na ngumiti ito’t inabala na ang sarili sa trabaho. I also focus on my task. Hindi lingid sa akin ang pagtalim ng mata ni Prince Liam nang magtama ang mga mata namin. He even shake his head, annoyed at my stubborness.
When the host announce the famous line ‘Last two minutes’, tatlo na lang ang lamang ng kabilang koponan kina Kamahalan. Mas tumindi pa ang laban, puro pito na ng mga referee ang narinig ko sa mga sumunod na sanadali. Nai-shoot ng crown pirnce ang bolang pinasa ng pinsan nito sa kanya kaya isang puntos na lang ang hinahabol nila.
Sinipat ko ang malaking orasan, twenty seconds bago mag end ang laro. Nasa paning ng kalaban ang bola kaya todo dasal kaming lahat, nakatayo ng nga ang lahat habang pinanood ang pagdi-dribol ng kalaban. They’re killing the time, I observed.
“Defense. Defense!”
Tuluyan na akong nakisigaw kasama ng crowd habang pinanood ang mainit na kaganapan sa gitna. I peered at the clock. Fifteen seconds. To say that I’m nervous was an understatement. Then it happened right before my eyes. Nang ipasa ng kalaban ang bola nito sa kakampi, natabig iyon ng batang konsehal na teammate ni Kamahalan.
The crowd went wild, I am no exception of course. Halos mapatid ang litid ko nang makitang mabilis na tumatakbo sa direksiyon namin ang grupo ng crown prince. Si Prince Lachlan ang may tangan ng bola, pnay ang senyas nito sa mga kasamhan.
“Lord, isang shot lang. Please,” matiimi kong dasal,magkasalikop ang mga palad at hindi ko magawang kumurap.
Eight seconds. Seven…
The ball was passed from the fourth prine to his cousin. I don’t know kung masyadong malakas ang pasa ni Prince Lachlan sa bola o mali ang tantiya niya pero lumagpas iyon kay Kamahalan at bago pa ako makahuma papunta na iyon sa direksiyon ko.
I blinked rapidly, my heart jumped in my throat as I gazed at the approaching ball. s**t. At its speed, tatamaan ako sa mukha. It’s a fact I know but for the life of me hindi ko maigalaw ang mga paa ko.
Hello pasa, sukong bulong ko sa sarili sabay pikit.
Hiyaw ng marami ang narinig ko kasabay ng mainit na bisig na pumulupot sa bewang ko. Narinig ko ang tunog ng pagtama ng bola sa katawan ng tao pero wala ang sakit na inaasahan ko. Instead, I felt odlly hot. Safe.
I was pulled against a hard yet warmth muscled chest. Nagtatakang nagdilat ako ng mga mata. I was taken a back when I was greeted by the pirecing gaze of the crown prince. Salubong ang kilay nito habang nakatingin sa mukha ko.
“Mierda. What are you thinking, Genessia?”
“K-kamahalan?”
“Ba’t hindi ka umilag?”
Nakatulalang pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanya at sa orasan sa likuran namin. Hindi ko magawang sumagot.
Two.One. Zero.
Then the loud buzer boomed followed by the cheering crowd and the yelling players. We lost the game. They’ve lost that one shot and its because of me. Ralization hits me. Mabilis akong umatras para lagyan ng distansiya ang mga katawan namin.
Tila naman nahimasmasan ang amo ko. Reluctantly, he let me go. Sinuklay nito ang buhok.
“You good?”
“You’ve lost, Kamahalan. I’m sorry,” I avoided his gaze. Aware akong nasa amin ang atensiyon ng karamihan ng mga tao lalo na ng ilang media na kanina pa nag pi-piyesta sa eksenang nalikha ko.
“I’m not. It’s fine. It’s just a game, Genessia. Don’t be sorry. Look at me.”
I obeyed. Ilang beses itong humugot ng buntong hininga bago matipid akong nginitian.
“What I did…what I have here is far more important than any game. Anything.”
Habang hinahatid ng tanaw ang papalayong bulto ni Prince Liam, hindi maiwasan ng puso ko ang magtata-talon. We lost the game, yes. Pero ako? Jakpot ako.
Genessia Rodriguez, three points!