GEN’S POV
"Buenas tardes a su Alteza,” masiglang bati ni Don Juan Vicente Enciñas sa nakangiting si Prince Liam.
The man is like a fine wine, nasa late 40s na ito pero gwapo pa din at maganda ang tindig. Katabi nito ang napaka gandang asawang si Doña Nieves Encinas y Prietto kasama ang mga nag- gagandahan nitong mga anak. Si Lady Laya at Lady Lola. ‘Di ko tuloy maiwasang di mailang sa itsura ko, I'm 7 compare to these stunning ladies that are definitely a 10.
Kasalukuyan kaming nasa foyer para salubungin ang pagdating ng pamilya. I'm sandwiched by the two hot royal guards at sa unahan namin ay nakatayo ang tatlong nag kikisigang royal princes.
"Buenas Tardes. Welcome to Saxes Villa and thank you for the food, Don Vicente,” nakangiting bati din ni Prince Liam at kinamayan ang Don.
"Kami ang dapat humingi ng paumanhin at di kami nakapag- prepare,Your Highness.”
"So if you're prepared ‘di lang 3 lechon at 4 na banyerang king crab ang ipapadala niyo?" Balik ng prinsipe at sinabayan nang mahinang tawa.
"I might send you two ships of fresh catch mackerel or tuna, Your Highness.”
Nagtawanan ang mga ito bago ipinakilala ng personal ng Don ang esposa at ang mga anak.Napansin kong namula si Lady Lola ng tanggapin ang kamay ni Prince Lazlo.Nasa mata ng dalaga ang pag hanga sa batang prinsipe.
Okay, medyo may something doon.
Ilang sandali pa'y tumuloy na kami sa garden villa. A sumptuous banquet is waiting for the royals and their visitors. Tables laden with delicacies come to view alongside huge platters of fresh and juicy seafood. Everything you can think of and things that you have never dreamed of are all waiting for us. I even saw bottles of 1990 Romanee-Conti, Domaine de la Romanee-Conti. Pakiramdam ko tumulo nang bongga ang laway ko.
Well, nasa 27,000 dollars lang naman ang per bottle nito kaya parang gusto kong kumuha ng isang baso mamaya at i-dropper iyon para tumagal ng isang taon. Royals know how to throw a banquet, a f*****g fancy, and luscious banquet.
Prince Liam motioned the table and everybody get in their proper places. Naging maayos naman ang dinner. Mostly ang kausap ni Prince Liam ay si Don Vicente at Doña Nieves.Habang ang bunsong dalaga ng mga Enciñas ay ako ang napag trip-ang kausapin. Sa table na nasa likod ng nila Prince Liam ang pwesto namin.
"I'm glad that you're here kung ‘di ay naging bato na siguro ako,” napangiti ako sa komento nito.
Hindi ko maalis ang mata ko sa kanya dahil sobrang ganda niya. Her beauty is enchanting. The kind that you can't help but stare at. Her face looks like it was cut right from the pages of a teen magazine. Long lashes, pouty lips, and a set of light hazels that will suck you in. Morena man ang balat nito pero bumagay ito sa kanya plus I love her beach waves, I’ll ask her later if its natural or not.
"I'm also glad your here, Lady Lola.Malapit na kong maging brusko dahil sa mga kasama ko,” natatawang sagot ko na sinang- ayunan naman nito.
"Buti nakakatagal ka sa kanila. I mean its literally raining men here.”
"I like to think myself as lucky, Lady Lola.”
"Sabagay. Madami ang makikipag p*****n just to be in your position. Three drop dead handsome as hell princes plus may isang batalyon kang Royal Guards na mas mukhang models kaysa security…" tinapunan nito ng tingin ang nag uusap na sila V at Jaques. She giggled. "Girl, ano bang ginawa mo sa past life mo? May sinalihan ka bang rebolusyon? Iniligtas mo ba ang bansa noon? Tell me, sasali din ako,” pag bibiro nito at sabay pa kaming natawa.
I like Lola though mabait din naman si Lady Laya pero mas magaan ang loob ko sa bunsong Enciñas.
"He likes you,” biglang bulong ni Lola sa kin. Her eyes were glued to my back.
Dahan-dahan akong lumingon and I saw Prince Liam's smiling face.He's talking to Prince Lachlan but his gaze was on our direction, giving me that piercing dark pools that might be magnet or what. Nakakabatu-balani. Agad kong binawi ang tingin ko, ibinalik sa kausap kong panay ang bungisngis.
"Masyado ka pang bata para sa mga ganyan, Lady Lola,” saway ko dito.
"No. I always saw him staring at you especially when you're not looking. The way he looks at you parang yung tingin ng Papa sa Mama,” seryosong sabi nito na ikinatahimik ko.
Totoo ba? Dalawa na ang nagsasabi sa 'kin, maniniwala na ba ako? Kinapa ko ang puso, he's been showing signs pero kailangan kong maging sensible. Paano kung ganoon lang talaga siya sa mga empleyado niya 'di ba?
Damn. Ayokong mag-assume dahil 'di lang ako mawawalan ng mukhang ihaharap sa mga kaibigan at kakilala ko kung 'di mawawala rin ang dream job ko.
"Hi Ladies."
