Natuwa naman si Millie na marami ang sumang-ayon sa kanyang ideya. Hindi niya akalain na ang simpleng naisip niya ay malaking bagay pala para sa kumpanya. Maya-maya ay umaliwalas ang mukha ni Paloma. Bumaling ito sa kanya at nagpakawala ng isang matamis na ngiti. "Oh, yeah. I'm sorry. Hindi ko agad naisip iyon. Good job, Ms. Garcia." puri nito sa kanya. "I think it's going to be exciting!" dagdag pa nito na tila talagang nasisiyahan. Nagtataka man si Millie sa naging reaksyon nito ay nginitian na lamang niya ito. At dahil sumang-ayon ang lahat ay bumuo sila Joaquin ng isang business plan mula sa paghahanap ng magandang location hanggang sa pag-hire ng mga tao na kakailanganin para sa store. Pagkatapos ng meeting ay umalis na ang mga department head sa board room. Naghahanda na rin sa p

