GEN’S POV
SALTY. Iyon ang unang salitang pumasok sa isip ko nang salubungin ako ng ihip ng hangin ng probinsiya ng Catbalogan. Kipkip ang shoulder bag, mabilis akong sumunod kina V sa pagbaba ng eroplano. We landed at the small airport of Buri at exactly eleven in the morning, ten minutes early from the crown princes call time. But as expected, halos 'di mahulugang karayom ang buong paligid.
"Buong populasyon ba nitong probinsiya andito ngayon?" Bulong ko kay V na ngayon ay kahilera ko sa pila sa paanan ng eroplano. As usual umungot lang ang loko.
Umayos ako ng tayo at pilit na inignora ang kamay kong gustong lumipad sa magkabila kong tainga. We're waiting for Prince Liam to step down from the plane. Sa likod namin ang nakakabinging tilian ng mga tao, salitan ang mga ito sa pagsigaw sa pangalan ng dalawang prinsipe. May mga naispatan pa kong may mga dalang tarpulins at placards.
Gusto kong tanungin kong kumusta ang mga vocal chords nila pero biglang lumitaw si Kamahalan sa pinto ng eroplano kaya lalong nagtilian ang mga ito.
“Gen?”
“Oh. Sorry, Jaques. Nagulat ako,” hinging paumanhin ko sa second in command ni Kamahalan sabay simpleng nagnakaw ng sulyap sa gawi ng prinsipe.
Busy ito sa pagkaway at pagtanggap ng pagbati ng mga taga munisiplyo. He’s in auto pilot mode. Shaking hands, waving at the eager crowd and posing for the press. Hindi naman kami magkamayaw nila Brix sa pagtanggap ng mga bulaklak at kung anu-ano pang offerings mula sa mga naghihintay na tao.
“Ahm…Nay, ano ho kasi SOP po namin na sa amin po dadaan ang lahat ng regalo o pasalubong n’yo sa crown prince,” nakangiting paliwanag ko sa matandang babaeng kanina pa nangungulit sa mga royal guards na pagbigyang kausapin si Prince Liam.
Nagkatitigan kami ni Brix na ngayon ay may hawak na bulaklak at ‘di mabilang na paper bags. Habang ako’y kipkip ang gamit at ilang mga pasalubong na inabot nila V.
“Naku, eday.Kina—kailangan kong maka istorya baga ang prinispe. Ihatag ko la adi nga akon dara.”
“H-ho?” Nilingon ko si Brix na nag kibit-balikat lang.
Shuta. May interpreter bang available dito? Napalingon-lingon ako at nang walang makitang kakailala na marunong magasalita ng Waray, I offered the old lady a sweet smile.
“Nay, ganito ho kasi. Kung gusto n’yo, sa amin n’yo na lang ibigay ang regalo n’yo para kay Prince Liam. Promise po, makaka abot sa kanya ‘yan. Kung may sulat ho kayo, ako mismo ang mag aabot.”
Umiling ito at humigpit ang hawak sa bayong na hula ko’y siyang ibibigay na regalo sa amo ko.
“Aw. Pasaylo-a ‘ko. Pero kan Prince Liam ko la ig-hahatag an akon regalo ha iya.”
Napatingala ako. Akalo ko sa Kdrama lang ako mag no-nosebleed pati pala sa Waray.
“Ahm…kasi—”
“Manang Trining! Maupay nga aga. Kumusta? Kanina ka pa anhi? Kay ano man nga adi ka ligid? Unta nagsiring ka kan Jaques nga matapo ka ha akon.”
Napasinghap ako sabay lingon sa kanan. There in all his handsomeness, Prince Liam is standing, smiling at the old lady. Wait. Tama ba 'ko? He spoke their dialect!
"Aguy! Diri na ito kinahanglan. Maaram ako busy hi Jaques. Waray sapayan. Usa pa, harani la man ang amon balay dinhi."
"Bisan pa," nakangiti nitong inakbayan ang matanda at niyakap. "Namingaw ako ha imo. Waray gud man pinag-bag-o. Mahusay la gihapon."