Nalingunan namin ang gwapong si Prince Lachlan. May hawak itong bote ng 1990 Domaine de la Romanee-Conti at umupo sa harap namin ni Lola.
"Why aren't you two drinking? Here," sabay abot sa dalawang glass wine sa 'min ni Lola. Atunili ang dalaga ng kunin iyon sa prinsipe.
"Your Highness, I'm still 6 months away from drinking age."
"Come on now, Lola.Walang huhuli sayo dito and besides isang baso lang naman.Tatanggihan mo ba ang isa sa pinaka finest wine sa mundo? This is 1990, look.." sabay turo nito sa bote ng wine
Nag aalalang napatingin ang dalaga sa lamesa kung saan naka upo ang parents nito.Ilang saglit munang dumaan ang pag aalinlangan sa mukha ng dalaga bago kinuha ang wine glass na sinalinan naman agad ni Prince Lachlan.
"And for our lovely and ever-reliable muse, Gen."
Hesitantly I reached for it. Sariwa pa sa utak ko ang nangyari noong last time na mag-bar kami pero 'di ko pwedeng tanggihan ang isang royalty. And hello, it's 1990 DRC for crying out loud! The world's least accessible wine.
"Thank you, Your Highness," nahihiyang sabi ko while swirling my wine slowly.
I closed my eyes as I take in the intense fruity fragrant of the fanciest drink I have ever smelled.
"This is the best," Lola exclaimed. Her voice is full of pure happiness.
Tahimik akong sumang- ayon.This is definitely the best wine no wonder it's the most sought after by wine enthusiasts.
"Told yah," ani Prince Lachlan na nakaupo sa tapat tabi ni Lola. "You're a student at the uni right?" nilalaro ng binatang prinsipe ang mahabang buhok ni Lola. Parang balewala lang sa dalaga ang ginagawa ni Prince Lachlan.
"SSU? Yes. Lucky for you 'cause you'll get to experience our school. Masaya dito,you'll enjoy, I promise," nakangiting sagot ng dalaga na bakas sa tono ang pag mamalaki para sa lugar na kinalakihan.
"I know.This one month will be fun for me.Mukhang madami akong pwedeng pagka busy-han dito.Di ba,Gen?"
"Y-yeah.Mukha nga,Prince Lachlan," napipilitang sang- ayon ko at ibinaling ang tingin kay Lola na mukhang walang ideya sa ibig sabihin ng pilyong prinsipe.
"Mind if I join you?"
I gasp. The familiar smell of his perfume wafted into my nose. The combination of an expensive scent, aftershave, and musk made me think unicorns and heaven.
"Go ahead, cousin dear."
Parang naka auto pilot na gumalaw, akmang tatayo para batiin ang binata pero mabilis ako nitong pinigilan.
"Don't, Genessia. Just sit.”
Tila nahihipnotismong tumango ako’t pasimpleng nilingon siya. He took the seat beside me and I silently curse myself for wearing a scoop back drees, I felt his fingers lightly brush my bare skin when he accidentally lean forward to grab something at the table. My heart did these weird rapid beatings, I can’t breathe.
“You okay there?”
“H-ho? Yes, Sir,” I cleared my throat and focus on my glass.
"Wine, Your Highness?"
"Sure. Gracias"
Lihim akong nagpasalamat kay Prince Lachlan nang bigla itong magsalita. Aware kaya ang mga kasama ko sa tensiyon na nararamdaman ko ng mga oras na ’yon. Hindi ako naniniwala dati sa mga nababasa ko sa romance novels na kinakakiligan namin ni Donna, but right now I guess I’m freaking wrong the whole time.
Bawat himaymay ng katawan ko, bawat atom at bawat cells tila may sariling utak na aware kay Prince Liam. Gaya ngayon na panay ang tawa niya habang kausap si Lady Lola, my insides are melting. O ‘di kaya ang biglang pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan nang biglang sumagi ang tuhod nito sa hita ko.
Christ.
Kung ‘di pa enough ‘yon, naroon pa ang malalagkit nitong tingin habang tahimik na umiinom ng wine. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin.
Instinctively, I wrap my arms around my waist.
“You’re cold. Here.”
“Your Highness…” naguguluhang pinag lipat-lipat ko ang tingin sa coat at sa binatang ngayon ay nakatayo sa gilid ko. He’s not smiling anymore, if anything he looks concern.
“Nilalamig ka. Keep it.”
Natigilan ako saglit. Pilit kong inaapuhap ang mga salita sa utak kong lutang na naman.
“T-thank you, Kamahalan,” I whispered.
Nag liwanag ang mukha nito, he’s eyes are like the stars above us that night. Sparkling.
“That’s better,” ngumiti ito at muling ibinaling ang atensiyon sa dalawang kasama namin.
I blushed when I saw Lady Lola winked at me secretly through the rim of her glass. She mouthed told you but I only shake my head.
Pasikreto kong nilanghap ang coat ni Prince Liam na ‘di ko alam kung paano n’ya mabilisang na-produce. In an instant, I felt warm. Pero bukod sa init na iyon, may isang estrangherong damdamin din akong nakap puso ko.
Each day it's getting stronger and weirder. Hope and admiration for the formidable man who’s sitting right next to me.