"Hoy, pumikit kaya ako kaya wala akong nakita!" mariing tanggi ni Millie sabay hampas sa braso ni Joaquin. Kahit na ang totoo ay kitang-kita naman talaga niya. Ngunit paano naman niya iyon aaminin? Nakakahiya kaya. Sa sarili nga niya ay hiyang-hiya na siya. Dahil kasi sa nangyari ay hindi na virgin ang kanyang mga mata. Pagkatapos ay kumawala siya sa yakap nito at nagtungo sa lamesa. Sinundan naman siya nito. "Ibang klase ka pala pumikit. Halos namuti ang mga mata mo," natatawang pang-aasar pa nito sa kanya habang umuupo sa upuan. "Wala kang ebidensya!" irap niya rito. "O siya, kumain ka na at malamig na iyang pagkain mo," saad niya sabay talikod upang ikuha ito ng raisin bread. "Are you not going to eat?" tanong ni Joaquin sa kanya pagkabalik niya nang mapansin nito na iisa lang ang p