Sa gulat ko hinampas ng matanda ang braso ng binatang prinsipe. Wala naman kaming magawa dahil mukhang close ang dalawa kung pag babasehan ang kawalan ni Jaques ng reaksiyon sa nakikitang tagpo.
"Pastilan. Imo la ko guin bo-bola."
"Diri gad. Tinu-od la akon guin yayakan. What's that?" Turo ni Kamahalan sa dalang bayong ng matanda.
Biglang humiwalay ito at kahit hirap inilabas nito ang laman ng bayong.
"Moron ngan iraid."
"Wow! Sakto gutom na 'ko. Medyo mainit na dito. Ngadi na. Dungan ha akon. Ihahatid kita."
"Wag na. Malakat na la ako."
"Tinatanggihan mo ako, nanay Trining? Jaques...?"
Sa gulat ko nag mano ang kanang kamay ni Prince Liam sa matanda saka kinuha ang mga gamit nito. Kahit panay ang protesta ni nanay Trining, wala itong nagawa kung hindi ang sumama na sa amin.
"Wow! Medyo dumugo ilong ko doon, ah," natatawang ani ko kay Brix habang nakasunod kami kina Prince Liam papuntang parking lot.
"Masasanay ka rin. Marunong din kasing mag Chabakano, Bisaya at Kapampangan ang Crown Prince."
"Really?" Bilib na bilib ako habang nakatingin sa ngayon ay masayang prinsipe.
Nang bigla itong mapalingon sa direksiyon ko bigla akongb nagbawi ng tingin. Nag kunwari akong busy sa mga regalo nito’t bulaklak. s**t. Mukha na naman akong strastruck na teenager. Halos mapatid ako sa paglapit kay V nang tawagin ako nito’t sabihing ready na ang sasakayan namin.
Sa secret service car kasi ako sasabay habang sina Jaques at V ay kasama ni Kamahalan. Hindi na ko nagulat pa nang makita ang hilera ng mga black SUVs at ang makintab na Maybach. Signature car of the crown prince.
“Ready, boys?” It was Jaques nang nasa loob na kami ng sasakyan. Katabi ko sa likuran sila Brix and Dunhil.
“Yes, Sir.”
“Go ahead. Let’s roll.”
Ilang saglit pa nasa kahabaan na kami ng highway at papunta sa Mahayag Estate, ang pribadong bakasyunan ng Royal Family sa Samar. The city itself is small. Napapalibutan ito ng karagatan habang sa likuran ay ang ilang matataas na bundok. The naives are friendly and though malayo sa kabihasnan nabasa kong kumpleto na rin naman sa ilang mga kilalang establisyimento ang bayan.
Nang magawi kami sa isang slope kung saan kita ko ang malawak na karagatan, agad kong inilabas ang phone. I took several photos and videos that I can post later.
“We’re here.”
“Wow! Perks ng wala sa Manila, less traffic,” nakangiting ani ko’t mabilis na umibis ng sasakyan para lang matigilan.
The magnificent villa that was nestled in the foothills of Mahayag mountain took my breath away. Overlooking the spectacular Visayan sea and a group of islands called Sierra it’s a dream for every architecture lover. Para iyong hinugot mula sa mga Pinterest boards na inipon ni Donna.
It's a modern take of Filipinos nipa hut, unlike the other castles and mansions of the Royal Family na puro french and Baroque style, this one is contemporary. A mixture of modern and traditional. The presence of wood and clever use of nature's element makes it more aesthetically beautiful. It's homey and definitely my fave.
"Settle in. Brix and Dunhill, follow me. Gen, si V na ang bahala sa'yo," mabilisang utos ni Jaques saka iniwan ako kasama ang skin head na estatwang royal guard.
He just jerked his head and I silently followed him inside the magnificent house. Gustuhin ko mang maglibot hindi pwede kasi may mga aayusin pa ako para sa mga meetings at appearances ni Kamahalan.
Who you ang rest for me for this trip.
The house is airy, it gives you the feeling of home away from home. When we passed on the spacious living room, bigla kong na-imagine ang sarili kong nagbubukas ng regalo habang nakaupo sa malambot na Persian rug. Sipping coffee and smiling like a fool.
