Natutuwang ginantihan ni Millie ng yakap ang nobyo. Binibiro lang naman niya ito tungkol sa kasal pero hindi niya akalain na gano'n ang isasagot nito. Gayunpaman ay hindi siya nagpadala sa mabulaklak na sinabi nito sa kanya. Dahil hangga't walang ino-offer na kasal sa kanya ay hindi siya nakakasigurado. Kahit na ramdam niya ang pagmamahal sa kanya ng nobyo ay wala pa ring makapagsasabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. "Actually, hindi ko pa rin nasasabi kay lola ang tungkol sa'tin. Baka mabigla naman siya kapag unang pagkikita n'yo pa lang ay namamanhikan ka na," natatawang paglalahad niya. "Well, sigurado ako na mabibigla siya pero sigurado rin ako na matutuwa siya," nakangiting tugon naman ni Joaquin. "Still, we can't sleep together at hinding-hindi ako papasok diyan sa kwarto