I shake my head. Sakto namang nakita kong lumingo si V kaya binilisan ko ang paglalakad. Dalawang palapag lang ang villa at sa itaas naroon ang walong kwarto. I’m fortunate enough to use one.
"This will be your room, Gen,” si V nang ilapag ang suit case at ang gamit ko malapit sa pintuan nang tutuluyan kong silid sa Saxes Villa.
"Thanks, V.”
"See you at 5.”
Naiwan akong nililibot ang tingin ko sa maluwag at magarang kwarto.Modern tropical ang design nito and just like the rest of the house white, wood and bamboo furnitures were present inside. Pero ang pinaka best part for me ay ang floor to ceiling glass wall na nasa tapat ng bed. It gives me full access of the impressive view of the ocean.
What a view!
Ilang minuto ko munang pina- sawa ang mga mata ko sa napaka gandang tanawin bago ako nag simulang mag ayos ng mga gamit ko. After I arranged everything, I’ve freshen up and decided to take this opportunity to check the property and finish all the things I have on my plate.
Bitbit ang laptop at phone, lumabas ako ng room ko. Dinala ako ng mga paa sa state of the art kitchen ng villa. Like the rest of the house, it’s every woman’s dream.
“Fudge. Ba’t bigla kong nagutom?”
Nahiya naman akong tawagin ang staff na mukhang abala sa paghahanda para sa dinner mamayang gabi, I decided to go back to my room and fetched my emergency stash. Aka—hot and spicy pancit canton. Lakas loob kong hinalughog ang kusina para maghanap ng kaserola. When I saw one, I quickly prepare my food. Made a cup of coffee and lounge outside where there’s an infinity pool overlooking the vastness of Visayan sea.
Settled in one of the lounge chairs, I fire up my laptop and in no record time, I’m fully immersed with my work. In between emails, I grab my noodle paired with a loaf of bread while Dua's singing in the background.
“I would have stayed at home, 'cause I was doing better alone, but when you said Hello…I knew that was the end of it all, I should have stayed at home.”
Pakanta-kanta pa ko habang ang mga daliri'y busy sa kaka type sa keypad at ang mangkok ng canton ay nasa lap ko.
“’Cause now there ain't no letting you go. Am I falling in love with the one that could break my heart?”
"Dua's ass is probably shaking right now.”
"Holy!"Muntik kong maibagsak ang bowl na hawak. Sapo ang dibdib, umikot ako."Prince Liam kayo pala—"
Shuta! Panga ko ba ‘yong bumagsak at nabasag sa sahig? O, yung puso ko. He’s freaking hot.
Napalunok ako, ilang beses na kumurap. Parang gusto kong lunurin ang sarili ko sa pool dahil sa uhaw. Prince Liam's half naked glory was in full view. He's standing few steps away from me, a blue board shorts was clad on his hips. Clinging so seductively. Nakalagay sa mag kabilang bewang ang mga kamay nito and a sexy grin was plastered on his lips.
Bumaba ang mga mata ko sa deep V na nakasilip sa may hipbone niya. Damn! This man here is the caus eif global warming. Ba’t ba nag me-meeting pa sila sa UN tungkol doon eh nasa harap ko pala ang salarin?
Six. I counted six yummy f*****g abs. Wala sa loob na pinaypayan ko ang mukha gamit ang kaliwang kamay.
Mahinang tawa niya ang nag pabalik sa katinuan kong biglang nag walk out. Namumulang nag- iwas ako ng tingin sa kanya at di alam kung anong gagawin or sasabihin.
"You're blushing, Genessia. Why?”
"Ahm, m-mainit kasi Kamahalan. ‘Y-yung flavor kasi nitong noodle hot and spicy,” palusot ko sabay upo. Nangiginig ang mga kamay na naipatong ko ang mangkok sa kandungan ko.
From my peripheral, I saw him sauntered towards me. Leisurely, if I may add. God. That gait. Talo pa nito ang mga runway models na napapanood ko. He’s so regal and graceful yet the air of masculinity is still present. He plopped on the seat across mine. I pretended that I'm busy with my laptop pero ang totoo'y hyper- aware ako sa presence niya.
"What's this?" Bigla itong dumukwang papunta sa kin.
Nagulat na napataas ako ng tingin at nakita siyang kinuha ang bowl na nasa lap ko.I shivered a little when his fingers accidentally brushed my legs. I was wearing a cotton short kaya exposed ang kalahati ng hita ko.Para ‘kong kinuryente sa saglit na pagdampi ng balat nito sa balat ko. I’m still recovering from that shock when I saw him ate my food using the fork I used.
Geez. Para na kaming nag kiss...ulit.
Luwa ang mata at bahagyang nakaawang ang mga labi na nakatitig lang ako sa kaharap. Tila ‘di pa siya na kontento, kinagatan pa ang tinapay ko.
“Monay ko ‘yan, Prince Liam!”
He laughed almost crying habang ako’y naguguluhan.
“M-may nasabi ba ‘kong funny?”
“Nah,” naiiling na pinunasan nito ang gilid ng mga mata. He’s beaming when he glance at me. “I just—the word for this bread. May double meaning ‘yon sa mga locals dito.”
“I see.”
“Masarap ‘to. What's this called? I'll tell the chef na gumawa nito.”
"Pancit canton, Your Highness.”
"How come hindi ko alam ‘to? Is it imported?" Usisa pa rin nito.
I smile at his cuteness. Naalala kong ‘di nga pala basa-basta nag menu ng mga ito sa palasyo. And who’s insane enough oara pakainin siya ng instant noodles? Definitely not the royal chefs.
“It's local Prince Liam. It can be considered as a staple food ng mga Pinoys. Most households have that.”
"Really? Then it must be on the Royal Kitchen too," seryosong sabi nito na ang mga mata'y nasa mangkok.
Bigla ay nakaramdam ako ng init sa dibdib ko just by seeing his genuine happiness with the food. Hindi ko inaasahan na ma-a-appreciate niya ang ganong klase ng pagkain given his status. Maraming bagay akong natutuklasan tungkol sa amo. Isa na roon ay ang pagiging down to earth nito sa kabila ng estado sa buhay. He may be brooding and serious at time but he’s not a snob. Ayoko man pero lalong lumalago ang pag hangang nararamdaman ko para sa kanya.
"What's wrong? Did I grow two heads, Genessia?”
"S-sorry, Your Highness. Nagulat lang ako na gusto niyo yung lasa ng canton,” I shake my head slightly in the hopes that I’ll return to the land of the living.
"Why? What's not to like? Masarap ‘to. Nakakahiyang ngayon ko lang na discover. I am this nation’s crown prince. I should talk, act and eat like everyone else.”
I blinked at th hint of nuance I detected on his voice. Hindi ba niya alam na isa siya sa napaka buting lider na nakilala ko sa tanang buhay ko?
"Its instant. You know, medyo ‘di po healthy at mas ‘di hamak na masarap ang mga noodles n’yo sa palasyo.”
“Well. They’re making hand-pull noodles there but still…I must have this.”
“Kayo po ang bahala…” nahihiyang sabi ko na dumako ulit ang mga mata sa abs niya. Ano kayang exercise ng isang ‘to? I’m picturing him doing hunreds of push-ups everyday. My, sarap sigurong maging gym matt or floor.
"A little carbs won't hurt. Totoo ang sinabi kong masarap ‘to. Magpapa stock ako nito once we got back. Baon mo ba ito from Manila? How many did you brought with you?"
"Six pack ho este...I mean six-packs,” I flashed him a toothy grin.
Fydge!Ba't ba kasi ‘yung abs niya pinag iinteresan mo, Gen? Inis na saway ko sa sarili.
Tumaas ang sulok ng bibig nito, his eyes glinting with amusement whe he regards me.
"Okay. Hope that's enough to satisfy your cravings.”
Bakit may pakiramdam akong we're not talking about the canton anymore?
"It's more than enough, S-sir."
"Thanks for the canton, Genessia,” he stands up and hands me the bowl.
"You're welcome, Prince Liam. Maiwan ko na po muna kayo. May tatapusin pa ‘ko,” paalam ko sa kanya dahil di ko na kayang matagalan ang presensya niya.
"Alright,” nakangiting sabi nito at lumakad na papunta sa pool.
Nagmamadaling kinuha ko ang mga gamit ko kasama ang mga pinagkainan ko. Malapit ng maging jell-o ang mga tuhod ko kaya kailangang maka alis na ko dito.’Di kinakaya ng powers ko ang sobrang hotness ni Kamahalan, kahit ata santa ay mas nanaising maging makasalanan pag siya ang kaharap.
Padausdos akong sumandal sa pinto nang makapasok sa ng kwartong tinutuluyan ko sa Villa.
"Shuta ka self!”
What am I thinking saying those stupid words to His Royal Highness? Naiiling na sinabunutan ko ang sarili. Nang ‘di makontento, tumakbo ‘ko sa loob ng banyo at naghilamos. Muli akong napamura nang makita ang mukha ko sa salamin. Para ‘kong kamatis sa pula. Alam kaya ni Kamahalan ba’t ako nang ba-blush ng ganito? That his presence alone could send me to grave and back? Ang bilis ng tahip ng dibdib ko kaya nang tumunog ang cellphone ko marahas akong napamura’t tumalon.
Shit. Kape pa more, Gen!
“You’ll be the death of me.”
“Really? Akala ko si Kamahalan. Ang malas mo naman kung ako lang,” pang aalaska nito na sinabayan pa ng tawa.
"Kumusta?"’Di ko pinatulan ang patutsada nito, I searched for my headset dahil malamang sa telebabad kami mauuwi nito.
"Saw your IG story. Grabe nakaka inggit! Sana sa sunod pwede ‘ko sumama or kaya ako mag proxy sayo!"
"Sana nga eh noh?Pero pwede naman siguro mag-leave ako tapos sabihin ko ikaw muna ang palit sa ki,” I said leaning on the headboard.
"Hmp! As if naman papayag yang prince charming mo.Eh, kung makabantay nga sayo sobra Eh.”
"Hey, who's guarding who? Isa ako sa mga bantay niya bakla, remember?" I rolled my eyes dramatically.
"Hay naku! Nag bubulag-bulagan ka lang talaga. Malinaw pa sa sikat ng araw na may gusto sayo yang si Kamahalan.Tanggapin mo na kasi para di na kana nahihirapan.”
“Bakla, na-establish na nating hopya lang ako sa story na ‘to. Okay? Where are you now? Did you see my note? Kailangang naayos na ‘yon before pa kami makabalik ng Manila,” pag da-divert ko ng usapan.
"Yup. Saw it. Ready na ‘yon for the gala once you get back.”
"Thanks. Love you talaga"
"Hoy! Hindi mo ko madadaan sa paganyan-ganyan mo.Your love is good but I need tea! What's the latest news? Bilis at one hour lang ang break ko.”
Napabuga ko ng hangin nang wala sa oras. Akala ko pa naman naisaihan ko na siya.
"Ahm…may sched na dinner late—”
"Gaga!Not that one.I don' t f*****g care if kasalo n’yo sa dinner nyo mamaya ang King ng Tralala. I want the juicy part.”
"Can I just tell you the highlights?"
"Oh, s**t! Ganoon ka- juicy? Omo. Okay sige. Spill,bilis."
Ramdam ko ang excitement niya kahit milya-milya nag layo naming dalawa. I told her what happened on the plane, the banter and how I woke up having an expensive blanket around me. Nabingi ako sa lakas ng tili ng bruha.
“Hoy. Vocal cords mo, bakla!”
“Shuta. This is it. Manifesting na magiging jowa ka ng isang royalty. OMG! Tapos?”
"Well. Nasa pool kasi ako kanina then he came out of nowhere…” hindi ko mapigilang ‘di mag- blush nang maalala na naman ang ayos ni Prince Liam.
"And? Come on,Gen.Nambibitin ka. Babatukan talaga kita sa Monday."
"I saw Prince Liam in his half naked glory!"kagat labing bulalas ko.
"OMG!s**t! Wait Yummy? Of course, yummy siya. Tang’na ko. Ba’t ang sabaw ko? Ilang pandesal?"
Natawa 'ko sa sunod-sunod na tanong nito.
"Super yummy. Six.”
Lalo namang tumili ang gaga.
“Hey! Baka pagalitan ka d’yan at ma-issue-han ka ng memo,”saway ko dito.
"Nasa room natin ako now.Wala ka man lang bang photo d’yan? Ambunan mo kami. Huwag lang madamot. Send mo sa GC.”
"Anong picture? First, bawal sa’tin iyon. Pangalawa, alam mo namang iba ang epekto ng presence niya sa ‘kin. Natutuliro ako. Nakakalimutan ko ngang huminga, kunin pa kaya ang phone ko? Priorities, bakla.”
"Okay point taken. Pero if may chance ka naman, bakla. Share your blessings!"
Ilang minuto pa kaming nag usap bago nagpaalam na ito dahil tapos na ang lunch break. Ako naman ay inayos ang mga gamit at ang mga paper bags na pasalubong ng Royal Princes sa mga Enciñas mamaya. I need to inspcet it kung tama ang naibigay na mga regalo sa ‘kin sa palacio kagabi. Apat na may kalakihang paper bag ang mga iyon.May tea set, pastries at blankets na galing pa ng Cordillera.
Isa-isa kong sinipat ang paper bags. Binilang kung tama ang mga iyon sa bilang ng miyemnro ng noble family ng Visayas. Habang sinisipat ko ang isang blanket, may biglang nalaglag na sobre mula sa loob niyon. Kunot-noong dinampot ko ‘yon.
Lalo akong nagtaka nang mapansin na ‘di iyon ang opisyal na greeting card ng Office of the Crown Prince. There’s no stamp and at the bottom flap there’s a white square sticker.
“What’s this?” I traced my finger on the three symbols etched on the sticker. Ngayon ko lang nakita ang mga ‘yon.
Agad kong tiningnan ang paper bag na nag lalaman ng blanket, I checked if the logo of the brand matches the sticker in question. It’s different.
"This is not right,” naibulong. I always trust my gut kaya agad kong tinawagan si Jaques.
"Gen,” unang ring pa lang ay sumagot na ito.
"Nasa room ka ba? I have something to show you.”
"Yes. Okay.”
Mabilis akong lumabas dala ang sobre at pinuntahan ang kwarto ni Jaques.
Di pa ‘ko nakakaliko papunta sa room nito ay nakita ko nang palapit ito sa ‘kin kasama si Prince Liam na ibinababa pa ang white t-shirt and he’s barefooted.
"What is it, Genessia?" Puno ng pagkabala ang tono nito habang sinusuklay ang medyo basang buhok. He’s so edible.
"Prince Liam…nakita ko po kasi ‘to. Naka- siksik sa mga pasalubong for the Enciñas. Wala po tayong ganyang card sa palace and the sticker is unfamiliar,” iniabot ko sa kanya ang sobre.
Bakas ang pagtataka sa mukhang inabot nito iyon at sinipat.Matagal nitong pinakatitigan ang sticker na nakakabit sa bottom flap at saka ibinaling ang tingin sa ‘kin. Hisexpression is unreadable.
"May nakita ka pa bang iba aside from this one?" May kung ano sa boses nito ng mag tanong sa kin. He seem agitated and from the looks of it, the card brought worrisome thoughts to him.
"Wala na, Your Highness.”
"Good. Jaques get all the paper bags and bring it all in the living room,” utos nito na agad namang sinunod ng binatang royal guard.
Naiwan kaming dalawa sa gitna ng malawak na hallway. I shifted on my feet, fidgeting.
"Your Highness, kung wala na po kayong ipagagawa—”
"Make some coffee. Please?” anito habang pinisipil ang puno ng ilong.
I blinked rapidly. Did he just say please to me?
“Genessia?”
Damn it! This day was full of surprises. Aasa na ba ‘ko sa sinasabi ni Donna? That in some twisted way, the feeling’s mutual. Bet din ako ni Kamahalan.
"Gladly, Prince Liam.”
“Gracias.”
Shuta! Kalma naman Kamahalan. You’re breaking so many rules today making my heart jump in my throat. Sana lang ‘di ito mix signals dahil ngayon pa lang alam kong masayang umasa but then masakit din. Mapait.